CHAPTER 27

17.7K 351 30
                                    

Huminto ang paghinga ko ng nawala ang sinag ng araw na siyang tinakpan ng mga ulap.

I saw a girl standing away from me, she was holding a bow as I could see her hair dancing in the wind. Hindi ako makagalaw at napako ang mga paa ko sa kinatatayuan habang nakatitig sa babae.

Matangkad ang babae pero mas maliit ng kaunti sa akin, I saw her jump from her position at ginamit pa ang isang lubid para makababa ng tuluyan sa posisyon ko. Bawat hakbang na ginagawa niya papalapit sa akin ay ayun namang dagundong ng dibdib ko.

"You shouldn't hug that." Mahinhin pero mariin na sabi ng babae ng makalapit sa akin. She was referring to that monster that I'm about to embrace, earlier.

Halos malagutan ako ng hininga ng tuluyang kung makita ang itsura nito, her hair was fully white na para bang kinulayan ito pero hindi. Her eyes met mine dahilan para manghina ang mga tuhod ko, ilang taon na ang nakalipas pero hindi ko makakalimutan ang kulay ng mata na meron siya...it was lilac.

"This is odd, pareho tayo ng kulay ng buhok." Inosenteng sabi niya sa akin bago isinabit sa likuran niya ang pana na hawak hawak.

Muli pa siyang lumapit sa akin ay tuluyang nawalan na ako ng hininga ng ngumiti siya sa akin, her eyes travelled from my face to my arms.

"I'm sorry, I'm the one who did this." Malambing na sabi niya kasabay ng malumanay na pag hawak sa braso ko.

Nangilid na ang luha sa mga mata ko at hindi ko na mapigilan ang sarili ko, agad na hinatak ko ang babae at niyakap. Wala na akong pake sa kung anong iisipin niya, all of those years na nangulila ako ay biglang nawala ng mahawakan ko siya sa mga braso ko.

"How are you, mama?" Tanong niya dahilan para tuluyang tumakas na sa mga mata ko ang luha, para itong mga sasakyan na nasa karera at nag uunahan makalabas sa mga mata ko.

"I-Ionna..anak ko.." I cracked at tuluyang bumagsak na sa lupa habang yakap yakap siya.

Hindi siya nag salita pero nararamdaman ko ang mahigpit na pag yakap niya sa akin, isang napakalaking tinik sa dibdib ko ang nawala dahil sa pag kikita na ito. Nabuhayan ang buong pagkatao ko, at parang wala ng makakapigil sa akin sa mundong ito.

Inilayo ko siya bahagya at tinitigan ng mabuti ang mukha niya kasabay ng pag hawak ko sa magkabilang pisngi niya, "Hindi ba ako nanaginip?- fuck!" Mura ko ng bigla niyang pisilin ang braso ko.

"You screamed, that means hindi ka nanaginip." Matamis na ngiti niya sa akin, kaya naman ang mga luha ko at nag unahan nanaman.

Hindi ko na ininda ang sakit ng pagka pihit niya sa braso ko at muli siyang hinagkan. Wala akong narinig na kahit anong hikbi mula sa kanya pero wala na akong pakialam doon, masaya ako na nasa kamay ko na ulit siya.

"A-ang tagal kitang hinanap, saan ka ba nag punta?" Umiiyak na tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin sa kanya.

"We tried to find you too, pero hindi ka na namin nakita." Bulong niya sa akin.

Unti unti akong lumayo sa kanya at nag taka sa sinabi niya, "We?" I asked, tska naman siya tumango.

"Someone saved me from that day." She smiled as she pulled away from my hug at tinulungan akong tumayo.

Nag tataka akong tumingin sa kanya pero matamis na ngiti lang ang binigay niya sa akin, as I looked at her ay napaka raming bagay na ang nag bago sa kanya. Ang akala ko ay wala siyang minana sa physical appearance ko, pero mali ako.

Her black hair turned into a full snow white hair color, katulad ng buhok ko. Mas lalong na emphasize ang kulay ng mata niya dahil sa kulay ng buhok niya, samahan mo pa ng maputi niyang balat. Madungis siya dahil na rin sa pakikipag laban niya para sa buhay sa mundong ito, pero hindi mawawala ang ganda sa mukha niya.

Isang dyosa ang nasa harap ko, kung hindi ko ito anak ay baka inisip ko na, na sinundo na ako ng anghel dito sa lupa.

"Wait...who saved you that day-"

"Vionna!" Malakas na sigaw ng kung sino dahilan para mapalingon ako.

Halos kumawala ang kaluluwa ko katawan ko ng biglang may kung anong nakatutok na lang sa lalamunan ko, hindi ko agad nakita kung sino yun dahil biglang nag react ang katawan ko at inambahan ang tao na yun kasabay ng pagka bagsak niya sa lupa.

"What the hell?! Vionna, stay away from-"

"Calista?!" Gulat na tanong ko ng makita ko kung sino ang babaeng tinukod ko sa lupa.

Agresibong napalingon naman siya sa direksyon ko kahit nakadapa ito, dahan dahan ko siyang pinakawalan at pinaikot. Nakatukod ang mag kabila kong kamay sa gilid niya dahilan para ma corner sia. Kita ko ang gulat sa mata niya ng makita niya ako.

"Sczekinah-"

"Love!" Boses naman ng lalaki ang narinig ko, hindi pa man siya nakakalapit at nasa likuran ko siya ay biglang nasalo ko ang hawakan ng kutsilyo na nasa kamay, agad kong pinihit ang kamay niya dahilan para mahulog ito.

"What- Sczekinah?!" Gulat na sambit niya ng makita ako.

"Ash?!" Mas nagulat na sabi ko.

Binitawan ko naman ang kamay niya kasabay ng pag pakawala kay Calista na siyang nasa sahig parin. Walang nag salita sa amin ng ilang sandali at nag titigan lang, gulat na gulat ang bawat isa sa amin.

Silang dalawa ang huling taong inaasahan ko na makikita ko ulit sa mundong ito, napalingon ako kay Vionna na nasa likod nila habang nakatingin sa akin-

Napahinto ako ng pag sasalita ng may maramdaman akong dulo ng baril na nakatutok sa ulo ko, familiar ang pakiramdam na ito at parang kilala ko na kung sino ang gumawa nun.

"Si Akiah ba ang nasa likod ko?" I tuned, I saw them nod.

Mabilis na kumilos ang katawan ko at handang agawin ang baril na tinutok niya sa akin ng maunahan niya ako, at inilihis ang kamay ko kasabay ng pag tutok ng baril sa tagiliran ko.

I smirked when I faced him, walang kahit anong reaksyon ang nasa mukha niya. Hindi ako nag patalo at inabot ang baril niya, inikot ko ang katawan ko kasabay ng pag hawak sa mga braso niya. Nahawakan ko naman iyon, ang akala ko ay mabibitawan niya ng tuluyan ito pero inilihis niya ang katawan niya at sinalo gamit ang isang kamay ang nahulog na baril, muli niyang itinutok un sa akin.

"I can see na pumurol ka na. Pinuno-"

Hindi ko siya pinatapos ng pagsasalita at sinipa ang sakong ng paa niya dahilan para matumba siya, nakuha ko ang baril niya na ngayon ay nakatutok sa kanya. "Don't let your guard down." Mayabang na sabi ko.

Nakita ko ang ngisi sa mga labi niya, at umupo ng mabalik niya ang sarili sa pagbagsak dahil sa ginawa ko, "Akala ko, matatalo na kita." he chuckled, I offered my hand at agad na kinuha niya naman yun at tumayo.

"You're still sharp, wala paring pinagbago sayo." Ngayon ay nakangiti na siya, habang malalim na nakatingin sa mga mata ko.

Sa loob ng ilang taon, I suddenly felt peace in their presence. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko na halos masugat na, lumapit sa akin si Akiah at mahigpit akong niyakap. Wala ng pumasok sa utak ko at humagulgol sa balikat niya habang nilalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Shh..." Pag papatahan niya sa akin.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon