CHAPTER 63

18.7K 318 25
                                    

Natapos ang announcement, at walang maayos na bagay ang pumasok sa isip ko.

Tumayo ako sa pag kakasalampa sa sahig at pinilit ang sarili kong puntahan si Yohan, bago pa ito makababa sa stage. Pinigilan ako ng mga sundalo ng makita nilang akong papunta sa direksyon ng sinasabi nilang pinakamataas sa lugar na ito.

"Yohan!" Malakas at buong sigaw ko sa kanya, nakita kong napatingin silang tatlo sa akin ng dahil sa sigaw na ito.

Nilunok ko ang sarili kong dila at itiniwalag ang panghihinang nararamdaman ko. Galit ang pumalit sa dibdib ko, pagtataka at galit. Ang puot na nararamdaman ko ay mas lalong lumalalim dahil sa nakita ko.

"Aki!" Mariing tawag sa akin ni Akiah pero hindi ko siya pinakinggan.

"Yohan! Anong nangyari?!" Iritableng sigaw ko sa direksyon niya, blako lang itong nakatingin sa akin.

Hinawi ko na rin ang mga sundalong nakahawak sa akin, hindi rin naman nila ako pinigilan ng makita kong sinenyasan sila ni Yohan.

Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa galit, pero hindi ko hinayaang ipakita sa kanila yun. Tatlo silang mala demonyong nakatingin sa akin pero hindi ako nag patinag, alam kong kaya ko makipag sabayan sa kanila lalo't na alam kong nasa likod sila Akiah.

"Bakit andyan si Gel?!" Seryoso at madiing tanong ko sa kanya.

My eyes twitched when I saw him looking at that head's direction. "Hindi siya nakinig sa akin." Tanging sagot niya lang.

"Ano?! Yohan...wag mong sabihin..." I gulped, his eyes were dead as he stared at me.

Bahagya akong napa atras ng lumapit siya sa akin, "She doesn't want to be part of my plan, and people who don't want that should die." Malalim na sabi niya.

Hindi ako makapaniwala, bakit hindi ko na makilala ang mga taong akala ko ay kilala ko? Una si Alexus...tapos ngayon si Yohan.

"Kaibigan mo si Gel, Yohan!" Matapang na sigaw ko sa kanya, an emotionless smirk appeared from his lips.

"She was, not until she turned her back to me." He thundered.

Nagulat ako ng inilapit niya ang mukha sa akin, "Wag mo masyadong isipin ang taong patay na. Be ready, I'll make you mine this time." Malamig na bulong niya sa akin dahilan para mas lalo akong mapaatras.

My eyes widened more when I saw Alexus and Akiah by my side. Si Akiah ay hinarang ang sarili niya sa pagitan namin ni Yohan, habang si Alexus naman ay marahas na hinawakan ang braso ni Yohan para hindi ito makalapit sa akin. Nag taka ako sa kinilos niya pero hindi ko na inintindi.

Hahawakan sana ni Yohan ang pisngi ko ng kunin ni Akiah ang pulsuan niya, "Don't fucking lay your filthy hands over her skin." Seryosong banta ni Akiah.

Marahas na binawi ni Yohan ang kamay niya, at diretsong tumingin sa mga mata ni Akiah. "Remember what I told you before parting our ways? "Protect her while you still can, babawiin ko siya sayo kapag nagkita ulit tayo." He growled into his ears, bago inayos ang tayo.

Binigyan niya pa si Akiah ng nakakakilabot na ngiti bago tuluyang nilampasan kami at umalis sa entablado. Nakita kong nakatingin din sa akin si Alexus, pero agad na inalis niya iyun.

Wala na, hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko sa puntong ito. Gulong gulo na ang dibdib ko, parang lahat na ng emosyon ay naipakita ko na sa mundong ito at hindi na sapat ang salitang masakit sa nararamdaman ko.

Dire diretso lang akong bumalik sa kung saan kami nagpapahinga, I sneered all the things that my eyes caught. Kung saan saan ko pinag babato ang mga gamit, I even kicked the door as I opened that.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon