"Okay, grind na ulit! Tayo!" Masiglang sabi ni Ash.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko dahil sa ingay niya, gising na rin si Akiah pero hindi gumagalaw. He just smiled at me ng makita niya akong nakatingin sa kaniya, agad ko namang inayos ang upo ko. Naka tulog pala ako sa balikat niya...sa kabila ng nangyari.
"Sorry! That must be uncomfortable-"
"No worries, as long as you rest well." Pag putol niya, kasabay ng pag hatak sa akin.
Napasubsob naman ako sa dibdib niya dahil doon tska niyakap, nginitian niya pa ako bago niya ako binitawan tska tumayo. Inayos ko ang sarili ko, akmang tatayo na sana ako mag isa ng ilahad niya sa akin ang kamay nia. I happily accept that.
Na guilty ako sa kung anong sinabi ko sa kanya kagabi, trust me...sinusubukan ko, sinusubukan ko siyang gustuhin pero nakakulong parin ako sa alala namin ni Alexus.
"Bagay kayo." Walang emosyon na sabi ng anak ko, bago pumasok sa pinto na ngayon ay nabuksan na ni Ash.
Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa pisngi at naramdaman ko ang pamumula nito. Napasipat ako sa direksyon ni Akiah, pero bahagyang nakatalikod siya sa akin. Nag simula na akong mag lakad, habang kagat kagat ang labi ko.
"Psst!" nagulat ako ng hinatak ako ni Cali para mapunta sa tabi niya, mahina lang naman ang pag hatak niya pero lumayo layo kami sa posisyon nila Ionna.
"Bakit?" Nag tatakang tanong ko.
Ngumingiti ngiti pa siya bago tuluyang mag salita, parang kala mo ay pinipigilan ang kiligi. "Ano ba?" Itinaas ko na nag kilay ko dahil don.
"Daughter approved na." Nanlolokong sabi niya sa akin.
Sinimangutan ko siya dahil doon, pero kinikilig na kumapit naman siya sa akin habang larong tinutusok ang tagiliran ko.
"Stop it, naiinis ako." Mariing sabi ko habang nangiti sa kanya, ngiting anumang oras ngayon ay baka lampasuhin ko siya.
She laughs, "Do you think it's time to replace Alexus?" Mahinhin pero seryosong sabi niya.
"Y-you know I can't do that." Nauutal na sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin tska pumunta sa harapan ko, paatras na siyang nag lalakad ngayon para lang makaharap ako habang kinakausap.
"Okay, sabihin na natin na hindi mo kaya palitan sa puso mo si Alexus. But, do you think It's time for you to love someone else?" Dagdag niya sa sinabi niya kanina.
Napaisip ako dahil sa sinabi niya, tiningnan ko ang direksyon ni Akiah na nakikipag kulitan sa anak ko. Talagang mag kasundo sila, Akiah was also one of the person pinakikinggan ni Ionna. A smile formed into my lips as I watched them.
"I can see through you, pinipigilan mo lang ang sarili mo." Nakangiting usal ni Cali.
Iniling ko ang ulo ko para mawala ang thought na yun sa isip ko, I still love Alexus. If I tried to love someone else, I feel like I betrayed him.
"7 years na Sczekinah, 7 years ng wala si Alexus. Hindi mo na kailangan ma guilty, pwede ka na ulit mag mahal ng iba. Hindi na siya magagalit sayo, you also need to find the happiness you deserve after all of those suffering." Parang nasaba ni Cali ang nasa isip ko, kaya sinabi niya yun.
Bumuntong hininga ako tska ngumiti sa kanya, hinatak ko na lang siya sa tabi ko tska kami sabay na nag lakad. Hindi ko sinagot ang mga salitang binitawan niya, masaya ako sa anong estado ko ngayon and kuntento na ako doon...?
"What the fuck." Mariing mura ng isa sa kanila, hindi ko nakita kung sino nag sabi nun.
Napatingin kami sa harapan at halos malaglag ang mga mata namin sa nakita. There was a huge door in front of us, it was made of thick steel. Magkaiba ang itsura nila kaysa sa mga nadaan naming mga pinto.
"Para saan yan?!" Gulat na tanong ni Cali.
The door was so huge, to the point that we couldn't even reach the top. Kung tama ang kalkula ko ay sampung tao ang taas ng pintuan na yun, katulad nito ang mga pintuan sa mga napapanood kung pelikula.
"Palakas ng palakas ang kutob ko na may ibang tao o kung ano sa likod ng lugar na ito." Dad perceived.
Lumapit naman si Ash doon at sinubukang buksan ang pinto, tumagal ng ilang sandali pero hindi niya pa rin ito mabuksan. Mukhang nahihirapan siya at pag kamot na lang sa ulo ang nagawa.
I walked towards him, I don't know how I can help him but I still tried. "Anong ginagawa mo?" He asked, ng makita niya akong may pinipindot. Hindi naman ako nag tagal doon, tska lumayo sa kung saan iniinput ang password.
"What the..." Bulong ni Ash ng tumunog ito, indikasyon na nabuksan ko ang pintuan.
Napihit ko ang ulo ko dahil doon, may sinubukan lang naman akong kombinasyon. I didn't expect for that massive door to open. Napanganga pa ako ng dahan dahan itong nag bukas, lumayo pa kami ng bahagyan doon bago tuluyang matapos ang pag galaw ng pinto.
"Anong nilagay mo doon?" Gulat na tanong sa akin ni Ash.
"Birthday ko." Mabilis na sagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa pinto.
Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun, parang may kung ano ang nag bulong sa akin na ilagay ko ang kaarawan ko. It feels odd, anong kinalaman ng birthday ko sa lugar na ito?
"Paano naging birthday mo ang password?!" Mas lalo siyang nag taka dahil doon. I shrugged my shoulders, I don't even know.
"B-baka naman kapareho lang ng birthday niya ang may ari ng lugar." Pagtatanggol sa akin ni Cali.
Ash shakes his head, at parang winagli na lang din kung ano ang nasa isip niya. Baka naman tama si Cali, I don't need to overthink. Hindi lang naman ako ang may ganoong kaarawan sa buong mundo.
We searched the whole area, it was different from the last ones. May mga kwarto dito, napaka lawak ng lugar pero may mga divisions na ito. Binuksan nila papa ang ilan sa mga kwarto, pero wala iyong laman. It looks like this part was just a place full of unused room.
Nag lakad ako ng kunti at humiwalay sa kanila, may isang pinto ang pumukaw ng atensyon ko. It was just a normal door like the other ones, but something feels strange. Lumapit ako doon, bawat hakbang na ginagawa ko ay nagbibigay ng kaba sa katawan ko.
I slowly turned the knob, but it was locked. Sa ganitong mga pagkakataon ay dapat iiwan ko na ito, pero hindi ko ginawa. I kicked the knob multiple times for it to open, those sweats didn't cost me nothing. Nabuksan ko ang pinto, dahan dahan kong binuka ito para masipat kung ano ang meron sa loob.
Halos manlamig ang buong katawan ko sa anong nakita ko sa loob ng kwarto, napalingon ako sa pinto ng bigla itong mag sara. I tried to open the door again but it's already locked. Napabaling ulit ang mata ko sa kung ano ang nasa loob ng kwartong ito.
Malamig dito sa loob, parang freezer ang lamig. May kuryente dito, ay malamang ayun ang dahilan kung bakit ganito ka lamig dito sa loob. I can't believe what my eye saw, my arms started to itch because of the temperature.
Napahawak ako sa braso ko, malamig ang lugar pero parang sinusunog ang braso ko. Natanggal ko na rin nag benda nun, ito ang unang pagkakataon na ganito kainit ang nararamdaman ko. Hindi na ako nakapag isip at ginamit na ang sarili kong kamay para hawakan at halukayin ang braso ko.
Nagbabaga ang katawan ko, pero hindi ko parin maalis ang mata ko sa harapan. What the hell is this?

BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...