CHAPTER 44

16.6K 288 7
                                    

"We need to keep moving." Walang buhay na sabi ko tska pinilit na buhatin ang bag ko, "Fuck." Bulong ko sa sarili ko when I struggled na ilagay ang kabilang strap sa balikat ko.

Lumapit naman sa akin si Akiah, tska isinabit yun sa akin. "Tara, baka may kung anong makita rin tayo." Sabi niya ng matapos siya.

He offered me last night na siya ang mag bibitbit ng mga gamit ko but I told him that I don't want to. Mas maawa lang ako sa sarili kung ang simpleng pag buhat ng bag ay hindi ko na magawa, dahil lang nawala ang braso ko.

I'm happy na talagang hindi naman sila nagsasalita ng kahit ano tungkol sa kalagayan ko. Napapansin ko yun, hindi sila nag open ng kahit anong topic na mag papaala sa akin na wala na ang braso ko.

We started to walk again to explore more deeply into this large man-made tunnel. Nilapitan ko ang anak ko as I saw her walking alone na mukhang malalim ang iniisip. I messed with her hair as I reached her position.

"Mama," Gulat na sambit niya ng makita niya ako sa gilid niya.

"Are you blaming yourself?" I asked her with a smile on my face.

"How can't I?" I'm the reason kung bakit nangyari sayo yan. I'm the one who shot you dahilan para maging ganyan-"

"But, that shot was the reason para makita ulit kita." I cut her off, "Kung hindi mo ako pinana nung araw na yun, edi hindi kita nakita." Nakangiting sabi ko sa kanya. "This thing is a blessing in disguise." Dagdag ko pa.

"You're gaslighting yourself." Nakangusong sabi nia, I laugh awkwardly. She's right, gina gaslight ko lang sarili ko.

"Aish! Wag ka ng epal, just get along." Sabi ko ay marahas na ginulo ang buhok niya.

Kahit na naiinis ay tumango na lang siya sa akin at kinagat ang pang ibabang labi. Nilapi ko naman siya sa akin at sinabayang mag lakad. Ilang oras na naman ang itinagal namin sa paglalakad, unti na lang din ang supply ng pagkain namin at tska ng tubig.

I was having fun talking to them, ang saya talaga sa feeling na nasa tamang circle ka. When they don't make you feel less about yourself. I'm so lucky that they are the ones I call my friends.

"Umamin nga kayo, sino ang nakasira ng kisame sa campo noon?" Seryoso at malamig na tanong ni papa.

Nagkwekwentuhan kasi kami ngayon tungkol sa mga masasayang alaala namin noon nung nag training palang kami. Ang layo na ng inabot ng usapan namin, at mukha ng mahabang oras ang lumipas habang nagkwekwentuhan kami.

"Omg, nahulog ka talaga sa upuan Tito?" Hindi makapaniwala na tanong ni Ionna kay Akiah.

Bigla namang namula si Akiah dahil don, alingasaw ng malakas naming pagtatawanan ang pumupuno sa buong lugar dahil doon.

"Oo, ang alam ko natutulog siya nun sa upuan habang nakataas pa ang paa sa kabilang arm chair, e yung upuan na kinalalagyan niya sira yung sandalan. Ayun nahulog siya, una ulo taas paa." Humagalpak na kwento ni Ash, maluha luha na rin siya dahil sa pag kwekwento.

Bigla namang nagdilim ang pagtingin ni Akiah sa kanya, pero mukhang walang pake ito at patuloy pa rin ang pag tawa.

"G-general, may aaminin si Akiah." Nauutal naman na sabi ni Calista dahil sa pag tawa.

"Ano?" Tanong ni Papa.

"S-si Akiah yung..." Hindi matuloy tuloy ni Ash ang sasabihin dahil sa pag tawa, "Si Akiah yung nakasira ng kisame." Mas lalong lumakas ang tawa niya dahil doon.

Natawa na rin ako ng maalala ko ang araw na iyun. Akiah indeed was the reason for the ceiling to fall that day. May kinuha kasi siya doon, as far as I remember shuttlecock yun? We're playing that time. Nakuha niya naman yun, pero nataranta siya ng biglang dumating si papa. That time he is the one, who is in charged general na bumibisita sa campo namin.

"Eh? Panong siya, e nakita ko siyang nakapila ng maayos nun." Nag tatakang tanong ni papa.

"Tumalon po siya, that's why he sprained his ankle that day dahil sa panic." Ako na ang sumagot doon, mas lalong lumakas tuloy ang tawananan ng dalawa.

"What a shame tito." Hindi makapaniwala na sabi ni Ionna, bago muling tiningnan si Akiah mula ulo hanggang paa.

"T-that was an accident." He tried to revive himself from embarrassment.

Kita ko na ang mas lalong pag pula ng mga pisngi ni Akiah by this moment. Nagulat din ako kanina na hindi siya pumalag nung dahan dahan siyang inaasar ni Ash, naki sali naman si Cali doon dahilan para umabot dito ang topic.

Akiah was the type of person that is always cold and emotionless, lalo na kapag nasa trabaho. Maraming takot sa akin, but mas marami ang takot sa kanya dahil sa aura na binibigay niya. This group was the only circle na kaya siyang pag tripan ng ganito.

We are having a great time ng makarinig kami ng tunog na nag pataas ng balahibo naming lahat. Bigla akong naalerto, pati na rin silang lahat. It was a sound that roared throughout the entire area. Our military instinct kicked in kasabay ng pagkuha ko sa baril ko.

I saw Ash pulling his sword out, nilabas rin ni Cali ang baril niya, pati na rin si papa at Akiah, while Ionna holds her bow. Napako kaming lahat sa kinatatayuan ng marinig namin ulit yun. We all looked at each other.

I saw Akiah step before me at bahagyang hinarangan kami ni Ionna. He was now infront of us, his other arm was behind him gesturing to us to stay behind him. Humigpit ang hawak ko sa baril ko ng marinig ko ulit yun.

Nanggaling ang malakas na tunog na iyun sa harapan namin. The sound keeps on getting closer and closer. Pahigpit ng pahigpit ang hawak namin sa mga armas. Something isn't right from those sound.

Ilang araw na kami dito sa ilalim pero ito ang unang pagkakataon na nakarinig kami ng ibang bagay maliban sa mga boses namin. Each day that passes keeps on getting weirder and weirder, yesterday we saw an experimental subject and now...this unknown sound that keeps on sending shivers into our body.

"Ash, ilag!" Malakas na sigaw ni Akiah.

Agad namang nakailag si Ash dahil doon. Our eyes widen from what we are seeing now. It was a dog, a huge dog that is larger than its original form and it's not acting like a dog. Nakalawlaw na ang mata ng aso, kita na rin ang laman nito mula sa kanyang leeg at nagkalat ang dugo sa ginagalawan nito.

"Ninong, be careful! It's an infected mastiff!" Sigaw ni Ionna.

Calista aimed her gun at that thing as she shot that but...hindi ito naapektuhan at binaling ang tingin sa diresyon ni Calista. 

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon