I fall a sleep habang umiiyak last night, I woke up na katabi si Akiah at nakayakap sa akin.
He was comforting me all night without questioning what happen, he just stayed by my side as he keeps on tapping my back. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa mga braso niya.
Dahan dahan akong tumayo, madaling araw pa at hindi pa umaangat ang araw. I looked for Cali sa buong lugar pero hindi ko siya nakita, wala rin si Ash at mukhang mag kasama naman nila. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon, at least her boyfriend was by her side.
Umupo na lang ako sa gilid ng anak ko na natutulog, I softly caress her cheeks habang nakangiti. Nangingilid na naman ang luha ko by the thought na, baka ako naman ang mang iwan sa anak ko.
Hindi na ako sigurado kung kailan at hanggang saan ako, may talagang mali sa katawan ko. I need to prepare myself for the worst, Ionna was great na by herself. Natuto na siyang makipag laban at humawak ng armas, she was also bright by herself. I think she won't need me na.
Ilang minuto pa ang lumipas at umangat na rin ang araw kasabay ng pagkawala ng mga halimaw, bumaba na rin ako sa puno tska naglakad lakad sa paligid. Hindi pa man ako nakakalayo ay biglang nasipat ng mata ko ang isang babaeng nakaupo sa may gilid ng bangin.
She was playing with stones at binabato sa harapan niya. She was also hugging her thighs at sumisinghot singot pa, her shoulder gradually moves.
Kahit na nag aalangan ay lumapit ako sa kanya, I slowly sat besides her. Nakita ko naman na napansin niya ang presensya ko pero hindi kumibo.
"Cali-"
"Nag aalala ako sayo." Pag putol niya sa pagsasalita ko, "I'm worried about you but don't worry wala akong pinag sabihan, even Ash." Paninigurado niya.
Palihim akong napangiti dahil don, hindi pa rin siya nakatingin sa akin at pinaglalaruan ang lupa sa mga kamay niya kasabay ng pag hagis ng mga bato sa harapan.
"I don't want everyone to know about this, lalo na si Ionna." Mahinang bulong ko, wala naman akong narinig sa kanya kaya nagpatuloy ako. "If Ionna will know about this, hindi mawawala sa kanya na sisihin niya ang sarili niya. She was the one who shot me." Naiiyak na naman na sabi ko.
"Tell me, anong ginagawa mo dyan for it to be in that state?" Hindi prin siya nakatingin sa akin habang tintanong yun.
Malaking buntong hininga ang binitawan ko bago mag salita, kahit anong tago ko ay malaman at malalaman din naman nila ito. It was great that my bestfriend was the one who discovered this first at hindi ang anak ko.
"T-tuwing gabi, kasabay ng pag labas ng mga halimaw nag iinit ang katawan ko to the point na hindi ako mapakali." I started, "May kung anong sobrang init sa loob ng braso ko as it started to itch, nung una hindi ko alam kung paano mawawala ang init at sakit nito pero ng makita ko yung kutsilyong binigay ni Alexus sa akin-"
"That's why you stab yourself and twirl that blade inside your flesh." Pag putol niya, mariing tumango naman ako sa kanya.
Ipinikit ko ang mata ko dahil ngayon lang pumasok sa sarili ko kung ano ang ginagawa ko sa katawan ko, I've never imagined na ako mismo ang gaganto sa sarili ko. I'm ruining myself without knowing, basta mapawi lang ang init at kati na yun.
"D-do you.." She shuttered tska humarap sa akin, "Do you remember kung ano pa ang ibang nangyari maliban sa pag tama ng pana sayo ni Ionna?" Seryosong tanong niya.
Napaisip naman ako sa kung ano yun, "Naliligo ako sa ilog noong tumama sa akin yung pana, I was drenched in water habang nakababad sa ilog. Kumalat din ang dugo ko sa tubig nun-"
"Napasukan ba ng tubig yung sugat mo?" She cut me off.
"Y-yes." Nakayukong sabi ko.
Naiingat ko ang tingin ko sa kanya ng hindi siya mag salita, I saw her crying while staring at me. Nabigla ako ng yakapin niya ako, "You're fucking dumb." Umiiyak na sabi nito habang nakayakap sa akin.
"Ha?-"
"Ang bobo mo talaga," Sumisinghot na sabi niya sa akin "Infected ang mundong ginagalawan natin, If nasa tubig ka nun at pumasok sa sugat mo ang tubig malamang sa malamang ay may nakapasok sa katawan mo. Hindi naman maalis na lumulublob ang mga halimaw sa ilog na yun kapag gabi." Pag papaliwanag niya habang nakangiti.
"So you're telling me infected na ako?! Bakit ka nakangiti?" Umiiyak na rin na tanong ko sa kanya.
"Tanga, ilang linggo ka na may sugat pero hindi ka pa na t-turn into a monster." Umiiyak rin na sabi sa akin.
"Oh tapos? Mamatay na ba ako?" Mas lalo akong umiyak.
"Bobo, ibig sabihin may antibody ka sa katawan mo." Mas malakas na iyak niya habang nakayakap, "There is something in your body, it's indeed na ikaw ang may pinaka malakas na katawan dito." Iyak niya pa.
Para na kaming timang dito, ang lakas ng iyak namin habang magkayakap. Nawala ang sakit na nararamdaman ko because of how she talked to me, halos lahat ng salita na lumalabas sa bibig niya ay cinocomfort ako kahit na parang nilalait niya ang pagkatao ko.
"Why does boys can't do this shit?" Boses ng kung sino dahilan para mapabitaw kami ni Cali sa isa't isa.
Nakita naming nakatayo sa likod namin sina Akiah, Ash, at Yohan habang nakatingin na mukhang hinuhusgahan kaming dalawa.
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko, pati na rin ang ilong ko dahil sigurado akong pati sipon ko ay tumutulo na.
Nakapamewang na nakatingin sa amin si Yohan, si Akiah naman ay naka cross ang mga braso sa harap ng dibdib, at pagkamot na lang sa ulo ang nagawa ni Ash na nakaharap sa amin.
"We can do that naman, tara dito." Sabi ni Ash at akmang yayakapin si Yohan pero umiwas ito.
"Bakit ba kayo andito ha?! Mga chismoso kayo!" Sigaw ni Cali sa kanila, habang pinupunasan ang mga luha.
"I followed Kinah, I woke up na wala siya sa tabi ko then I looked for her. Hindi naman ako nasabihan na maaabutan ko kayong nag iiyakan dito, what the hell is your problem?" Iritableng tanong ni Akiah.
"You don't need to emphasize that you woke up without her by your side." Masungit na sambit ni Yohan, bumaling naman ang tingin ni Akiah sa kanya.
Biglang tinusok ni Cali ang tagiliran ko kaya lumingon ako sa kanya, "I told you." Bulong niya sa akin kasabay ng pagtaas baba ng mga kilay niya.
I looked back at Yohan and Akiah na masamang nag titigan ngayon. Seryoso ba talaga sila? Bahala sila diyan, mahal ko pa si Lexus.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...