I saw a huge glass capsule sa harapan ko, hindi lang ito basta basta container.
Mayroong laman ang mga iyun, sa pag kabilang ko ay nasa dose ang laman na glass capsule ng kwartong ito. May kung anong kulay berdeng likido ang laman noon, dahan dahan akong lumapit para mas makita kung ano ang laman.
Napatakip ako sa bunganga ng makita ang tumambad sa mga mata ko, may lamang tao ang mga capsule na iyun. Malaki ang lagayan at saktong sakto ang isang tao, halos masuka naman ako ng mapansin ang buong katawan ng mga sa loob nun.
Kulang kulang ang parte nila, merong isang walang binti at meron namang wala talagang kamay at mga paa. Hindi maayos ang pagkawala ng mga parte nila, parang may kung ano ang kumagat sa kanila dahilan para ma ritaso ang laman nila.
Nandidiring napakapit ako sa braso ko, kitang kita ko ang dugo sa katawan ng mga tao. Namumula pa ito at lantad na lantad ang wasak wasak na laman loob nila. Maayos ang mga mukha pero hindi ang katawan, may kung anong tubo rin ang nasaksak sa ilong nila.
Dahil sa lamig ng kwartong ito, ay napahawak ako sa braso ko. Agresibo kong kinamot yun, wala na akong maramdaman na sakit pero ang init at kati na nagmula don ang halos makabaliw sa akin.
Tiningnan ko ang braso ko, nagulat ako sa itsura nun pero hindi ako huminto sa kamot. Lumabas na naman ang laman nito, nagdurugo na ito at natatanaw ko na rin ang buto ng braso ko. Kahit anong kamot ko doon ay hindi mawala ang init.
Naiiyak na ako hindi sa sakit kundi sa takot, natatakot ako sa anong pwede kung gawin sa sarili ko. Bakit ba ngayon ulit ito nag kaganto?! Mas malala pa ito kaysa sa nararamdaman kung init tuwing gabi.
Umakyat ang pag kamot ko sa leeg ko hanggang sa makapa ko ang kutsilyo ko. Agad kong tinanggal yun, tumutulo na ang luha ko, hindi ko na kaya ang init para akong nasusunog.
Mahigpit ang hawak ko sa kutsilyo, kahit anong oras ay maitatarak ko na iyun sa braso ko para tuluyang mawala na itong nararamdaman ko. I'm about to lay that blade into my flesh, as I heard something cracking.
I looked in front of me, I gasped when I saw them staring at me. Kung kanina ay nakapikit ang mga ito, ngayon ay halos takasan na ako ng kaluluwa ko. Hindi ako takot sa bala o kahit na anong bomba, pero nanlamig ang katawan ko ng makita silang kinakatok ang pinaglalagyan.
Hindi ko na ininda ang sakit ng braso ko, naitukod ko iyun dahilan para mapaatras ako hanggang sa may tabi ng pinto. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot pati na rin sa init, tuloy tuloy na ang luhang bumabagsak sa mga mata ko dahil sa nangyayari.
Tinakpan ko ang tenga ko dahil palakas ng palakas ang pag katok nila sa kinalalagyan, halos malagutan ako ng hininga ng mag tama ang mga mata namin.
"A-AKIAH!" Malakas na sigaw ko ng tuluyang mabasa nun ang salamig.
Malakas akong napakapit sa braso ko, mas lalo akong nataranta ng makitang nadala ng kamay ko ang laman nun. Hindi na ako makagalaw ng makita kong pilit na inaabot ng halimaw ang posisyon ko, alam kong kayang kaya ko naman yun baril o saksakin pero hindi gumagalaw ang katawan ko. Gusto ko na umalis dito, gusto ko ng dumating si Akiah sa tabi ko.
Wala pang ilang sandali ay biglang lumagapak ang pintuan na nasa gilid ko, pero...hindi si Akiah ang ibinuga nun.
—--------------------
SOMEONE'S POV
I was about to do my daily rounds; I'm pissed cause I'm always the one who does this.
Mas pipiliin ko pang humilata na lang buong araw sa kama, o kaya matulog na lang ng tuluyan. They always asked me to do errands, as if I'm not an important person here. Napabuga na lang ako ng hangin, bago pumunta sa opisina ng isa sa mataas na opisyal dito.
"What now?" Walang buhay na tanong ko ng makapasok ako sa opisina niya.
He turned his swivel chair around with a smirk on his face, "Having a bad day? Bakit nakasimangot ka?" Nang aasar na tanong niya pa sa akin.
I rolled my eyes as I sat on the sofa in his office. Kumuha rin ako ng biscuit sa na nasa mini table sa harapan, I sat between my legs bago nginuya ang biscuit sa bunganga ko.
"Ano na namang kailangan mo sa akin? I'm about to finish my work, I'm on my way to do my last rounds today tapos bubulabugin mo na naman ako?" Masungit na tanong ko sa kanya.
He laughs softly, ipinatong niya ang baba niya sa kamay na nakapatong sa lamesa. Inaantay ko lang syang magsalita pero diretsong nakatingin lang siya sa akin.
"Stop staring, I might think that you like me." I needled at nilunok ang ulit kagat ng biscuit, his lip line arched bago tumayo tska lumapit sa akin.
He was standing before me, "What if I said, I do?" Mapanlokong sabi niya.
Ako naman ang natawa dahil doon, I look deeply into his eyes as the smile fade from my face. I stretched my arms as I formed a gun into my fingers. "You can, but expect a bullet to your skull." Malamig na sagot ko tska pinorma ang daliri ko na parang pumutok na baril.
Lumayo siya ng bahagya sa akin ng nakangisi, ipinasok niya ang mga kamay niya sa bulsa at tumanaw sa labas ng opisina. It was a glass frame, tanaw ang buong lugar kung nasaan kami.
"Go to quarter 6.1, I need you to check those subjects. Magdadalawang buwan ng hindi na titingnan ang mga yun. Puntahan mo sila and report back to me." He ordered, hindi pa rin sya nakatingin sa akin.
Padabog akong tumayo sa sofa at malakas na isinara ang pinto ng opisina niya. Lagi na lang ganito, naiinis na ako. Well, it's my work pero naiinis parin ako. Sino ang natutuwa sa trabaho nila? Wala naman talaga, wag na tayong mag lokohan dito.
Tinanggal ko ang lab coat ko, at pinalit doon ang normal na jacket ko. Medyo malabo ang mata ko ngayon dahil nakalimutan kong kunin ang salamin ko, hindi ko naman na yun binalikan dahil gusto ko na rin itong matapos.
Sumakay na ako sa horizontal elevator dahil malayo ang quarter 6.1 kung nasaan kami. Kung lalakarin ko yun ay aabutin ako ng ilang oras bago makarating, it was good na nag lagay na sila ng elevator dito mas mapadali buhay ko.
Walang ibang nakakalabas kung nasaan kami kanina, maliban sa matataas na opisyales o sa mga mahahalagang tauhan upon request. But, not me. Kahit kailan ko gusto ay pwede ako mag labas pasok dito, I'm third ranking official dito and isa sa mga salita ko ang nasusunod.
Bored na bored akong nakatayo dito mag isa, hindi ko na rin magawang ilibot ang mga mata ko dahil paulit ulit na rin naman ang nakikita ko. Sa susunod na araw nga ay lalabas ako sa surface, kailangan ko na masikatan ng araw unti na lang ay magiging bampira na ako.
Kapag naiiwan ako mag isa ay pumapasok sa isip ko kung kamusta na kaya ang buhay na iniwan ko sa labas, ano na kayang nangyayari sa mundo? Ilang taon na ang nakalipas simula ng bumaba ako dito, nakakalabas naman ako sa taas pero dapat tuwing umaga lang.
Naintindihan ko naman yun, kahit isa ako sa may importanteng salita dito ay hindi pa rin ako ang pinaka mataas. Someone is higher than us, hindi ko pa siya nakikita sa loob ng ilang taong pananatili ko and wala naman talaga akong pake kung sino siya.
"Oh damn, I hate my life." Bulong ko sa sarili ko as I stretch myself, makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa distinasyon ko.
I was just stretching my neck habang naglalakad papunta sa kung nasaan ang mga subject na pinapacheck sa akin nung siraulong yun. Pasipol sipol pa ako ng biglang may mahagip ang mata ko, my brows furrowed when I saw a bag in front the door.
Hahawakan ko na sana ang knob ng pinto when I heard someone screamed. Nag dalawang isip pa ako pumasok but when I realize who's voice is that, biglang nanlamig ang mga kamay ko.
Kahit na nalilito at kinakabahan ako ay pumasok ako sa kwarto, my heart drop. I saw a woman...a very familiar woman bawling her eyes out.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...