"Tapos na!! Tapos ko na!" Malakas na sigaw ni papa.
Napadungaw naman ako sa baba dahil sa malakas na sabi niya, bumaba na rin ako galing second floor para makita kung ano ang dahilan ng pag sigaw niya.
It's been 2 months since ng mag stay kami dito sa department, anim na kami ngayon kasama yung dalawang bagong babae na sumama sa amin. As I known their name are Jen and Gel, the smaller one was Jen and the taller one was Gel. Napag alaman din namin na both of them are in relationship na for about 6 years.
"Woah!! Ang angas!" Jen said.
"Ang...angas.." Gel muttered after her girlfriend.
Kahit ako ay napanganga sa finish product na ginawa ni papa. The fire truck transformed into a survival vehicle, ibang iba na ang itsura nun kaysa sa typical na fire truck, ang daming armas ang kinabit ni papa sa palibot ng sasakyan gamit ang mga andito sa department.
"Check this out!" Saganang sabi ni papa at pumasok sa loob. "This bad boy right here is powered by solar!" Proud na sabi niya.
"That's smart, hindi na tayo ma mamromroblema para sa gas." Komento naman ni Yohan.
"Ang galing nyo po talaga, General." Pagbati ni Maya sabay thumbs up kay papa, na sinagot din nito ng thumbs up.
Nakatingin naman ng diretso sa akin si papa after that na mukhang inaantay na purihin ko ang gawa niya, "Uhm.." Ayan na lang ang nasabi ko ng lahat sila mapatingin sa akin.
Napakamot pa ako sa batok ko dahil doon, "That's..great." Puring sabi ko, kita ko naman na lahat sila ay napangiwi at bumalik sa kanya kanyang ginagawa.
Luh?! Anong mali sa compliment ko?!
"Ang dry mo naman." Bulong ni Maya sa akin bago umalis.
"Ang sama talaga ng ugali mo no? You should be happy! Dahil dito sa ginawa ko makakalabas na tayo!" Nakangusong sabi ni papa.
"Nakakalabas naman tayo ah?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Simula ng malaman namin na hindi active ang mga halimaw sa umaga, ay malaya kaming nakakalabas kapag tirik ang araw.
"Then we will go more deeper," He started, "Hindi tayo pwedeng manatili dito habang buhay, we need to find my granddaughter at hindi natin siya ma hahanap if we stayed here." Seryosong sabi niya bago bumaba sa fire truck at hinarap ako.
"We will seriously look for her now," Nakangiting sabi ni papa habang nakahawak sa parehong gilid ng balikat ko. "We will find your daughter." Mariin na sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
Biglang bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Tinugunan ko naman ang yakap ni papa dahil na rin sa namumuong luha sa mga mata ko. I'm really grateful na nandito si papa kahit papaano, dahil may masasandalan ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko na wala dito si papa, baka mabaliw na ako ng tuluyan.
Hindi na kami nag sayang ng oras at ikinarga na sa fire truck lahat ng mga bagay na kailangan namin. Hindi na kasi kami muling babalik dito sa department as we stroll all around para mahanap si Ionna at para makahanap din ng ibang survivors .
Lahat ng dapat ikarga ay kinarga namin sa likuran ng fire truck. Ang angas rin dahil ito ang pinaka malaking fire truck na nakita ko, this is the mother truck of this city fire department. Marami kaming naikarga don at halos simutin na rin namin itong buong lugar.
"Ano yan? Dadalhin mo yan?" Nakataas na kilay na tanong ko kay Yohan, ng makita kong hawak hawak niya sa kamay ang alak na itinabi niya nung nakaraan.
"Oo, bakit may problema ka?" Walang pakeng tanong nito.
Hinayaan ko na lang siya at tinuloy ang pag kakarga ng mga gamit. Sinabihan ko rin ang bawat isa sa amin na mag handa ng emergency bag incase something happen at kailangan naming iwan ang truck. May mga pagkakataon kasi talaga na may hindi inaasahang pangyayari, sinabihan ko sila mag lagay ng pagkain, baril, bala, tubig, gamot, at ano ano pa sa bag na yun.
Magagamit namin yun in case of emergency, pra isang kuhaan na lang at mabilis kaming makakilos. Ang bawat isa sa amin ay may ganoon.
"Anong ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Yohan ng makita niya akong nag susulat sa may opisina.
"I need to write this down, para sakaling pumunta dito si Ionna ay alam niyang hinahanap ko siya." Sagot ko at nilapag ang note sa may lamesa, katabi rin nun ang isang walkie talkie para maka contact niya ako kung sakali.
"Are you sure that she will be the one using that talkie?" Curious niyang tanong at hinawakan iyun.
"Don't worry, sinabi ko dito sa note na kapag kinausap niya ako sasabihin niya kung ako yung secret password namin." I answered at lumabas sa opisina.
"Password? Anong secret password?"
"Kaya nga secret e, nag iisip ka ba?" Inis na sabi ko sa kanya.
Hindi na siya nag salita at sumunod na lang sa akin, we are all set at handa ng umalis at iwan itong department. I looked one last glace bago tuluyang sumakay sa sasakyan.
Sila papa muna ang nakasakay doon sa fire truck, while me and Yohan ay andito sa kotse na ginagamit namin. Nag lagay din kami ng mga gamit dito just incase, kahit ito ay ginawa ni papa na solar power para mas convient.
Nakasunod lang kami doon at tahimik na bumabyahe. Sa pag alis namin sa fire department ay muling nabuhayan ako ng loob, na sana ay sa pag alis namin don ay mahanap na namin si Ionna.
Wala namang naging say ang lahat sa plano kong hanapin ang anak ko dahil wala rin naman na silang pupuntahan, it was a surprise for us ni papa na sinusunod nila kami. It was like they taught of us as their leader. Wala ng bago sa akin na mamuno at gabayan ang members ko pero I think this thing would be much more challenging than leading buwan, which is the strongest team in this countries battalion.
[Okay lang kayo dyan?] Tanong ni papa galing sa fire truck, we gave each other walkie talkies din kasi for us to communicate lalo na at wala ng silbi ang cellular phones ngayon.
"Hindi po inaaway po ako ng anak nyo-"
"Okay lang po." Pag putol ko kay Yohan, kung ano ano na naman kasi ang sinasabi hindi ko nga siya kinakausap.
[Sige, sunod lang kayo ah? Sabihin nyo kapag may problema.] Sabi ni papa bago naputol ang tawag.
"Diba, hindi ka rin pinansin dahil sa kadramahan mo?" Nang aasar na sabi ko kay Yohan.
Hindi siya tumingin sa akin at binaling ang tingin sa binata ng sasakyan. Lakas rin nito maka passenger princess e, what if itulak ko ito?
"Ano?" Iritang tanong ko ng makita kong sa akin naman siya nakatingin ngayon.
Hindi siya nag salita at patuloy lang ang pag tingin sa akin ng diretso. Hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang sa pagmamaneho, minsan kasi may saltik siya e.
"Don't fall for me, mahal ko pa si Alexus." Pabirong usal ko.
"Wtf? Kahit ikaw na lang matira dito, di kita magugustuhan." Maarteng sabi nito.
Napatawa naman ako dahil sa kinilos niya, sarap talagang asarin nito e. Ang cute niya sarap niya ipalapa sa mga halimaw tuwing sasapit ang gabi.
Inayos ko na ulit ang sarili ko, nanlulumo parin talaga ako sa mga nakikita ko sa paligid. Hindi ito ang mundong kinalakihan ko, nasanay man ako sa araw araw na pag papsabog dahil sa trabaho ko pero iba parin ang sakit na nararamdaman ko para sa mga taong naapektuhan ng sakit na ito.
Saan kaya nagmula ito o....sino kaya ang nag pasimula nito?
![](https://img.wattpad.com/cover/367431048-288-k354335.jpg)
BINABASA MO ANG
That Shot
Ficção CientíficaSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...