"Aim your shots." Seryosong sabi ni Papa.
Lahat naman kami ay nakatutok ang mga armas dito sa manhole. We all decided to open this thing, and for precution hinanda namin ang mga sarili namin.
The boys tried to open the steel cover pero hindi man lang nila ito napagalaw, they are all using their strength para mabuksan iyun pero hindi nila kaya. Tinulungan na rin sila nila Maya, pero wala talaga.
"Dammit." Inis na sipa ni Akiah doon sa bakal.
"Nagagalit na si boss Akiah oh." Natatawang asar ni Cali sa kanya, sinamaan naman siya ng tingin ni Akiah.
"You can't open that using force." Kalmadong sabi ni Ionna, lahat naman kami ay napalingon sa direksyon siya.
She was eating some fruit at naka de kwarto pa habang nakasandal sa isang puno, nginuya niya muna ng dahan dahan ang kinakain bago lumingon sa amin.
"Use water." Sabi niya tska tumayo at naglakad papunta sa direksyon namin, may hawak hawak siyang tubig na nasa may bao at binuhos sa gilid ng manhole iyun.
"The soil dried up, at mukhang matagal na rin itong hindi nabubuksan kaya tumigas na ang lupa sa sahig." She stated ng maubos ang tubig sa bao na dala dala niya. "Wait for a moment, bago niyo ulit buksan." Sabi niya pa tska tumalikod ulit.
Napakamot naman kaming lahat sa inasal ng anak ko, nag katitigan pa kami ni papa dahil don.
"Nakakahiya na mas matalino pa sa akin ang inaanak ko." Naiiling na sabi ni Ash.
"Kahit naman ipis mas matalino sayo." Pag aasar sa kanya ng girlfriend niya.
Natawa ako dahil doon, ilang minuto pa ang inantay namin bago ulit binuksan ang manhole. And, at this time...nabuksan na nila.
"Bakit tiningnan mo muna kami at pinanood na mahirapan bago sabihin na gamitan ng tubig?" Masungit na tanong ni Gel kay Ionna.
"To see how dumb you are." Pabalang na sagot naman nito.
"Ionna!" Mariin kong sita sa kanya, yumuko naman siya bago nag peace sign.
Sinamaan ko siya ng tingin, bago ibinalik ito sa harap ko. Tama nga si papa, it was a passageway at hindi ito drainage. Merong hagdan pababa nun, it was deep and hindi namin tanaw ang lalim nun dahil sa dilim.
"Deep test." Sabi ni Yohan, kumuha siya ng isang bato at hinulog niya yun diretso sa manhole.
Ilang sandali kaming nag antay ng kahit anong tunog pero wala kaming narinig na kung ano, inulit pa ulit namin ang pag hulog ng bato doon pero walang kaming marinig.
"You can't hear anything from that if you throw a stone. Kung lupa ang nasa baba niyan wala kayong maririnig." Singit na naman ni Ionna. "You can only hear something kung mag kaibang surface ang babagsakan, like a stone and a water, or a solid thing and a steel." She fumed bago lumapit ng tuluyan sa amin.
Lumapit siya sa amin bago sinipat ang lalim ng manhole sa harap, "If you need to know how deep that thing is, babain nyo." Walang emosyong sabi niya.
Napasapo ng ulo si Yohan bago tumalikod, we feel so dumb around my daughter.
"Nakakainis." Natatawang sabi ni Cali bago niyakap si Ionna. "Ang tabas ng dila mo pero mahal na mahal kita." Sabi pa nito at hinigpitan ang yakap sa anak ko.
"So sino ang baba-"
"Ako."
"Ako."
Yohan and Akiah cut me off, I arched my brows as I looked at them. Nakatitigan naman silang pareho ng marinig na sabay sila sumagot sa tanong ko.
"Ako na." Akiah offered.
"Just stay here, dito ka na lang kay Sczekinah total para ka namang linta kung dumikit sa kanya." Malamig na sabi nito bago nag lakad papunta sa manhole.
Something shivers my body when I hear Akiah laugh sarcastically. "You say what?" He fumed.
Bumaling ulit ang tingin ni Yohan kay Akiah, "I said, stay here total para ka namang linta kung makadikit kay Sczekinah-"
"Akiah!" Sigaw ko ng biglang suntukin niya si Yohan, nanlaki ang mata ko ng ginantihan rin naman siya ni Yohan.
"Yohan, ano ba?!" Pigil ni Gel sa kanya, umawat na rin sila Papa pati si Ash pero hindi sila mapigilan.
Biglang bumagsak si Yohan sa malakas na suntok sa kanya ni Akiah, kahit ilang beses ko siyang tawagin ay prang hindi niya ako naririnig. Nakita kong tumayo ulit si Yohan kahit na duguan na ang labi niya, muli niyang inambahan si Akiah pero wala itong binatbat sa kanya.
"Akiah, tama na!" Pagkapit ko sa braso ni Akiah ng makalapit siya sa posisyon ko.
Si Maya at Gel lang ang may hawak kay Yohan, habang kami nila papa at Ash ang humahawak kay Akiah na ayaw mag paawat. Grabe ang lakas ni Akiah, pra kaming pumipigil ng sampung kalabaw sa lakas ng katawan niya.
"Akiah, tama na." Mariing sabi ko.
"Ano?" Tanong niya sa akin.
"Sabi ko tama na." Pag uulit ko, akala ko ay hihinto na ito. "Ayuko." Dagdag niya at muling sinugod si Yohan.
Napakagat na lang ako sa labi ko ng makitang nagiging seryoso ang pag susuntukan nilang dalawa, muli pa ako lumapit kay Akiah pero tumakas ang kaluluwa ko ng mahigpit niyang mahawakan ang braso ko.
"Ackk!!" Malakas na sigaw ko kasabay ng pagputok ng baril ni papa.
Napasampa ako sa sahig ng kunin nito ang enerhiya sa katawan ko, biglang nanghina ang tuhod ko at umagos ang mga luha sa mata ko dahil sa pag kakapit nayun.
"Sczekinah!" Sigaw ni Cali tska ako nilapitan at lumuhod sa harap ko habang nanginginig.
Malakas ang naging paghawak ni Akiah sa braso ko dahilan para maramdamn ko ang kamay niya sa laman ko. Ang lalim ng paghinga ko, nawalan ng kahit anong lakas ang katawan ko at para akong nalanta bigla dahil don.
"Yah!! Wag kang matutulog putangina mo!" Umiiyak na sigaw ni Cali.
Biglang nanlabo ang paningin ko dahil doon, pilit kong binubuka ang mata ko pero hindi ko na kaya. Ang sakit, sobrang sakit nun.
"SCZEKINAH!!!" Malakas na sigaw ni Cali bago ako nawalan ng malay...
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...