"There's an earthquake last night." Kalmadong sabi ng anak ko habang umiinom ng gatas at nag aalmusal.
Hindi tuloy ako makating ng maayos sa kanya habang iniinom ang kape. Kinatok kasi ang mga kwarto namin ng staffs para sabihin na may iseserve daw silang almusal para sa amin. Kaya ito kaming lima ngayon nag almusal sa may restaurant dito sa tinutuluyan.
"Akala ko I know everything scientifically pero I'm wrong." Umiiling na sabi ni Ionna.
"Why? Anong bagay ang nag pa realize sayo na hindi mo alam ang lahat?" Tanong sa kanya ni Ash habang umiinom to ng kale.
"That humans can be a reason for a small earthquake." Seryosong sabi nito.
Sabay kaming napabuga ni Ash ng kape dahil sa sinabi ng anak ko, agad naman na tinapik ni Akiah ang likod tska ako inabutan ng tissue.
"Ano guilty ka no?" Inis na tanong ni Ionna.
"A-anak, narinig mo kam-"
"Ninong! Nasa kabilang kwarto nyo lang ako oh my God! Pwede bang if ever takpan mo yung bunganga ni ninang?! Ang ingay!" Naririnding reklamo niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon, akala ko kami ni Akiah ang narinig niya. Nakita kong palihim na ngumiti si Akiah bago uminom ng kape, I glared at him pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Hala choppy ka Ionna, wala akong naririnig." Hindi pag intindi ni Ash sa sinabi ng anak ko.
Nakita ko ang itsura ni Cali na pulang pula na dahil doon, hindi siya nagsasalita at tahimik lang na kumakain. I think that privacy that we had last night, snaps our body heat that we tried to hide for years.
"Grabe ang laki ng butiki." Dagdag pa ni Ash pero inirapan lang naman siya ni Ionna.
"By the way ma, what do you want to say again?" Balik niya sa akin.
"H-huh?" Nataranta naman ako sa tanong niya, narinig niya pala yung pag singit ko sa kanya kanina.
"Sabi mo kung may narinig ako?" Kunot noong tanong niya sa akin.
"Ah, ano..." Napakamot ako sa batok ko habang hinahanap ang tamang palusot pero nabalangko ang utak ko.
"We're wondering if narinig mo rin sila Ash kagabi, cause we do pero yea mukhang narinig mo rin." Pag salba sa akin ni Akiah, tumingin ito tska ngumiti sa akin.
"Yes! Rinig na rinig, mandiri na sana ako pero inisip ko na lang they are doing some experiment." Sabi nito bago sumubo ng kanin.
"What? Anong experiment?" Si Cali na ang nag salita ngayon.
Sinubo muna ni Ionna ang kanin bago nag salita, "Trying to experiment different position that can pleasure human body." Diretsong titig niya.
"Hoy, san mo natutunan nyan?!" Gulat na tanong ko.
"Book? Duh? It's about sex education. Wala namang masamang gawin yun, just keep quiet lang ang sakit po kasi sa ulo." Sabi niya pa.
Napaawang na lang labi ko dahil don, I didn't know na ganito ka open minded ang anak ko. Sigurado ba akong 11 palang to?! Or baka naman mali yung bilang ko?!
Tinapos na namin ang pag aalmusal namin. Nabusog rin ako, at talagang marami ang nakain ko. It's been so long since na nakakain ako ng maayos na pagkain.
"Uhm? Excuse me po, kayo po yung special task force group na bagong dating nung nakaraang araw diba?" Pag lapit sa amin ng isang babaeng sundalo.
"Yes, why?" Seryosong sagot ko sa kanya.
She fixed her posture kasabay ng pag saludo sa amin, ibinalik ko naman ang saludo sa kanya bago siya nag salita.
"Kilalang kilala ko po kayo! Idol na idol ko po ang grupo niyo noon hanggang ngayon!" Excited na sabi niya.
Nagkatinginan kaming apat dahil doon, someone can still recognize us?
"How did you know about us?" Seryosong tanong ni Akiah at muling uminon ng kape.
"Kayo po kasi yung naging special guest sa academy namin noon, wala pa akong college noong bumisita kayo sa school namin to give a speech. Tapos simula nun naging fan niyo na ako, hangang hanga ako sa inyo nun, you guys are the reason kung bakit nag sundalo ako!" Tuwang tuwang pag lalahad niya.
"Really? That was long time ago. Sige nga kung kilala mo kami, what unit are we in?" Si Ash ang nag salita.
Lumawak naman ang ngiti ng babaeng sundalo na mukhang mas bata sa amin, "Nasa special task force po kayo ng bansa, you belong to one and only special task force. Kayo ang ginagawang mga leader sa mga sundalo na sumasabak sa gera, also kapag pinag sasama sama kayo that mean's something serious is going on." Pag sagot niya.
Nakita kong tumawa si Cali, "If you really know about us, can you name all of us?" She asked.
Agresibong tumango ang sundalo, "Buwan is your group name. Pinamumunuan ni Commander Sczekinah Leanna Salfento, along with Second Commander Skyliar Akiah LucanBueno. The top shooter Calista Jeanni Rivera, and the sword master dash top weapon inventor Luhan Ashton Villamor." Masayang sabi nito.
"Wow ang galing naman." Paghangang sabi ni Calista.
Napakamot naman ng batok ang sundalo dahil na rin ata sa hiya, pero matamis paring ngumiti sa amin.
"That was great for you to remember our names, even though it's been 4 years since the tragedy happened." Malamig na sabi ni Akiah.
Umangat ang ulo ng sundalo ng marinig ang sinabi niya, "Trahedya? Ano pong trahedya?" Nag tatakang tanong nito.
Our brows furrowed with her reaction, "Yung nang yayari sa taas, yung pag kalat ng mga halimaw? Pag kamatay ng mga tao?" Tanong ko sa kanya pero mukhang hindi niya kami na susundan.
"Paano naman po magkaroon ng trahedya sa taas? Maayos po doon, pero yea...it's been 5 years na rin kasi simula na kaakayat ako doon." Malungkot na sabi nito.
"What? Hindi nyo alam ang nangyayari sa taas?" Kunot noong tanong ko pa.
Umiling naman ito, "Hindi po? Sa totoo lang, wala na po kaming alam sa nangyagari sa labas ng lugar na ito. Ang sabi lang kailangan namin mag silbi dito sa loob ng 15 years bago makabalik. That is the new mandatory na po kasi sa lahat ng mga nag aral ng pag susundalo at pulis." Pag papaliwanag niya.
" What, anong-"
"Mendoza, tara na! Kailangan na nating bumalik sa area." Tawag sa kanya ng kasamahan.
" Aw, sige po aalis na ako. Nice meeting po sa inyo, see you around! Kapag kailangan niyo po ng tulong tas nasa paligid ako lapitan niyo lang po ako!" Sabi nito tska sumaludo bago umalis sa harap namin.
Bumalik ang tingin namin sa isa't isa dahil sa nalaman namin. "Ang ibig niya bang sabihin, hindi alam ng mga naka assign na sundalo dito ang nangyayari sa labas?" Nag tatakang tanong ni Cali.
" Kailangan pa nagkaroon ng mandatory 15 years of service ang mga bata natin?" Dagdag ni Ash.
"Fifteen years, fifteen years nila plinaplano patagalin ang pandemya." Seryosong sabi ni Ionna habang hinihiwalay ang gulay sa plato niyang pinag kainan.
Muling nadagdagan na naman ang nasa isip ko, so may tyansang hindi alam ng mga nandito ang totoong nangyayari sa labas.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...