CHAPTER 48

19.4K 351 23
                                    

"A-ano po ang pangalan niyo." Nanginginig na tanong ng isang sundalo.

Pag katapos kasi nila kami makilala dahil na rin sa pag kokompirma ng nakakataas sa kanila ay natauhan sila. Natawa pa nga ako ng bigla nilang pwersahang itinayo ang sinapak ko kanina para lang makapag bigay galang sa amin.

"Skyliar Akiah LucanBueno." Malamig na sagot ni Akiah.

Tumango naman ang sundalong sinuntok niya kanina. Kahit na pinapasok na ito ay hindi parin siya gumalaw at seryosong nakatayo lang sa tabi ko habang nakapaloob ang mga kamay sa bulsa niya.

Umiling iling ang sundalo para alisin sa utak niya ang kaba, napuruhan din kasi ito ni Akiah dahil sa sinabi sa akin. "K-kayo po? Ano po ang pangalan niyo?" Baling naman niya sa akin.

"Sczekinah Leeana Salfento-Arson." Sagot ko sa kanya.

Bigla naman siyang napatingin ng diretso sa akin ng marinig ang apelyido ko, "A-arson po?" Takang tanong niya sa akin.

"Oo, bakit? There is a problem with that?" Tanong ko sa kanya, agad naman siyang umiling pero he looked puzzled.

They right down our names sa isang logbook, I think that is their way to track kung sino an pumapasok o lumalabas sa lugar na ito.

"Ikaw anong pangalan mo?" Tanong naman nito sa anak ko.

"You're identifying ranks, bakit ang baralbal ng tanong mo sa akin?" Iritableng tanong niya na pabalang sa sundalo.

Napatingin ito sa akin pero tinaasan ko lang ito ng kilay, "A-ano pong pangalan niyo?" pag uulit nito.

"Much better, Vionna Alliyah Salfento-Arson." Sagot nito tska matamis na ngumiti.

Nag pikit pikit ang mata nito at tska tumingin sa mga kasamahan, parang may kung ano silang pinag uusapan gamit ang mata nila. Tumango na lang sila sa isa't isa, tska pinapasok na kami.

"Calista Jeanni Rivera." Paglalahad ni Cali tska pumasok.

"Luhan Ashton Villamor." Sabi naman ni Ash.

"K-kayo po, G-general?" Kabadong tanong niya kay Papa.

"Dixus Zeraf Salfento." He decreed, and his words are full of power and authority.

Tumango naman ito, isang napaka laking pag lunok pa ang binitawan niya bago bumalik sa tuliro. Sinamahan niya kami papasok sa loob ng lugar.

Muli ko nanaman nilibot ang mga mata ko, napakaraming tanong ang nasa utak ko. Bakit ganito ka payapa ang lugar na ito, kaysa sa labas? Anong nangyari sa labas, para maging ganito ang nasa loob?

Kahit anong pilit kong pag process sa utak ko ay hindi pumapasok ang tamang salita at paliwanag sa isip ko sa anong nakikita ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Dinala kami ng sundalo sa isang building, hindi ito kasing laki ng mga building sa labas pero ito ang pinakamataas na estableshemento dito sa lugar. Pag pasok namin doon ay normal na opisina lang ang andito, may information desk at mga nagtatrabaho.

Kami nga lang ang madungis ang itsura dito dahil sa dugong bumalot sa katawan namin dahil sa pakikipag laban sa halimaw at sa kung ano ang pinagdaanan namin sa labas. Pinag titinginan kami ng mga tao dito pero hindi namin iyun pinansin.

"Hindi ko maintindihan, anong nangyayari dito?" Tanong ko sa sundalong kasama namin ng sumakay kami sa elevator.

"Pasensya na po pero hindi ko po pwedeng sabihin, si commander na lang po ang mag papaliwanag." Mabilis na sagot nito at pinindot ang floor na pupuntahan namin.

This building has 8 floors, at sa huling palapag kami didiresto. Medyo nahilo pa ako doon, sobrang tagal na rin simula ng nakasakay ako sa ganito at paniguradong nanibago ang katawan ko.

"Wah, parang umiikot ang mundo ko doon ah." Pagrereklamo ni Cali ng makababa kami.

Sinundan lang namin ang sundalo ng makarating kami sa dulong parte ng palapag, mayroong isang malaking kulay itim na pintuan doon. Binuksan naman iyon ng sundalo tska kami pinapasok, "Sa loob na lang po." Sabi nito.

Pag ka pasok namin sa loob ng opisina ay bumungad sa amin ang malamig na kwarto, sakto lang ang temperatura nito at hindi ka manginginig. Kung accurate pa ang nasa isip ko, moderno ang itsura ng opisina. May napaka laking binta sa kanan nito na tanaw ang buong lugar. There is also a huge table in the middle of the office, and a swivel chair pero walang tao doon.

"Antayin niyo na lang po si Commander, kailangan ko na po bumalik sa area ko." Pagpapaalam nung sundalo. Sumaludo muna siya bago umalis sa harapan namin.

"These things blow my mind." Sabi ni Ionna ng makaalis ang sundalo.

Nauna pa siyang mag palakad lakad sa paligid, tumanaw din siya sa binata bago bumalik ang tingin sa amin. "I told you, someone could be the reason behind that outbreak." Makabuluhang sabi niya.

Naalala ko kung ano ang sinabi niya noon nung nasa gubat pa kami, hindi pa man namin na kikita ang manhole na iyun ay sinabi niya na hindi natural ang pagkalat ng sakit na iyun. She is really something, and nagugulat pa rin ako dahil doon.

"You really are the best team that this country has." Barito at seryosong sabi ng isang lalaki, napalingon kami ng makita ulit ang bumungad sa amin bago kami nakapasok dito.

Commander Rodriguez...

"Anong nangyayari dito?" Agad na tanong ni Akiah ng mag lakad palapit sa amin si Com.

Napansin ko ang seryosong tingin ni Ionna sa kanya na para bang inuusig niya ang buong pagkatao nito. Nag lakad naman siya papunta sa upuan niya bago nag salita.

"I'm not surprised na buhay pa kayo hanggang ngayon, I mean what do I expect? kayo ang pinaka malakas na grupo ng bansa natin." Masayang sabi niya with proudness on his tone.

"Pero parang hindi kinaya ni Sczekinah ang hagupit ng pandemya-"

"That is not what my Tito is asking." Malamig na sagot ni Ionna habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Com.

Naningkit ang singkit na mata niya ng mapa tingin sa direction ng anak ko. Inilagay niya ang kamay sa lamesa at hinayaang mag pahinga ang baba niya sa likod ng nakatukod niyang braso.

"You look so familiar..." Panunuring sabi nito.

Hindi naman siya tinapunan ng kahit anong ekspresyon nii Ionna, umupo ito sa sofa sa harap ng lamesa na para bang komportable na agad siya dito. Kumuha pa siya sa ng biscuit sa mini table tska nginuya yun.

"Alam ko na! Ikaw na si Ionna?!" Gulat na sabi ni Com pagkatapos niyang titigan ang anak ko.

Kinuha niya ang telepono na nasa gilid ng lamesa at may tinawagan. Hindi ko alam kung sino un, pero may sinabi siya dito at agad namangg binaba ito.

"I'm lost. Anong nangyayari dito?" Muling tanong ko sa kanya.

Nakita kong ngumisi siya bago umayos ng upo at sinandal ang likuran niya sa swivel chair. Pinaikot ikot niya pa ang ballpen sa kamay niya. Nainis naman ako dahil doon, anong gusto niya mag titigan na lang kami dito?

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon