CHAPTER 5

29.2K 506 11
                                    

"Ionna!" Pilit na sigaw ko pa rin habang hinahanap siya, "Shit-"

Nagulat ako ng isa na naman ang dumampa sa akin dahilan para matumba ako sa lupa. The rage inside me started to kick in, nag aalala na ako sa anak ko.

May isang malaking bato akong nakapa sa biglang pag ka salampa ko, at ayun ang ginamit ko para ihampas yun sa tao- hindi ko alam kung anong tawag dito punyetang ito.

Inasahan ko na hindi talaga siya mawawalan ng malay sa isang malakas na hampas, hindi na tao itong nasa harap ko at hindi ko na magawang maawa at tuloy tuloy na hinampas ang ulo nito dahilan para bumaon na ang bato sa ulo niya bago ito humintong gumalaw.

Tumalsik naman ang kutsilyong hawak ko kanina kaya agad ko namang pinulot yan at itinali ang charm sa kamay ko para hindi mawala. That knife was from my late husband, iniwan na ito sa akin while telling me that I should bring this whenever I'll be kasi magagamit at magagamit ko ito.

Well my man is right, nagamit ko nga.

Hindi na ako nag sayang ng oras at inalis sa ibabaw ko itong halimaw sa harapan ko. Pumunta ako sa lugar kung asan si Ionna kanina pero wala na siya. Andito rin ang mga stuff toys na napanalunan namin. Halos tanggalin ko na ang sarili kong buhok dahil sa frustration pero wala akong oras doon.

Umalis ako sa lugar at dumaan sa likuran, if the those monster we're able to enter this premises siguradong sa gate ito nanggaling at ibig sabihin mas maraming mga halimaw ang andoon. Bago tuluyang umalis ay sinilip ko pa lahat ng mga classroom at cr na madadaanan ko. I'm hoping na nandoon ang anak ko.

I climb the wall kahit na mataas iyun, buti na lang ay na trained kami into wall climbing kaya walang hirap na nakyat ko iyon. As i stayed sa tuktok ng pader ay halos manlumo ako sa natanaw ko sa paligid.

Malayong malayo ito sa sitwasyon kaninang umaga, bomb and smokes are everywhere. May mga taong buhay pa pero hindi rin nagtatagal ay nahuhuli at na dadampa sila ng mga halimaw at kakagatin. Ang kaninang masaya at maliwanag na araw ay biglang napalitan ng madugo at nakapanlulumong trahedya.

Wala sa isip ko na isang ganitong pangyayari ang masasaksihan ko. I would understand this situation kung mga terorista ang umatake o may hostage taking na nangyayari kasi ayun ang normal, but seeing people eating their own people makes me wanna question this whole thing.

Kahit umiyak ay hindi ko magawa, kailangan kong maging malakas. Kailangan kong hanapin ang anak ko. She'll need me the most in this world were unknown creatures are roaming around.

Baba na sana ako sa pader ng makita kong may mga nakatingalang halimaw sa kinalalagyan ko, sa mag kaibang parte ng dingding ay may nag aabang sa akin. Aga naman ako sunduin ni kamatayan.

Wala akong choice kundi tumayo sa mahigit isang dangkal na kapal na pader. I let myself breathe in and out as I focused myself at hindi mawala ang balance sa katawan ko. Unti unti akong tumayo at inilatag ang magkapareho kong braso para gabayan ang katawan ko. Manipis lang ako nilalakaran ko at unting galaw lang ay magiging tanghalian ako ng mga ito.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay kabog ng dibdib ang nararamdaman ko, leave ko ngayon pero mukhang napilitan akong sumabak sa gera. Literal na gera ng buhay at mga patay.

I saw the roof of the building sa dulong parte ng pader na ito kaya doon ko naisipang pumunta, walang naging problema sa paglalakad ko pero ng makarating sa kalahati ay may malaking hakbang na kailangan talunin upang marating ang karugtong.

"Fuck." Bulong ko na lang sa sarili ko, hindi ko alam kung gaano katagal akong naka tayo doon para kalkulahin ang mga magiging galaw ko. Bahagyang mas manipis ang kinatatayuan ko sa kabilang parte at isang maling galaw ko lang ay boom reunion namin ng asawa ko.

"Would you mind moving faster- fuck! Be careful!" Biglang hawak sa kamay ko ng kung sino ng muntik na akong mahulog dahil sa gulat.

Agad ko namang nabawi ang balance ko as I looked who's behind me. Hindi ko namalayan na may tao pala doon, and it was...Yohan.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Trying to stay alive." Sagot niya sa akin at tumingin sa ilalim at kita ko nga na mas dumami ang halimaw na nag aabang sa amin.

Hindi ko na muna siya pinansin at finocus ko ang sarili ko para makahakbang doon. I've trained for this, kaya ko ito. This is the reason why I'm the leader of STF in this country.

Huminga muna ako ng malalim at inihanda ko ang sarili kong tumalon.

"Damn! Ako ang aatakihin sayo e!" Rinig kong sigaw ni Yohan sa likuran ko.

Mapayapa akong naka hakbang doon at naabot ang bubong ng building. Nagpahinga ako doon kahit na tirik ang araw. Hinabol ko rin ang pahinga ko, kasabay naman nun ang pag tabi sa akin ni Yohan. Muntik na siyang mahulog don dahil natapilok, buti na lang naabot ko siya at naitawid dito.

"Thank you." Pagpapasalamat niya pero hindi ko iyun pinansin.

Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay namumuo na sa gilid ng mga mata ko, ang sakit ng nararamdaman ko. Kailangan ko mahanap sa Ionna, hindi ko kaya na pati siya mawawala sa akin.

Hirap maging malakas, hindi ko pwedeng ipakitang umiiyak ako kahit na gustong sumabog na ng dibdib ko sa kaba at takot ko sa pwedeng kahantungan ng anak ko.

Tatayo na sana ako ng biglang hawakan ni Yohan ang pulsuan ko, "Saan ka pupunta?" He asked me.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kutsilyong bigay ng asawa ko, "I need to find my daughter." Seryosong sabi ko at akmang tatalon na sana mula sa bubong pero pinigilan ako ni Yohan.

"Hindi mo mahahanap si Ionna kapag tumalon ka diyan! You'll be the first one who will caught dead kapag nagkataon." Mariin na sabi niya sa akin.

"I can do this, I'm trained for this-"

"Sundalo ka lang! Hindi ka si superman, you'll still a human." Sabi niya, at hindi binibitawan ang pulsuan ko bago siya tumayo. "I know the safest way para maka baba diyan." Dagdag niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at inaantay kung anong sasabihin niya, "I'm the owner of this school, mas kabisado ko to kaysa sa mga halimaw na yan." He murmured at nag paunang naglakad.

I shaked my thought at sinundan na lang siya. If this is the way I can get to my daughter safe then, fuck it.

Nanginginig ang mga kamay ko sa pag aalala kay Ionna, maraming tanong ang nasa isip ko pero mas nangingibabaw ang takot na mawala siya sa akin. Hindi ko na kaya na pati siya mawala sa akin. 

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon