"I hate you." Mariin na bulong ko bago inayos ang pag kakakarga ko sa kanya ng mawalan siya ng malay.
Hindi ko na nagawang balikan ang mga lalaki sa taas ng bangin dahil mukhang mapapahamak pa kami doon, muling sumakit ang braso ko at kita ko na ang pag agos ng dugo doon pero hindi ko na yun tinapunan ng pansin at inayos lang ang pag kasampa sa akin ni Yohan.
Matangkad ako, pero mas matangkad pa rin sa akin si Yohan kaya naman nahihirapan akong bitbitin siya, sinabit ko lang siya sa may kabilang balikat ko dahil nga may suagt ako sa kabila. Buti na lang talaga at sanay ako sa mga ganito, dahil mas mahirap pa ang naging training namin noon sa campo.
"Fuck! Wag kang magulo, igagalis kita dito tamo!" Naiinis na sabi ko sa kanya ng gumalaw naman siya.
Alam ko namang wala siyang malay pero ang kulit niya kasi e, matarik pa ang nilalakaran namin at isang maling hakbang lang ay pareho na kaming titilapon at mawawalan ng malay dito panigurado.
Nakabalik naman kami ng maayos sa truck ng makita ko ang gulat sa mga mata nila ng makita na buhat buhat ko si Yohan.
"Lintik, anong nangyari diyan?!" Gulat na tanong ni Gel bago lumapit sa akin.
Nagtulungan pa sila ni Maya para maihiga ng maayos si Yohan sa lapag, ng tuluyang makaalis na sa balikat ko ang lalaking yun tsaka naman ako nakaramdam ng sakit sa tagiliran ko. Hindi ako nag salita at umakto na okay lang ako.
Nagulat si papa ng makita kung ano ang nangyari kay Yohan, puno ng sugat ang katawan niya dahil na rin sa pag gulong namin.
Parang may kung anong humaplos naman sa puso ko ng maalala kung paano niya ako inabot at binalot sa katawan niya para hindi ako ang mapuruhan ng pag gulong namin. Bigla namang akong na guilty dahil sa ginawa niya, I felt like it was my fault kung bakit kami napahamak ngayon.
Lumapit si Papa kay Yohan bago pinakuha kay Jen ang first aid, ginamot naman siya ni papa bago napabaling ang tingin sa akin. Hindi ako umiwas ng titig pero ngiwing ngumiti sa kanya dahilan para mapabuntong hininga na lang siya.
Simula noon at ngayon, meron pa rin talagang hindi nagbabago at yun ang sakit ng ulo pa rin ang naibibigay ko kay papa hehe.
Ginamot rin naman ni Maya ang mga sugat ko, walang nag tanong sa kanila kung anong nangyari sa amin dahil mukhang halata naman na iyun dahil sa sinapit ng mga katawan namin.
Hindi ko ininda ang sakit ng mga sugat sa katawan ko pero napahawak ako sa tagiliran ko ng maramdamin ko na may parang kung anong pumitik doon.
"May masakit pa ba?" Tanong sa akin ni Maya, na napahinto sa paglilinis ng sugat ko.
Matamis na ngumiti lang ako sa kanya at hindi sinabi ang tungkol doon. Kung kaya ko itago ay itatago ko na lang, ayaw kong madagdagan ang pag alala nila. Tska sa akin sila umaasa ng lakas ng loob, kaya hindi ko pwedeng ipakita na nasasaktan ako.
Sumapit na ang gabi at nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kisame ng sasakyan, pumapasok sa isip ko lahat ng nangyari at nakita ko. Hindi ko maalis sa utak ko kung ano ang nakita namin.
Bakit napakalinis ng mga lalaking yun? Bakit mukhang wala sila sa delubyo at nag sasaya sila? May tent pa sila at mga upuan, de gas din ang ihawan nila at umiinom pa ng alak. Isang napakalaking tanong yun sa isip ko. Tska ko na lang siguro sasabihin sa kanila kapag nasigurado ko na ang bagay na iyon.
Sa dami ng nangyari sa araw na ito, mula sa nalaman kong tatlong araw na pala akong tulog at sa na kita namin hanggang sa pagkahulog namin sa bangin ay isa lang ang tumatak sa isipan ko. The way Yohan grabbed me, may kung ano ang nag wala sa tiyan ko ng maalala ko iyon.
Ang tagal na simula ng maramdaman ko ito, kaya hindi ko na rin alam kung ano at para saan itong nararamdaman ko baka gutom lang ako.
Bumangon ako sa pagkakahiga at binuksan ang kabinet pero mukhang wala na kaming supply, kailangan na naman namin mag hanap ng grocery na pwede namin makuhaan ng pagkain.
As I tried to walked back ay napansin kong mahimbing na ang tulog ni Yohan.
Nagising rin naman kasi siya ilang oras pagkatapos niya mawalan ng malay, at buti na lang nagising siya, and as I looked at him now kita ko naman na payapa na siyang natutulog. Napangiti na lang ako habang tinitingnan siya tska bumalik sa hinihigaan ko.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog, panay ang punas ko ng pawis sa katawan ko. Grabe mag pawis ang katawan ko, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay sobrang init ng katawan ko na yung tipo ay para na akong sinusunog.
Bumangon ulit ako at halos tanggalin ko na ang damit ko pero hindi ko magawa dahil may mga kasama ako dito, hindi na ako mapakali sa init. Mukhang ako lang ang nakakaramdam nito dahil payapa naman ang pag tulong nilang lahat.
Nag simula ng bumigat ang dibdib ko dahil doon, hindi ko na mapigilan ang sarili ko at parang pati ang utak ko ay nabali sawsawan sa init na nararamdaman ko. Umakyat ako sa bubong ng truck para sana makasagap ng hangin pero hindi rin ito nakatulong.
Nanatili ako sa taas at hinubad na rin ang damit ko, pero hindi ko talaga alam kung saan nanggaling ang init sa katawan ko, pati ang benda sa sugat sa braso ko ay tinanggal ko na rin dahil yun ang may pinaka mainit na parte ng katawan ko.
Tiningnan ko ito ng maigi as I realize na ang kati ng sugat ko mula sa ilalim nito, hindi pa ito nag hihilom dahil nga malalim ito at tatlong araw pa lang ang nakalipas. Napalunok na lang ako sa ideyya ng isip ko habang tinitigan ang sugat ko.
"Fuck." Mura ko habang agresibong hinahaplos ang buong katawan ko na ngayon ay wala ng bumabalot.
Hindi ko maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin, napatingin ulit ako sa sugat ko ng hindi na maalis sa utak ko ang kati mula roon. Pilit kong pinihit ang utak ko para hindi gawin ang nasa isip, kahit na nababaliw na ako dito.
Pinasok ko nalahat ng pwede kong isipin sa utak ko para hindi ko mapansin ang kati at init, i tried to meditate myself pero ilang segundo lang ang tinataggal nun at bumalik na naman ang sensayon. Para akong mababaliw dahil dito, at di ko makontrol ang kkatawan ko.
Napukaw ang atensyon ko ng makita ko ang kutsilyo ko na nasa tabi ng damit na hinubad ko, napa kunot ang noo ko dahil ang alam ko ay naiwala ko ito ng may kumuha ng mga damit ko kasabay ng pagkawala ng baril ko. That's weird.
Maling desisyon ata na kinuha ko ang kutsilyong yun habang nababaliw ako sa init ng katawan ko, sandali ko pa itong tinitigan at nag pabalik balik sa braso ko at kutsilyo ang mga mata ko.
"Tangina, bahala na!" Mariin na sabi ko bago itusok sa braso ko iyon.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, halos kumawala ng kaluluwa ko sa katawan ko ng gawin ko iyon. Masakit pero kusanag gumalaw ang mga kamay ko at pinaikot ikot sa laman ang talim ng kutsilyo ko.
I can't understand myself, but that act reduces the burning feeling in my body as I make it dance into my flesh. What the hell is going on?!
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...