CHAPTER 69

26.8K 416 123
                                    

"Wag mo akong bwini bwisit at baka masaksak kita!" Iritang bulyaw ko kay Alexus.

Kanina pa kasi kami nag uusap dito pero kung ano anong kalokohan lang ang lumalabas sa bibig niya. Hindi na nakatali ang mga kamay niya ngayon, pero kinadena naman ni Papa ang paa nito.

Hindi namin pwede isawalang bahala itong lalaking ito, kahit na wala na ang dalawa niyang demonyong kasamahan ay panigurado may tumatakbo pa rin sa isip niya. My eyes twitched when he didn't want to respond to my questions, as he keep staring at me.

"Ang ganda mo." Nakangiting sabi nito.

Imbis na kiligin ay kinikilabutan ang katawan ko dahil sa kanya, hindi na ako nakapag timpi at tumayo na rin sa upuan ko para lapitan siya.

"Alexus, kinakausap kita ng maayos." Seryosong sambit ko sa kanya.

"Oh...my wife is being serious? Scary..." Nang aasar na balik nito.

Napahimalos na lang ako sa mukha dahil sa inis. Mukhang wala siyang balak na sabihin kung na saan ang gamot para sa mga halimaw na ito.

We found out that Roriguez has an initial plan on how to end this disaster. Madali na lang sa amin gawin ang mga iyun dahil kakampi na namin ang lahat dito, pero itong lalaking nasa harap ko ay sinasagad ang pasensya ko.

"Nasaan ang gamot?! Nasaan yung putangina gamot sa ginawa mong sakit?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

Imbis na tumino ay mas lalong lumawak ang ngiti nito sa mga labi. Nakapatong ang baba nito sa kamay na namamahinga sa lamesang nasa harap niya. Ang lalim ng tingin niya sa akin na para bang hinahalukay ang buong pagkatao ko.

"Why would you want to save a country that doesn't acknowledge your effort?" Seryosong tanong niya sa akin.

My brows furrowed as I looked at him, but his stares were dead serious.

"Don't play mind games-"

"Maliban sa pag talaga sayo bilang leader, ano pa ang ginawa sayo ng bansa na to? You're the leader of the best special task force group of this country, but that isn't something you should be proud of." Pag putol niya sa sinasabi ko.

"Wife, being a leader isn't that cool. Binigay nila ang posisyon na yan sayo kasi gusto nila ikaw ang umako sa problemang hindi na nila kaya. Inshort, pipabuhat nila sayo ang problema ng bansa-"

"What the heck Girl, ngayon ko lang na realize na baliw pala talaga tong pinakasalan mo?" Nagulat ako ng bigla kong marinig si Cali.

Kami lang dalawa ni Alexus ang nandito sa kwarto, pinilit ko siyang kausapin ng maayos pero hindi ko talaga siya mapiga kung nasaan ang gamot para sa delubyo na ito.

"Alexus, alam bang sa loob ng 7 taon na pagkawala mo ngayon lang natauhan itong kaibigan ko?" Dagdag niya habang naka sandal sa pinto, "She was great, without you. Una palang talaga ayuko na sayo e, kasi ilang beses mo siyang pinaiyak pero wala e...tanga si Sczekinah, kahit ilang beses na namin siyang sabihan na hiwalayan ka. Hindi niya ginawa, you know why?" Tanong nito.

Napasandal naman si Alexus sa upuan tska tinaasan ng kilay si Cali.

"Cause, she was fucking inlove with you. Ilang beses ka niya ipinagtanggol sa tao sa paligid niyo, sa mga magulang niyo. Muntik niya na nga rin bitawan ang pangarap niya dahil sayo e." Kalmadong sabi niya habang kumakain ng kung ano.

"Cali, lumabas ka nga hindi yan ang gusto kong pagusapan-"

"No, he needs to realise something." Pag putol niya sa akin.

Idinura niya ang isang buto tska tuluyang lumapit sa direksyon ni Alexus. Nagulat ako ng bigla niya itong sampalin, kita ko rin ang gulat sa mga ni Alexus dahil sa ginawa ni Cali.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon