CHAPTER 6

30.5K 526 25
                                    

Tirik ang araw at pakiramdam ko ay sinusunog na ako dahil nasa may bubong din kami nag lalakad, sinusundan ko lng si Yohan ng makarating kami sa dulo.

"Saan ang daan dito?" Tanong ko sa kanya dahil wala na akong ibang makita dito kundi ang katapusan ng nilalakaran namin.

"Dito." Turo niya sa may baba niya.

Naningkit ang mga mata ko ng may makitang parang hati sa bubong na ito, lumapit naman siya don at binuksan yun tska ko na pag tanto na isang pintuan iyun papunta sa bodega ng building na ito. Akala ko itutulak niya ako e.

Walang ano ano ay pumasok na rin kami doon, isang madilim at maalikabok na lugar ang nadatnan namin. Hindi na namin binuksan ang ilaw at baka maka agalaw pa ito ng atensyon ng mga halimaw sa labas.

"Dahan dahan ka lang." Sabi niya sa akin.

Kahit na madilim ay nakakakita pa rin naman kami dahil sa liwanag sa labas kaya malaya parin kaming na kakakilos. Nag lakad si Yohan papunta sa isang sulok ng kwarto kaya naman sinundan ko siya.

"Anong gagawin natin diyan? E andoon ang pinto?" Tanong ko sa kanya at tinuro ang pinto ng kwarto.

Umiling naman siya sa akin, "Kung gusto mo makain ng mga dyablong nasa labas edi doon ka." Seryosong sabi nito dahilan para pag taasan ko siya ng kilay.

Kahit sa pinaka seryosong sitwasyon ay napaka loko nitong si Yohan, tulad na lang nung pinaulit kami sa pag takbo dahil nadapa siya. Imbis na mag sorry ay sinabi niya pa na excercise un para sa amin.

"Wala akong panahon makipag biruan sayo ah, I need to find my daughter." Mariing sabi ko, hindi naman siya nag salita pero senenyasan niya akong sumunod sa kanya kaya ayun naman ang ginawa ko.

Pag karating namin sa dulong parte ng silid ay may binuksan itong maliit na pinto. Nang silipin ko iyun ay nakita kong may hagdan doon at tanging isang tao lang ang kasya pababa.

"Napakalaki ng eskwelahan mo pero ang tipid mo sa emergency exit." Sabi ko at inayos ang suot ko, nilagay ko rin sa leeg ko at ginawang kwintas ang kutsilyong hawak ko.

"Teka, ako na mauuna-"

"Wag mo kong pinagloloko, alam kong lampa ka. Dyan ka na lang sa likod at sundan mo ako." Maotoridad na sabi tska bumaba sa hagdan.

Wala naman na akong narinig sa kanya at tumuloy doon, maliit ang daan pero sakto lang naman iyun para makagalaw ako ng maayos.

Palakas ng palakas ang hiyawan na naririnig ko sa likod ng mga pader na ito at rinig ko ang panlulumo at takot sa sigaw ng mga natitirang buhay pa. Medyo matagal pa kami sa pag baba dahil nag mula kami sa third floor ay kinakapa kapa ko pa ang bawat hakbang ko.

"Aray!" Mahinang daing ko ng maapakan ni Yohan ang kamay ko.

"Sorry!" Sabi niya pa.

I just shakes my head para tanggalin ang inis na namumuo sa utak ko at baka ano ang magawa ko dito. I tried to calm myself at hindi to masapak si Yohan, lalo na siya ang ang turo ng dadaanan namin kung saan ligtas kaming makakababa ng building.

Nang nakarating ako sa pinaka baba ay akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang marealize kong naka lock iyun kaya naman agad akong napakunot ng noo.

"Naka padlock ba to mula sa labas?!" Nakatingang tanong ko kay Yohan.

"H-ha?" Nauutal na tanong niya sa akin pabalik, "M-may times na pinapodlock ng mga teacher ang pinto so that the student can't go-"

"Fuck." Mahinang mura ko at hindi na siya pinatuloy sa sasabihin niya. "Umakyat ka ulit." Seryosong sabi ko.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon