"Gumising ka!" Malakas na sigaw na naman ni Yohan.
Isang unan ang humampas sa mukha ko at masamang tumingin sa kanya. Tuwing umaga na lang siyang ganito!
"Sundalo ka pero tulog mantika ka, if there was an enemy na gagapang sa base niyo patay ka na!" Panenermon niya sa akin.
Bumangon na rin ako sa pag kaka higa dito sa upuan at kinusot kusot pa ang mga mata bago tumayo. Nilampasan ko lang si Yohan at akmang susunntukin ng umilag ito.
Lakas din kasi talaga ng tama ng lalaking ito eh.
"Good morning, Sczekinah." Bati sa akin ni Maya ng makaabot ako sa pwesto niya, pinupunasan niya ang kutsilyong hawak niya.
"Morning." Matipid na sagot ko.
Inikot ko pa ang tingin ko ng makitang tulog pa si Jen at Gel na magkayakap sa maliit na higaan sa dulo ng truck, napangiti na lang ako dahil don.
"Inggit ka?"
"Fuck!" I cursed ng biglang narinig kong magsalita si Yohan sa tabi ko. "Bakit ako maiinggit?" I said as I tied my hair up at itinaas ang sleeves ng suot kong damit bago nag punta sa small functioning sink dito sa loob.
"Wala lang, you look like you are. Namimiss mo si Arson?" Tanong niya ulit sa akin bago sumandal sa countertop na nasa gilid ko.
"Lagi ko naman siya na mimiss." Agad na sambit ko, totoo naman e.
Kahit anong gawin ko, kahit nasaan ako, kahit anong sitwasyon ang kinalalagyan ko hindi siya mawala sa isip ko. Bago ako matulog siya ang iniisip ko, bago ako magising mukha niya ang napapanaginipan ko. Ganon ko ka miss ang asawa ko.
"Kailan ba siya nawala?" He fumed again.
"Ikaw? Kailan ka mawawala sa paningin ko?" Nakataas na kilay na sabi ko habang nag t-toothbrush.
Tumawa naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko bago tumalikod. Nagulat ako sa ginawa niya at para may ibang kumurot sa tagiliran ko dahil doon, agad ko naman siyang sinipa sa likuran dahilan para mapasampa siya sa sahig,
"Aray! Bakit?!" Gulat na tanong niya sa akin habang nasa sahig.
"Siraulo." Sabi ko na lang at tinuloy na lang ang ginagawa ko.
May sapak talaga itong si Yohan sa ulo e, kung hindi mang aasar bigla bigla naman gumagawa ng kalokohan na ikakainis ko.
Hindi pa nag tagal ay nagising narin sina Jen at Gel, napa iwas na lang ako ng tingin ng halikan ni Gel sa noo si Jen pagkagising na pagkagising nila. Ang sweet, damn.
"Asan si papa?" I asked ng hindi ko siya makita sa paligid ko.
Napatingin ako sa direction ni Maya tska naman siya ngumuso papunta sa pinto ng truck, agad naman na pumunta ako doon at lumabas ng sasakyan.
I saw papa standing medyo malayo sa sasakyan, he was holding a gun at mukhang nag t-target shooting. May isang nakataling gulong doon sa may puno at gumalaw ito na parang swing, habang binabaril ni papa.
Nakangiti akong lumapit sa kanya habng pinapanood siya, kahit retired na si papa ay hindi mawawala sa kanya ang napaka talim parin na pag asinta niya sa target niya.
"Nagsasayang ka ng bala." Pang aasar ko ng makalapit ako sa kanya.
"Gising na pala ang disney princess." Balik ni papa sa akin. "Paanong nagsasayang, e asintado lahat?" Mayabang na sambit pa nito.
Inirapan ko lang siya at umupo sa may kahoy malapit sa kaniya, patuloy lang siya sa pagpapaputok ng baril. Inikot ko rin ang mata ko at napansin na parang nasa may palayan kami. Tanaw ko pa rin ang sasakyan pero medyo malayo iyon.
May puno rin dito sa gitna kung saan nakatali ang gulong. Mukhang malayo na rin talaga kami sa city kung saan kami nanggaling. Ang tahimik ng lugar na ito parang hindi inabot ng kung anong trahedya at delubyo.
"I need to train them." I spoke, hindi naman tumingin sa akin si papa at patuloy lang sa ginagawa niya.
"You should, hindi laging nandito tayo para protektahan sila." Seryosong sabi nito kasabay ng pagpapaputok ng baril na hindi naman dumaplis at diretsong tumama sa gulong.
"Papa..." Tawag ko sa kanya, nakayuko na rin ako habang nilalaro ang mga daliri ko.
"Hmm?" He hummed.
"D-do you think Ionna is alive?" I cracked, hindi ko alam kung bakit ko naitanong yun it's just I want some push for me to keep on believing that my daughter is alive-
"Shit!" Gulat na sigaw ko ng biglang iputok ni papa ang baril sa direksyon ko.
Nanlaki pa ang mata ko dahil muntik na akong tamaan nun, "Ano ba?!" Galit na usal ko kay papa na ngayon ay nakatutok pa rin ang baril sa akin.
Kita ko pa ang pag usok ng bunganga ng baril sa pag putok nito sa akin. Biglang nag init ang ulo ko dahil sa ginawa ni papa, wala naman siyang emosyon sa mukha niya at hindi pa tinanggal ang baril na nakatutok sa akin.
"What the hell is your problem? Kapag ako tinamaan niyan ha!" I hissed pero hindi tumayo sa kinauupuan ko at nakipag laban sa mga titig niya.
"Hindi kita pinalaki to overthink things." Seryosong sabi niya, that is when I realize kung ano ibig sabihin niya.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, "Hindi naman mawawala sa akin na isipin na wala na ang anak ko- oh fuck it!" Naputol na naman ang sasabihin ko ng paputukin na naman ni papa ang baril niya.
"I didn't let you to be a soldier para mag isip ng ganiyan. You're a soldier, you should be thinking about winning and taking home the pride of our country." Sabi pa nito kaya napalunok na lang ako. "You should work things out at mag isip ng solusyon sa problema, hindi magmukmok at mag isip ng mga bagay na sisira sa sarili mo."
It was a metaphor na ginagamit niya para ipatindi sa akin na hindi ko dapat isipin ang iniisip ko ngayon.
"You don't know what your daughter is capable of." He remarked before turning his back from me.
Napahilot na lang ako sa batok ko dahil sa ginawa at sinabi ni papa, he was right rin naman. Hindi dapat ako mag isip ng mga negatibo tungkol sa ano na ang kalagayan ni Ionna ngayon. And yes, tama rin siya. Hindi ko totoong alam kung ano ang kaya ng anak ko, minsan ko lang siya makita but still...she was still a kid.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...
