"Idiretso mo ang likod mo." I ordered at idineretso ang postura ng likod ni Maya.
"Okay, sorry." Paghingi niya ng tawad, dahil kanina pa kami pabalik balik sa pag ayos ng posture niya.
Sinabi naman niya sa akin na may osteoporosis siya, I understand that pero kailangan niya pa rin i diretso ang likod niya when ever she was firing a gun.
"Mas masasaktan ka kapag hindi maayos ang tayo mo, try to straighten your back kapag ipuputok mo na ang baril." I perceived, nakita ko naman siyang tumango.
Lumipat naman ako kay Gel, malayo ang pag tututok niya sa target as I move her hands. "Sa dulo ng baril ka tumingin to aim the shot." I sais bago hinawakan ang baril at inayos ang pag katutok noon.
Mabilis naman na nakuha ni Gel kung ano ang ibig kong sabihin at kahit papaano ay tinamaan ang lata na ginawa kong target for them, "That was great, pero hindi pa asintado para matamaan ang leeg ng mga halimaw." I said.
Hindi pwede pa tablis tablis lang ang mga pag putok nila sa baril, we can't afford losing a lot of useless bullet dahil hindi sa pag tama sa target. Hindi rin pwedeng hindi sa weak point ng mga halimaw ang patatamaan namin, dahil wala itong epekto at baka kami pa ang mapasama.
Iniwan ko muna si Gel doon habang kinakalkula ang pag hawak niya sa baril, habang si Jen naman ay busy sa pag pupunas ng blade na hawak niya.
"You still need to learn how to shoot a gun." Seryosong sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.
Una palang ay ayaw niya na humawak ng baril at espada na lang daw ang ituro ko sa kanyang gamitin. Mukhang hindi siya komportable sa pag hawak ng baril, at mas gugustuhin pa ang mabigat at mahabang espada.
"I'll learn about that later, sa ngayon pwede bang turuan mo muna ako sa espada?" Nag mamakaawang sabi niya, bumuntong hininga na lang ako at tumango.
Tinanggal ko ang kutsilyong suot suot ko sa leeg at binalot ang charm nito sa kamay ko, "I'll teach you the basics." Sabi ko pero hindi siya nag bigay ng kahit reaksyon maliban sa pag tataka sa mukha niya.
"Bakit?" I asked.
"Will it be fair enough, ba?" She started, "Mas malaki at mahaba ang hawak ko kaysa sa kutsilyong nasa kamay mo? I'm holding a three palm long blade, tapos isang dangkal na kutsilyo lang ang hawak mo." Nag tatakang sabi niya sa akin habang pinababalik balik ang mata sa hawak niya at sa kutsilyo ko.
"Don't underestimate my knife and skills," I smirked, as I positioned myself para harapin siya.
Agad naman siyang tumayo ng diresto, napailing na lang ako sa ginawa niya. "Masasaksak kita agad ukung ganyan ka pumusisyon." Walang buhay na sabi ko.
Lumapit ulit ako sa kanya at inayos ang tayo niya, hinatak ko pa ang kanan nyang paa para ilagay sa harap at ang kaliwa ay sa likod. I also fixed her posture para hindi ma dislocate ang braso niya dahil sa maling galaw.
I stretch my neck as I looked at her, "Wag kang mag pigil, kung gusto mo ako sasaksakin saksakin mo ako. Isipin mo ang kalaban mo." I said seriously.
"Pero baka masaktan ka-"
Agad na kumilos na ako, isang hakbang papunta sa kanya at hawi sa kamay niya na nakatutuok sa direksyon ko, agad na naabot ko ang leeg niya. "Patay ka na." I said habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg niya.
Naramdaman ko pa na muntik na siyang matumba kaya naman ay inalalayan ko siya, at biglang napahawak sa bewang niya. Hindi pa siya agad na ka galaw dahil sa posisyon namin, napaka lapit namin sa isa't isa at rinig ko ang malakas na pag dabog ng dibdib niya. Bigla naman siyang maula dahil doon, my brows furrowed because of that.
"Fix yourself." Sabi ko at binitawan siya, agad naman siyang umayos at ibinalik ang tinuro kong postura sa kanya. "Sway onto me." Seryosong sabi ko.
"What-"
"Wag ka ng maraming tanong, ikaw ang pinaka mahirap na tinuturuan ko ngayon. Kung humawak ka na lang kasi ng baril edi sana may progress ka na." Malamig na sabi ko. "Brace yourself, higpitan mo ang hawak sa espada mo. Maling galaw lang at ikaw ang masasaksak niyan." I coldly fumed at her.
Napayuko na lang siya sa sinabi ko at inayos ang sarili. Dahan dahan pa siya sa pag hampas sa akin ng espada dahilan para mawala ako sa sarili ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko sa inis, napaka bagal niya kumilos.
"Mamatay ka na lang, ang pabebe mo pa." Walang emosyong sabi ko at hinawi ang espadang hawak niya.
Dahil sa pag ka irita ko ay napalakas ang pag hawi ko sa kanya dahilan para matumba siya sa sahig. I just stared at her na hirap na hirap bumangon. Napataas na lang ang kilay ko sa kanya, she was so fragile paano siya makaa survive niyan sa mundong to?
"Jen!" Malakas na sigaw ni Gel ng makita niya ang girlfriend niya, "Bakit mo siya tinulak?!" Galit na bulyaw sa akin ni Gel. Her eyes are flaming in rage, talagang nag c-care siya para sa girlfriend niya e no? Sana all.
"It's not my fault na hindi siya tumayo ng maayos at sa simpleng pag hawi ko lang ay natumba siya." Seryosong sabi ko habang direktang naka tingin sa mga mata niya.
Kita ko ang pag yukom ng mga kamao niya habang nakatitig sa akin, "You could just teach her gently-"
"Bakit? Kapag ba may halimaw na dumampa sa kanya, kakagatin ba siya nito gently?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.
Mas lalong dumilim ang tingin sa akin ni Gel as she started to walked towards me, walang kahit anong reaction ang lumabas sa mukha ko while she was raging towards me.
"Alam mo? Napaka yabang mo no? Hindi porket ikaw ang pinaka malakas dito-"
"Yes, you're right. I'm the strongest here, kaya sundin niyo ko kung gusto niyo mabuhay sa lecheng mundong to." Seryosong sabi ko.
Akmang lalapat na sana sa mukha ko ang kamao ni gel ng agad kong nasalo yun, ini ikot ko ito at nilagay sa likuran niya. Mag kasing tangkad lang kami ni Gel kaya naman hindi ako nahirapan na iikot siya habang hawak hawak ang braso niya.
"I'm doing you a favour to live, hindi ako ang kalaban niyo." Bulong ko sa kanya bago siya itulak palayo kasabay ng pag bitawa ko sa kanya.
Hindi na siya nakapag salita dahil sa ginawa ko at hinatak na lang palayo sa akin si Jen. Hahayaan ko na lang sana sila ng makita kong nahulog ni Jen ang blade niya. Guilt struck me, kinuha ko yun at inabot sa kanya.
"I just want you to be strong enough to protect yourself." Sabi ko bago iaabot sa kanya ang armas niya, "Practice on that wood, hampasin mo yung kahoy na yun. Give all your strength and stamina each blow you have. Kailangan mo ma practice ang lakas ng paghampas mo para hindi ka matangay na parang papel." Sabi ko pa at tuluyang tumalikod sa kanila.
Wala na akong narinig mula sa kanila at nag tungo sa posisyon ni Yohan, na ngayon ay ngumunguya na naman. "Kung hindi ko alam na biscuit ang nginunguya mo, pag kakamalan na kitang adik." Sabi ko sa kanya at inayos ang posisyon ng kamay niya na may hawak na baril.
As usual, inalok niya nanaman ako ng biscuit na kinakain niya. Umiling naman ako dito at tinuruan lang siya ng tamang pag hawak ng baril.
"I can do this by myself-"
"Kayabangan ang papatay sayo alam kong hindi ka marunong-"
Napahinto ako sa pag sasalita ng iputok niya ang baril, mariin naman akong napatingin sa kanya ng makita ko siyang nakangisi.
"Hindi lang ikaw ang marunong mag paputok ng baril dito, Sczekinah." Nang aasar na sabi niya.
Napatingin ako sa direction ng tagret niya, nagulat ako ng saktong sakto ang pag asinta niya. Hindi na tumba ang lata pero kitang kita ang pag tagos ng bala sa gitna nito.
"Not bad." Seryosong sabi ko habang nakangisi.

BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...