CHAPTER 58

18.4K 299 43
                                    

"A-alexus..." Mahinang bulong ko.

Nanlamig  ang  buong katawan ko ng dahan dahan siyang tumingin sa akin, iba ang aura niya hindi  ito ang naalala kong asawa. Ang sama ng mukha niya at halos lamunin na ng kadiliman ang mga mata niya, his jaw was also clenching na parang kahit anong oras ay lilipad ako dito sa isang hawi niya.

"W-what the fuck did you just call me?" Malamig  at madilim na tanong  niya sa  akin.

Hindi  ko na namalayan  na tumayo na pala si Rodriguez sa upuan niya  at pumagitna sa amin. Kita ko ang higpit ng hawak niya  kay Alexus na parang pinipigilan niya  ito gumawa ng kung ano. Hindi naman nakatingin sa kanya ang asawa ko pero masama ang pako ng titig sa akin.

Nalilito ako, bakit ganito siya umakto? Hindi man lang ba siya masaya na makita  ako o kahit na ano? Bakit ganito siya mag salita sa akin?

"Arson  lumayo  ka nga muna." Seryosong utos sa kanya ni Rodriguez pero hindi  niya inalis ang  matatalim na tingin sa akin.

"You filthy shit, kung  gusto mo lumasap ng babae tangina wag mo gawin dito sa opisina. Hindi mo alam kung malikot ang kamay niyan at mag nakaw-"

May kung anong nag utos sa kamay ko na itaas yun  at malakas na sinampal ang mukha ni  Alexus. Hindi ko kinakaya ang mga salitang lumalabas sa bunganga niya. Mas lalong  nandilim ang mga mata nito at kita  na  ang apoy sa likod nun dahil sa ginawa ko  pero  hindi ako nag patalo.

"Sczekinah!" Tawag sa akin ni  Rodriguez.

"B-bakit ganyan ka mag salita?!" Ibinuhos ko na ang  lahat ng lakas ng loob ko kahit na  nanginginig ang mga labi ko.

A light flashed into my eyes when he suddenly grabbed my throat. Kita ko ang pag kataranta ni  Rodriguez at pilit na nilalayo  niya sa akin si Alexus.

Wala kahit anong ideya ang pumasok  sa  isip ko, basta ang alam  ko  lang ay  tumama ang likod sa pader ng itulak niya ako dito. Naramdaman ko  ang lakas ng impact  nun, pati na rin ang malakas na pag tunog  ng likod ko.

"You know what I hated the  most?" Malamig na  tanong niya sa akin, hindi ko siyang  magawang sagutin  dahil napakahigpit  ng hawak niya sa leegan ko. "Person  that I don't know, calling me by my first name." Pag  tuloy  niya.

Nagsisimula ng  dumilim ang paningin ko, hindi ko siya magawang maabot dahil sa tangkad niya. Napaka higpit ng kapit niya sa akin, at kapag nag patuloy ito ay talagang malalagutan  ako ng hininga dahil sa ginagawa niya.

Tumulo na rin ang  luha sa mga  mata ko  na kanina ko pa pinipigilan, ang sakit na ng buong pagkatao ko. Mula sa katawan hanggang sa nararamdaman ko, pakiramdam ko  ay ubos na ubos na ako.

Nawawala na sa akin yung malakas at matapang na Sczekinah na kilala ko, wala na siya-

"Take off your fucking hands off my mother." Napapintag ako ng  isang malakas na pag putok ang siyang narinig ko.

Pilit kong  sinipat ang mga  mata ko sa likod ni Alexus when I  saw Ionna holding a gun na diretsong nakatutok sa ulo ng tatay niya.

Gumaan  ang hawak sa akin ni Alexus, ginamit ko naman ang pagkakataon  para makawala sa pag kakahawak niya. Hindi ko si ginantihan at tanging naibagsak ko lang ang sarili ko sa sahig habang hawak hawak ang leeg ko at hinahabol ang paghinga ko.

Nanlaki ang  mata  ko ng  makita kong nag lakad naman siya papunta sa direksyon ng  anak  ko. Pinilit kong tumayo para pigilan siya pero hindi  ko kaya. Grabe  ang sakit ng  katawan ko dahil sa ginawa niya, naubos ang hangin sa sistema ko.

"I-Ionna..." Mahinang  tawag  ko sa  kanya habang naka hawak parin sa leeg ko.

Hindi niya ako  tinapunan ng kahit anong tingin at diretso lang ang mga  mata  sa  tatay niya. Bago  pa man  tuluyang makalapit siya kay Ionna ay biglang dumating si Papa at pinigilan ang pag lapit nito sa anak ko.

"Tumigil ka na, hindi ako magdadalawang isip  na totohanin ang pagkamatay mo kapag  hinawakan mo pa ang apo ko." He fumed with his flaming eyes.

Kahit  na  nanghihina ay pinilit ko parin  tumayo, hindi ko na inisip si Alexus at hinawi na lang siya ng malakas sa daan tska tumakbo sa anak ko. Inayos ko ang tayo ko at humarap sa kanya kahit patuloy ang  pag agos ng mga luha ko.

Ang dami kong gusto itanong, pero hindi ko na nagawang makapag  salita pa ng bigla akong hinatak ni papa palabas  ng opisina kasama ang anak ko. Habang playo ay ramdam ko pa rin ang matalim at nakakakilabot na tingin sa akin ni Alexus.

Nang  tuluyang  makalabas kami at makalayo kami sa lugar na iyon ay tska may pumitik na sa utak ko, "Ano ba talaga ang nangyayari?!" I hissed, kasabay  ng pag bawi ko ng braso kay papa.

Hindi niya naman ako pinigilan doon at  napahinto rin sa paglalakad. Hindi siya nag salita at nanatiling nakatalikod lang sa amin  ni Ionna.

"Pa?! Hindi mo man lang ba ipapaliwanag ang sarili mo sa akin?! Hindi mo lang bang ipagtatanggol ang sarili mo sa amin ng apo mo?!" Hindi ko na kaya ang sakit.

Kahit na sabihing nawala na ang tingin ko sa kanya dahil sa  nalaman ko ng makarating  kami dito, ay hindi nawala sa akin na umasa na kahit papaano ay sana ipinaliwanag niya ang sarili niya sa amin. He was still my father after all, he was still the best father before I found that out.

"A-alam ko..." Panimula niya, "Alam ko kung saan at  paano talaga nagsimula ito pero...hindi ko ito ginusto." Putol na sabi  niya.

"Ipaliwanag mo! Ipaliwanag mo para maintindihan ko, hindi naman ako manghuhula eh..." I cried.

Kahit ano pa yan, papakinggan ko  pa rin naman ang paliwanag niya e. Ayun lang naman ang  inaantay ko, galit ako sa kanya pero ipaliwanag niya lang maiintindihan ko naman e.

"Sorry, pinilit  kong  itago sa inyo kasi...kasi alam kong masasaktan kayo, lalo ka na anak." He whined pero hindi pa rin  siya nakatingin sa akin.

Naningkit ang  mata ko  dahil doon, "Papa naman e! Ayusin mo pag kwento mo putol putol!" Mas lalo akong naiyak dahil doon.

Huminga  siya ng malalim bago  humarap sa akin, lumapit din sa posisyon ko as he caress my cheeks, "I'm your father, mas pipiliin ko pang maging masama ako sa mata mo kaysa masaktan  kita." Lumunok pa siya bago itinuloy ang  sasabihin, "Ang...ang asawa mo ang nagplano ng lahat ng ito. This is all of his idea to end humanity. Pinigilan ko siya, maniwala ka sa akin anak pinigilan ko siya pero hindi siya nakinig." Nakita ko ang  pamumuo ng luha sa mga mata ni papa.

"Nilamon na siya ng  sarili niyang utak, wala ng  siyang pinakikinggan. Akala niya tama ang lahat ng desisyon niya, sa sobrang talino ni Alexus hindi niya na kailangan  ng opinion ng  ibang tao...Ang dami naming  tumutol sa gusto niya, pero walang  nag  tagumpay  na kalabanin siya dahil na rin sa posisyon niya...Pamilya ni  Alexus ang halos may hawak ng  buong bansa, kaya walang naglakas loob  na kalabanin siya." Pagpapaliwanag niya. "Lahat  ng  kumalaban sa kanya ay pinatay, maswerte ako...maswerte ako na hindi  niya ako pinatay dahil tatay mo pa rin daw ako...Anak...hindi ako nag retire.."

Hindi  ko alam kung anong reaksyon ang ibabato ko, hindi kinakaya  ng  utak ko kung anong ang naririnig ko pero hindi muna  ako nag  salita at nag  patuloy lang sa pakikinig.

"Tinakot niya ako na  kung itutuloy ko ang pag  tutol ko sa kanya, ay hindi siya magdadalawang isip na patayin rin kayo...At  ayokong  may masamang mangyari sa inyo" Tuluyan ng  tumulo ang mga  luha sa mata niya.

Ang bigat ng dibdib  ko,  hindi  ko magawang  huminga  ng maayos. Totoo ba  to? Totoo ba na  gagawin  yun ng asawa ko? No...

"P-pa..hindi ganon si  Alexus, hindi niya magagawa sa amin yun...m-mahal kami ng asawa ko-"

"Then why would he fake his death? Kung isa  siya sa mataas na tao dito, bakit hindi  ka niya nagawang sabihin? Anak...kung mahal ka niya, bakit ka niya sinaktan?" Pagputol sa akin ni papa.

Wala na akong  nasabi ay hinayaan na lang  ang  mga  luha  kong umagos, naramdaman ko ang pag yakap sa akin ni  Papa pati narin  ang mahigpit na pag  hawak  ng anak ko sa kamay  ko.

Ang sakit...sobrang sakit...sa sobrang sakit ay nalilinawan na ako sa lahat  ng nangyari. Kaya pala..kaya pala...

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon