CHAPTER 3

37.2K 713 33
                                    

"Aray masakit.." Daing ni Ionna habang tinatalian ko siya ng buhok.

"Hala, sorry." Agad na sabi ko at tinanggal ang pagkaka higpit ng tali niya sa buhok.

Maaga akong ginising ng anak ko ngayon dahil maaga daw ang call time ng family event nila, hindi ko na rin siya pinahirapan sa pag gising sa akin at bumangon na rin

3 days lang day off ko di pa ako makatulog ng maayos huhu.

"Mas better pa mag tali sayo si Daddy," Pag tutukoy niya ng makita niyang baliko ang piggy tails niya.

Napakamot na lang ako sa batok ko dahil talaga namang hindi pantay ang tali niya, kailangan ko na naman ulitin yun. Piggy tails kasi ang laging gustong tali ni Ionna, that is the thing her dad always do for her kasi nung buhay pa yun. Fuck, I miss my man.

Nakita ko ng sumimagot si Ionna ng tanggalin ko ulit ang tali niya, naka 3 na try na kasi kami pero hindi ko talaga siya mapantay pantay. Baliko ata kamay ko dahil sa bigat ng baril na lagi kong dala sa campo.

"I'm sorry, mommy is trying her best." Naiiyak na sabi ko, umiling naman siya.

"It's not about the piggy tails naman po e." She said sadly, iniharap ko naman siya sa akin para makita ko siya ng maayos.

"Why? Is there something bothering my baby?" I asked.

Nakatungo lang siya habang pinag lalaruan ang mga daliri niya, I gently lift her chin up para iangat ang tingin sa akin. Her lilac-colored eyes met mine, the spark in her melted my heart. This little girl is the reason why I want to protect this country, for her to be able to live a comfortable life far from danger.

"I missed dad..." She mumbled while looking at me, "It would be so much better if nandito si papa..." Naiiyak na sabi sa akin ni Ionna.

Hinawakan ko ang mukha ng anak ko ng sa magkabilang pisngi at pinisil ito, habang nakangiti sa kaniya. Mataba ang pisngi ni Ionna, at sobrang puti na nagmumukhang harina na. Kung hindi kilala ng mga tao na anak ko tong si Ionna ay mapag kakamalan akong yaya nito.

All of her physical aspects ay nakuha niya talaga sa tatay niya at katiting na nakuha sa akin na tanging labi niya lang ang meron ako. Siguro dahil halos hindi na pakawalan ni Lexus ang labi ko noon nung lagi kaming mag kasama.

"But, aren't you happy that mom is here?" I tried to sway the topic para mawala ang lungkot sa mga mata ng anak ko pero parang hindi iyon naka tulong.

"I am, minsan ka na nga lang po umuwi e. Syempre I'm happy! Attend ka po sa family evet namin sa school, tapos birthday ko pa then nakauwi ka po. Of course, I'm so happy mama." Nakangiting sabi niya sa akin, "Pero, it would be great if we're complete right?" She asked me.

Napalunok ako sa tanong ng anak ko, at dinalaw ang gilid ng mata ko ng luha. Pilit ko itong pinigilang lumuha, "It would be great nga." Pag sang ayon ko sa kaniya tska ko siya niyakap ng mahigpit.

"Pero that won't happen na, papa is dead." Bulong niya habang nakayakap sa akin.

Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng mga luha ko at palihim na lang na pinunasan ito. At muling hinarap ang anak ko.

"I know your dad will be happy to see you grow this much, and for sure matutuwa yun kapag naipanalo natin lahat ng mga activities ngayon sa event kaya tara na!" Sabi ko at bumitaw sa pag kakayakap sa kaniya dahil baka humagulgol lang sa kaniya.

"Tara na po! Hindi na lang po ako mag tatali." Masiglang sabi niya at umalis sa harapan ko para kunin ang bag niya.

Medyo na saktan pa ako dahil sa sinabi niya, mukhang sinukuan niya na ang skills ko sa pag tali sa buhok. Ha! Matututunan ko rin yan! Kaya ko nga humawak ng iba't ibang uri ng baril at granada tas mag tali ng buhok hindi?! Hmp!

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon