CHAPTER 65

20.4K 338 70
                                    

Diretso lang tingin ko sa plano, mag  isa na lang ako ngayon dito sa kwarto.

May kagat kagat din akong kamyas sa bibig ko. Pag kaalis kasi nila dito sa kwarto ay pumunta ako sa ref at nakita ang kamyas. Sakto naman na mas gumagana ang utak ko kapag may kinakagat ako.

Bumalik ako sa lamesa at maiiging tiningnan ang papel na andoon. Inutusan ko silang lahat para gawin ang  mga kailangan namin ihanda. Hindi pwedeng  sumabak kami sa gera ng walang dalag armas..

Malaki ang  babanggain namin at kailangan namin ihanda ang sarili dahil siguradong dadanak ang nakaparaming dugo dito.

Ang  una sa plano ko ay alamin kung totoo bang walang alam ang mga sundalo dito, at kung anong alam ng mga sibilyan na nandito. Hindi sila papayag na manirahan dito kung walang ipanako sa kanila sina Yohan.

Nasa tuktok ng  plano ang ulo ni pangalan  ni Yohan, kasunod ng pangalan ni  Rodriguez katabi  ng pangalan ni Alexus...

Masakit pa rin sa akin na kakalabanin ko ang mismo kong asawa, pero kung siya ang isa sa dahilan kung bakit maraming inosenteng buhay ang nawala hindi ako magdadalawang isip na tapusin siya.

Hawak hawak ko ang bakal na braso ko, inayos rin ito ng  anak ko para hindi ma lusutan ng  magnetic field na siyang ginamit sa akin ni Alexus nung nakaraan kaya hindi ko ito nagalaw. I don't want this arm to  malfunction, when the day comes that we will retrieve this world.

Lalabas na sana ako  ng kwarto when someone I didn't expect appeared in front of my eyes. Ibang iba na ang itsura niya, she used to  to have a sparkling eyes that shines but its now gone. Patay na ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

Napaatras ako ng tuluyan siyang makapasok at sinara ang pintuan sa likod. Nilingon ko ang mata ko papunta sa kanya niya na  hawak hawak ang espada, may tumutulong dugo dito. Her face was also covered with blood, it was fresh blood.

"Jen..." Tawag ko sa kanya.

Unti unti siyang lumapit sa akin, tska inangat ang espadang hawak niya patungo sa direksyon ko. Diretso siyang nakatingin, pinaghalong takot, galit, at sakit ang nakikita  ko sa mga mata niya sa oras na  ito.

Hindi na ako nagulat ng inatake niya ako, madali ko lang naman naiwasan ang pag bawat pag galaw ng espada niya sa bawat bato nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon at ako ang pinupuntirya.

Sa ganitong mga pagkakataon ay dapat gumaganti ako pero hindi ko ginagawa. Hinahayaan ko lang siya at iniiwasan. Ano mang oras ay mapapagod din siya dahil sa bigat ng bawat pag hampas niya sa ere.

"Jen, ano ba?" Tanong ko sa kanya pero patuloy lang siya. "Si Gel ba dahilan nito?!" Muli kong tanong sa kanya.

Nang marinig niya ang pangalan ng kasintahan ay dahan dahan siyang huminto sa pag galaw. Nakayuko lang ang ulo niya, nakita ko na rin ang patuloy  na pag baba at pag taas ng balikat niya na mukhang humihikbi.

Dahan dahan kong inabot ang espada niya at kinuha yun sa mga kamay niya, hindi naman siya pumalag at ng makita kong ingat ang ulo niya sa akin. May kung anong humaplos sa puso ko ng makita sunod sunod ang luhang tumulo sa mga mata niya.

"Wala...wala na si Gel...wala na si Gelly..." Umiiyak na sabi nito sa akin.

Agad ko naman itong niyakap at hinagkan sa mga braso ko. Tuloy tuloy ang pag iyak niya ng mahawakan ko siya. Mukhang alam niya kung anong nangyari sa kasintahan niya, ang bigat ng paghinga niya habang nakayakap sa akin.

Ilang sandali lang siyang umiyak sa akin, walang salitang lumabalabas sa bunganga niya.

Bumitaw na rin siya sa akin at, "Sczekinah..." Mahinang tawag niya.

"Hmm?" I hummed.

"N-nakita ko kong p-pinatay ni Yohan si Gel.." Nauutal na sumbong nito sa akin, hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya ng tuluyang bumagsak ito.

Nakaupo na kami ngayon sa sahig habang umiiyak siya, "Sczekinah...he fucking slice my girlfriend's neck..." She broke down.

Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko at agad na niyakap ko ulit siya. Hindi ko alam kung paano siya icomfort cause I know how much it hurts lalo na nakita niya pa sa harapan niya kung anong nangyari.

Ramdam ko ang malalim niyang paghinga niya tska pinunasan ang mga luhang nasa mata niya at humarap sa akin, "I will kill Yohan, I don't care kung ayaw mo-"

"We will kill him too." Pag putol ko sa kanya..

Napalingon si Jen dahil doon, "He doesn't deserve to be alive, but we won't do that in a snap. We want him to suffer more than how the innocents suffer from his hands." Seryosong sabi ko tska pinunasan ang mga luha niya.

"Jen...asan si Maya?" Tanong ko habang nakahawak sa pisngi niya, ulo lang ni Gel  ang nakita ko at siya lang bumungad dito.

Bumalik ang tingin ko sa itsura niya, dahil sa pag atake niya sa akin ay hindi ko na na itanong kung anong nangyari sa kanya at kung bakit balot siya ng dugo.

"K-kasama ko siya kanina pero..." Wala sa sariling sagot niya.

"Pero? Anong nangyari kay Maya?" Kalmado pero iritableng tanong ko.

Nangilabot ang katawan ko ng marinig ko siyang tumawa, "Jen don't tell me..." Kinakabahang usal ko sa kanya.

"Yung...yung kulay pulang buhok na lalaki...binaril siya..." Putol putol na paliwanag niya, "Walang...walang ibang tao doon kaya pinagsasaksak ko yung lalaki..." Pag papaliwanag niya.

"Pulang buhok..." I mumbled.

Ntaranta ako dahil sa sinabi niya, tumayo ako at kinuha ang papel na ginawan ko ng plano. Itinaob ko ito at iniharap kay Jen ang litrato. "Eto...eto ba yung lalaking sinasabi mo?" Napalunok ako sa tanong na yun.

Itinaas niya ang ulo niya tska sinipat ang larawan na nasa harapan niya tska tumango.

My jaw dropped when I realized what was going on. I'm about to drag her out of the room para itakas ng biglang may bumungad sa harapan ko.

Agad na nilagay ko sa likuran ko si Jen para protektahan. "Pinuno, kung ayaw mong madamay sa kung anong ginawa ng babaeng nasa likod mo, ibigay niyo siya." Maotoridad na sabi ng babaeng sundalo na nakakusap ko.

Hindi ko man makita ang reaksyon ni Jen ay alam kong nanginginig na siya dahil sa higpit ng kapit niya sa akin. Muli kong binalik ang tingin ko sa harap tska ngumisi.

"I don't think I can do that." Malamig na sabi ko.

"Then, pasensya na. Kunin niyo." Utos nito sa iba niya pang mga kasamahan.

Nakita kong tumakbo paloob si Jen at kinuha ang espada niya. PIlit kong pinigilan ang mga ito na makalapit sa kanya.

They charged at me pero hindi ako nag patalo. Suntok sa kanan, at salo sa kaliwa ang ginawa ko. HIndi ako nag patinag sa mga sundalo dito, dalawa na ang kalaban ko at napatumba sila. May isang sundalo na umatake sa akin mula sa likod pero napigilan ko naman siya at nasalo ang kamay niya dahilan para bumagsak sa sahig.

Parami ng parami ang sumugod sa akin, hanggat maari ay hindi ko ginagamit ang baril sa kamay na bakal ko dahil wala rin naman silang ginagamit sa akin. My first priority is to lessen casualties in this war kaya pinipigilan ko ang sarili kong mapuruhan sila.

I saw that someone charged on Jen's  direction, agad ko namang hinatak ang suot na damit nun at marahas na hinatak para bumagsak. Ginamit ko na rin ang mga paa ko para pigilan ang mga lumalapit kay Jen at kwenelyo sila doon.

"Sczekinah!" Sigaw ni Jen dahilan para mapalingon ako sa kanya.

I looked at her position ng makita siyang hawak ng babaeng sundalo, akmang tatakbo na sana ako sa posisyon niya ng may maramdaman akong tumusok sa batok ko.

Inabot ko iyun ng bigla biglang nakaramdam ako ng hilo. As I looked back I saw one of the soldiers shoot me with a tranquilliser?! Putangina binaril ako ng tranquiliser?!

Hindi na ako nakapag salita ng bigla akong bumagsak dahil sa bilis ng epekto ng gamot na iyun. Nanlabo ang paningin ko at tuluyang bumagsak. But I saw someone that makes my heart drops, I saw Akiah standing before me...he was just watching me fall apart.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon