"Hindi ako natutuwa sayo, Ionna. Bakit hindi ka pa naka bihis?!" I fumed.
Inismiran niya lang ako kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Mukhang kakagising lang ng batang ito, dahil kita ko pa ang laway sa mga labi niya.
"Mama, wag kang maingay." Sabi niya sa akin kasabay ng pag kamot niya sa ulo niya na para bang naiirita dahilan para inaangat ko ang mga kilay ko sa kanya.
"Aba't?! Jusko kang bata ka inesstress mo ako!" Naiiritang sabi ko sa kanya.
Hindi na ako nakapag pigil at hinatak siya pabalik sa kwarto niya, "Maligo ka na! Hindi ka makakalabas sa banyong yan hanggat di ka nakakaligo!" Inis na sabi ko tska siya tinulak papasok ng banyo.
Napasapo na lang ako sa ulo ko, tska pumunta sa damitan niya. Kinuha ko na ang damit na susuotin niya sa araw na ito.
Napaka halaga ng araw na ito para sa amin, lalo na sa kanya pero parang walang pakialam ang batang iyun. Kailangan pa pilitin para kumilos, kung hindi itutulak hindi ihahakbang ang paa, juskong bata. Tatanda ako ng maaga dahil sa konsumisyon dito.
"Bumaba ka pagkatapos mo at kumain!" Sigaw ko sa may banyo niya, wala akong narinig doon pero babalikan ko na lang siya kung hindi pa siya baba makalipas ang ilang minuto.
Umuna na ako sa baba para mag handa ng mga platong gagamitin namin, when I saw someone on the kitchen. He was the one incharge for today's meal, kaya naman siya ang nakatayo ngayon sa kusina. I slowly wrapped my arms into his waist ng makalapit ako sa direksyon niya.
Natawa ako ng biglang umayos ang tayo niya sa pag lapit ko sa kanya, "Gulat na gulat?" Nang aasar na sabi ko sa kanya. Hindi ito gumalaw kaya naman mas hinigpitan ko ang yakap sa bewang niya.
I heard someone clearing his throat from the back, I slowly looked back when I saw Akiah raising his brow into our direction. Muli kong binalik ang mata ko sa lalaking yakap yakap ko, tska binalik ulit ang mata sa likod ko na diretsong nakatingin pa rin sa akin si Akiah.
Agad kong binitawan ang taong yakap yakap ko, tska agresibong hinarap siya sa akin. "Pucha?! Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko ng makitang si Ash pala ito,
Lumayo agad ako sa kanya tska umatras hanggang sa posisyon ni Akiah, "H-hindi ko...akala ko ikaw!" Nauutal na paliwanag ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay tska ibinaba sa lamesa ang cake na dala.
"Grabe Pinuno, hindi ko alam na may clingy side ka pala." Pang aasar ni Ash sa akin, sinamaan ko naman siya ng tingin dahil doon.
"Bakit ka ba kasi nag luluto diyan?!" Naiinis na sigaw ko sa kanya.
"Anong nagluluto? Kita mong naghuhugas ako ng kamay eh." Sagot nito at itinaas ang kamay para ipakita sa akin yun. "Palibhasa kasi, sanay ka na si Akiah lang ang nandito sa bahay niyo!" Nakangising pang aasar pa nito.
Inikutan ko na lang siya ng mata tska humarap kay Akiah, na ngayon ay tahimik na inaayos ang cake sa lamesa.
"Dapat mamaya mo na inilabas yan, aalis pa tayo diba?" Tanong ko sa kanya, tska naman siya huminto. "Nagtatampo ka ba?" Nakangiting sabi ko sa kanya, at sinilip ang mukha niya.
I smiled when I saw him looking away from my gaze, "You're sulking, I told you I didn't know that it wasn't you." I explained, pero mas natawa ako ng kinagat niya ang pang ibabang labi niya.
"Always...always asked before getting close to someone, lagi mo na lang akong pinagkakamalan na sila." Nakangusong reklamo nito.
I bit my inner cheeks as I tried so hard not to smile from his action, "Sorry na nga!" Sabi ko sa kanya tska niyakap siya sa gilid niya. "Kiss mo na lang ako dali!" I said as I pouted my lips.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...