CHAPTER 4

28.3K 516 44
                                    

"Whoo!!! Anak ko yan!" Sigaw ko sa crowd when my baby started to dance with her classmates.

Ako ang may pinaka malakas na boses dito sa audience pero wala akong pake, I'm so proud with my daughter!

"Go! Ayan ikembot mo sa kanan! Sa kaliwa naman, ey!! Anak ko yan!" Parang timang na sigaw ko.

Pinag titinginan na rin ako ng mga tao sa paligid ko dahil sa lakas ng boses ko. As they finished dancing ay agad na tumakbo ako papunta kay Vionna at kinarga ka siya.

"Ang galing galing naman!" Sabi ko at pinaulanan siya ng halik sa ma pisngi niya.

"Mommy nakikiliti ako," Masayang sabi ni Vionna pero hindi ko siya tinigilan.

Grabe nanggigigil ako sa sarili kong anak, kung pwede ko lang ito ibulsa at hindi mahiwalay sa kanya ay gagawin ko e.

"Kahit wala kang na mana sa utak ni mama, namana mo naman yung galing ko sa pag sayaw!" Sabi ko at inikot ikot pa sya.

I heard her giggle dahil sa ginawa ko. Napaka saya ng araw na ito para sa akin, at kita ko rin naman na masaya si Ionna sa araw na ito.

Sumali pa kami sa iba't ibang activities dito. Wala na akong hiya dito sa eskwelahan niya, basta mapasaya ko yung anak ko ay ayos lang sa akin.

Meron isang laro na sinalihan kami, it looks like an relay. Kailangan namin tumakbo pa ikot doon sa poles pabalik sa starting line para bihisan pa isa isa ang mga anak namin. Syempre hindi ako nag pahuli at sumali kami ni Ionna kahit na halos puro tatay ang kasama ng mga bata dito.

"Are you sure, you'll be okay mom? Nakakapagod to?" Nakangusong tanong sa akin ng batang to.

"Aba, nakakalimutan ata na soldier mommy mo." Mayabang na sabi ko sabay tapik sa braso as I flex it.

Napatawa naman siya habang umiiling. Sinimulan ko ng ayusin ang sarili ko para makipag laban dito, buti na lang talaga ay comfortable ang suot ko ngayon at kahit mag pa gulong gulong pa ako dito ay walang problema.

Nagtalo nga lang kami kanina ni Papa bago umalis kasi bakit uniform ko daw ang suot suot ko, bakit ba?! Mayabang ako e! Tska sisilip rin kasi ako sa department mamaya pag katapos dito, isasama ko na lang si Ionna dahil sandali lang naman iyun.

"Okay! On your mark parents." Pag sabi ng host ng laro kaya naman pinosisyon ko na ang sarili ko habang bitbit si Ionna sa isa kong braso. "Go!" Malakas na sigaw ng host.

Walang ano ano ay mabilis akong tumakbo papunta sa pole at pabalik, malakas ang sigawan ng crowd as I noticed na ako ang nauuna. Bumalik ako sa start para bihisan si Ionna ng damit tska umikot ulit sa pole. Napangisi ako ng ako na naman ang nauna, tska ipinatong ang palda sa suot na uniform ni Ionna.

One last round na lang at mabilis akong nakabalik galing sa pole at sinuot ang sapatos niya. Lumakas lalo ang hiyawan ng mga tao ng makitang ako ang nauna sa lahat ng kasali dito. Nasa second round palang ang iba at ako ay natapos na.

"Panalo tayo mommy!!" Malaking ngiti ni Ionna.

Hindi ko naramdaman ang pagod at hingal sa katawan ko at hinalikan lang si Ionna sa pisngi. "I told you, you can trust mommy." Sabi ko sa kanya.

Umakyat pa kami sa parang stage na nag iindicate na kami ang first place sa larong ito. Tuwang tuwa naman ang lahat na kahit ako lang nag iisang babaeng sumali dito ay nalamangan ko ang mga tatay. I'm proud of myself.

The second placer of this relay approached me with the huge smile in his face, "Congratulations." Sabi niya at inilahad pa ang kamay niya na inabot ko naman to shake with it.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon