CHAPTER 12

21.3K 391 45
                                    

"Sczekinah..."

Marihin na tawag sa akin, pero malabo ang boses na iyun. Hindi ko mawari kung saan nanggaling ang boses.

"Sczekinah.."

Ang labo talaga, gising naman ako ngayon pero hindi ko makita kung na kanino yun. I was standing in front of this grass field, napaka lawak niyo at punong puno ng mga bulaklak. I was about to take my step ng may makita akong malaki pero mukhang malambot na nilalang. Panda?

"Mama!!" Sigaw ng kung sino.

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil alam ko kung kanino yun, lumingon ako sa likuran ko ng makita ko si Ionna. Suot suot niya ang uniform nya habang malaki ang ngiti sa akin habang tumatakbo.

Hindi ko na rin namalayan na tumatakbo na rin ako sa direksyon ni Ionna, tumutulo na rin ang mga luha ko. Gusto ko na lang hagkan sa mga kamay ko ang anak ko.

"B-baby.." I cracked habang tumatakbo, inabot na ako ng ilang sandali pero bakit parang pakiramdam ko ay hindi ko siya maabot?

"Mama, I missed you." Sabi ni Ionna sa hindi kalayuan.

"Miss na miss ka na rin ni mommy." Sabi ko at hindi pa rin humihinto sa pag takbo.

Ang marahan kong pagkilos ay mas binilisan ko pero mas lalong lumalayo ang distansya sa pagitan namin ng anak ko.

"Mama, okay lang po ako dito.." Nakangiting sabi ni Ionna, "Okay lang po kami ni Papa dito." She mumbled kasabay ng paghinto niya sa pagtakbo.

Napapihit na lang ang ulo ko ng biglang lumiwag sa paligid ko-

"Dammit, Sczekinah!" Malakas na sigaw ng kung sino, dahilan para mabuhayan ang pagkatao ko.

"Fuck.." Bulong ko ng maramdaman ko ang hapdi sa pisngi ko, dahan dahan kong minulat ang mata ko ng makita ko si Yohan sa ibabaw ko.

"Don't...tell me..." Pinipigilan ko ang sarili ko, "Don't fucking tell ma na sinampal mo ako?!" Malakas na bulyaw ko sa kanya dahilan para mapa upo siya sa sahig.

Napabangon ako sa pag kakahiga, as I realized that panaginip lang pala yun. I thought that was real for a moment.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa panaginip ko, naintindihan ko kung ano ang ibig sabihin ni Ionna pero ayaw ko iyong paniwalaan.

Andito parin kami sa may roof ngayon, but it's already morning. Mataas na rin ang sikat ng araw, nilibot ko ang mata ko sa paligid ng makita kong wala ni isang bakas ng halimaw ang nasa paligid namin.

Sinamaan ko muna ng tingin si Yohan bago tuluyang tumayo as I looked down. Wala na talagang kung ano ang andito.

"What happen last night?" Tanong ko habang hinihilot ang batok ko, hindi ko rin kasi namalayan na nakatulog na pala ako.

If there was a terrorist attack, panigurado patay nako.

"Gaya ng sabi ni General, dumaan nga lang talaga yung swarm ng monsters. Buti na lang talaga at hindi nila tayo dito napansin o nakita." Si Maya ang sumagot sa akin habang inaayos ang mga gamit.

"We should camp here, dito sa roof-"

"We can't do that." Agad na putol ko kay Yohan. "Kapag nag camp tayo dito sa tuktok mas mahahalata nila tayo whenever they come." Dagdag ko tska bumaba sa bubong.

Nakita kong may inaayos si papa sa may firetruck ng tuluyan akong makababa, he was welding something. San niya nakuha yun?!

"Ginagawa mo Pa?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya, agad niya naman tinaas ang shield sa mukha niya na humaharang sa pag talsik ng kislap ng welding na gamit niya.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon