"Damn, ang dilim." Bulong ni Cali ng makarating kami sa baba.
Binuksan naman namin ang dala dalang flashlight, my jaw dropped sa kung anong bumungad sa harapan ko.
"Is..this even possible?" Tanong ko.
Isang napakalaking open space ang nasa harap namin, parang isang buong floor ang andito. It looks like an underground parking lot na walang mga sasakyan, sobrang lawak nito na hindi ko makita ang dulo ng lugar.
"Someone build this huge underground for some purposes," Si Ash ang nag salita at naunang naglakad, nasa likod niya naman is Cali.
"This place is newly built." Komento ni Akiah, napalingon ako sa paligid kasabay ng pag tapat ko ng ilaw doon.
Mukhang bago ang lugar at hindi pa ito na gagamit, it was something close sa ng mga floor na wala pang kahit anong division. Maganda rin ang pag kinis ng pader at talaga namang pulido, my brows furrowed as we explore the area.
"There are foot marks here." Turo ni Ionna sa sahig, napalingon naman ako doon.
Hindi naman ganon kalala ang paspas ng sahig pero halata mong may mga dumadaan dito. Katulad sa mga damo, parang na nawawala ang parteng iyon kapag palaging dinadaanan and ganun ang nakikita namin dito.
Sinundan namin ang mga marka ng paa, hindi na namin namalayan kung gaano kami katagal naglakad. Parang walang katapusan ang lugar, wala kaming nakikita na kahit ano maliban sa binibigay na liwanag sa amin ng flashlight.
Masyado na kaming matagal na nag lalakad, hindi na namin alam kung lumubog na ba ang araw. Hapon kami bumaba dito, at sa tagal ng paglalakbay namin dito sa tunnel na ito panigurado ay gabi na.
"This is weird, wala akong masense na kahit ano." Bulong ni Calista.
"Bakit pusa ka ba, para may masense ka?" Pabirong sagot ni Ash sa kanya, kinurot naman ni Cali ang tagiliran nya.
Habang lalakad kami ay pinakikiramdaman ko ang sarili ko, it was a surprise for me dahil sigurado akong gabi na sa labas pero walang mali sa braso ko. Hindi ito kumakati o nag iinit, hinayaan ko na lang iyon. Mas maganda nga na hindi ko na maramdaman yun para hindi ko na rin makulikot ang sugat ko, at tuluyang maputol ito.
"Sandali." Napahinto kami ng biglang huminto si Papa.
"Bakit po?" Ionna asked, sandaling hindi nagsasalita si papa.
"May pintuan sa harap." Turo niya, as we looked at that direction ay nakita namin ang bakal na pintuan.
Lumapit kami doon, inabot pa kami ng isang saglit bago marating yun dahil malayo ang posisyon namin doon. Akiah and Ash tried to open the door frame pero hindi ito gumalaw. Sa tagal naming naglalakad ay ito ang unang beses na nakakita kami ng ibang bagay.
I think we reach the end of this floor, wala ng kahit ano sa paligid namin maliban sa pinto.
"It needs a code to be opened." Sambit ni Ionna tska lumapit.
Napatingin ako sa isang maliit na automatic board sa may gilid, mas lalong nadagdagan ang mga tanong sa isip namin.
"Girl, ginugulo nito ang utak ko. It was an active automatic door lock, bago pa oh!" Turo niya sa plastic screen protector nito.
"It looks like hindi lang tayo ang natira sa mundong ito." Seryosong saad ni Akiah.
Bigla ko naman naalala yung mga lalaking nakita namin ni Yohan bago kami mahulog sa bangain, what if may kinalaman sila dito?
"Tabi! Dadaan ang tech genius." Mayabang na sabi ni Ash at hinawi kaming lahat.
Sinamaan naman namin siya ng tingin dahil doon, pero hinayaan lang siya. Ilang pindot ang ginawa niya kasabay ng pag input ng ilang combination para mabuksan ang pintuan.
"Tada!" He proudly said ng marinig niya ang cue ng door lock, na ibig sabihin ay bukas na ito.
Hindi na ako nag taka sa ginawa niya, siya ang pinaka matalino when it comes to tech kaya naman madali niya lang iyung nabuksan. Dahan dahan gumalaw ang bakal na pinto kasabay ng pag usok nito, hinawi ako ni Akiah at pumosesyon sa harap ko dahil doon.
"Another floor." Papa tuned between his lips.
Napabuga ako ng hangin dahil doon, akala ko ay may kakaiba sa likod ng pinto pero isa na namang open space ang bumungad sa akin. Wala kaming ginawa kundi mag lakad na lang ulit, nakakaramdam na ako ng pagod pero hindi kami huminto.
"May pinto nanaman." Cali inferred ng makita namin ito sa harap, it's been hours again since we saw another door.
Inulit ni Ash ang ginawa niya sa naunang pinto, halatang lahat kami ay naibagsak na lang ang balikat ng makitang open space nanaman ang nasa likod ng pinto.
"Gaano ba kalaki ang lugar na ito?!" Iritableng tanong ko.
Parang walang hangganan ang nilalakad namin, door after door ay pare pareho lang ang bumubungad sa amin. Sumagi na nga sa isip ko na baka ngayon ay wala na kami sa bundok na inakyatan namin, it feels like wala na kami sa lugar na iyun.
"Mag pahinga muna tayo." Suhestiyon ni papa ng makarating nanaman kami sa isa na namang pinto.
Agad na sumalampak kami sa sahig dahil sa pagod, humiga na rin ng tuluyan sa sahig ang anak ko habang nakabuka ang mga braso na kala mo ipapako na. Sa yakap naman ni Calista ang ginawang pag papahinga ni Ash, papa just sat there habang nakasandal sa pader katabi ni Ionna. Nagseselos na ako, laging gusto ni Ionna sa lolo niya hmp.
"Here," Napalingon ako ng abutan ako ng tubig ni Akiah.
Kinuha ko naman yun at agad na uminom dahil rin sa pagod, kaunti lang ang ininom ko dahil kailangan namin mag tipid. Nakita kong ginawa rin naman nilang lahat yun bago bumalik sa pag papahinga. Itinukod ko ang braso ko sa sahig bago tumingin sa taas.
Wala akong makitang kahit ano doon kundi kadiliman lang, iniisip ko kung hanggang saan pa ang lalakarin namin at kung hanggang saan pa itong lugar na ito?
"Wag mo masyado itukod ang braso mo." Napalingon naman ako kay Akiah ng dahan dahan niyang tinanggal ang braso ko sa pag katukod.
He leans closer to me and puts my head on his shoulder, "Rest." Mariing sabi niya.
Nakasandal kami ngayon sa may pader medyo malayo sa posisyon nila Cali, I rest my head into Akiah's shoulder. Nasa tabi niya ang braso kong may sugar as he gently hold my hand.
"Hindi ka ba nandidiri sa akin?" Bulong ko sa kanya.
"Is that even a question?" Hindi nakatingin na tanong niya, pabalik sa akin. "It's not your fault to have this, alam kong nahihirapan ka na at ayukong pahirapan ka pa. I can't do anything about this yet, but I'm here to share your pain with me."
I saw his finger playing on my palm; he was tracing the lines on that. Ang gaan ng pagkaka hawak niya sa akin, I can feel the gentleness in his touch. Whenever he's with me I feel like I'm safe kahit na anong gawin ko.
Nararamdaman ko ang mahinahon na pag hinga niya sa pisngi ko. I stared at him as I can his perfect jaw, mukhang naramdaman niya ang pag titig ko kaya tumingin siya sa akin.Ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa, he slowly moves his head. That spark from his eyes gives me comfort.
I was stunned ng bigla niya akong halikan, ilang beses ko napapikit mulat ang mga ko dahil doon pero hindi ako pumalag at hinayaan lang siya. Ang lambot ng pag halik niya sa akin, hindi yun mapusok at nakakasal. It was the type of kiss that calm my entire body, I love to have that kiss for much longer but...
"Akiah..." I called his name between our kisses.
"Hmm?" He hummed, hindi niya pa rin pina pakawalan ang labi ko.
"S-si Alexus ang pumapasok sa isip ko." I shuttered
I felt his lips stopped, dahan dahan siyang lumayo sa akin. He still smiled at me, pero kita ko ang sakit sa mga mata niya. Kahit ako ay nasaktan sa sinabi ko, I want to give him a chance pero...si Alexus pa ang mahal ko.

BINABASA MO ANG
That Shot
Fiksi IlmiahSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...