CHAPTER 7

24.6K 425 42
                                    

Tahimik lang ako habang nag d-drive si Yohan around the city. Mukhang mabilis kumalat ang mga halimaw na yun dahil lahat ng nadaraan namin ay puno ng mga sira sirang gusali at nag kalat na dugo sa paligid.

Masyadong mabilis ang pagpapatakbo ni Yohan kaya hindi rin ito mahabol ng mga mata ko iyun. Napansin ko rin na mabagal kumilos ang mga dyablong yun at I think we can use that to fight against them later on.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng bigla akong may maalala, "Sa fire department tayo!" Sabi ko kay Yohan.

"What? Don't tell me hihingi ka ng tulong sa mga bumbero-"

"No! That's not like that, na alala ko na napag usapan namin dati ni Ionna when some crisis happen sa fire department siya pumunta at kahit anong mangyari ay pupuntahan ko siya roon." Pag papaliwanag ko, ramdam ko ang kislap ng mga mata ko dahil sa sinabi ko.

"You're not sure that she'll be there, masyadong mabilis ang pangyayari sa tingin mo makakaya ng 7 years old na pumunta sa fire department kilometers away from her school?" Giit na tanong sa akin ni Yohan.

Napaisip ako dahil doon, masyado ngang impossible yun dahil sa mga pangyayari pero wala namang masama kung subukan ko. Matalino ang anak ko, for sure ay maalala niya ang usapan naming yun.

"Kung ayaw mo ako ihatid don, ibaba mo na lang ako diyan sa tabi. And I'll find my own way papunta sa fire department-"

"Do you think hahayaan kitang mamatay, at ipalapa yang sarili mo diyan sa mga demonyong yan?" He fumed, "Maling mali na nga ang desisyon mong lumabas sa kwartong yun ng walang plano e. Just stay there, and I'll bring you to that place.." Dagdag pa nito at tumahik na lang.

We arrived at department, we're almost lucky ng wala kami masyadong maabutan na nagkakagulo doon. Agad na pinasok ko ang department pero wala akong Ionna na nakita, sumod lang sa likuran ko si Yohan at nag tingin tingin din sa paligid.

Nanlumo ang pagkatao ko ng walang mahagip ang mata ko. Punong puno na ng tubig ang mga mata ko pero hindi ko parin iyun mailabas, napaka bigat na ng dibdib ko pero hindi ko pwede ipakita yun. Ilang oras pa kaming nanatili doon para sana antayin ang anak ko, pero walang Ionna na dumating.

"We need to go-"

"You need to go." Walang emosyon na sabi ko.

"What?"

"Hindi ako aalis dito. I'll wait for my daughter, dadating siya dito." I added.

Napailing ito sa sinabi ko tska lumapit sa akin, "If you want to wait for her, atleast pumasok ka sa loob" Sabi nito at binuksan ang pinto ng opisina ng department.

Maliit lang itong fire department kaya isa lang opisina na narito at kahit nasa loob ay matanaw dito kung sino ang darating. Walang buhay akong pumasok sa opisina ay tumayo sa sa may bintana para maayos na makita kung sino mang dumating.

Akala ko ay aalis si Yohan pero sumunod ito sa loob ng opisina at sinara ang pinto, umupo naman ito sa swivel chair sa may lamesa. Hindi ko na lang pinansin ang presence niya as I stood up in front of the window for hours.

"Alam kong malakas ang stamina mo pero mag pahinga ka naman." Sabi nito makalipas ang ilang oras na pananahimik.

Wala parin akong kibo at diretso lang na nakatingin sa bintana. May mga pailan ilan na halimaw ang dumadaan pero hindi naman iyon nagtatagal at umaalis rin. Lumubog na rin ang araw kasabay ng unti unti kong paglubog dahil sa nakakabaliw na pag aalala.

I heard him sign, "Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na naging kayo ni Arson, at natiis niya yang ugali mo." Usal nito sabay tulak sa upuan na tumama sa likuran ng tuhod ko dahilan para pwersahan akong mapaupo.

"I'm also wondering how." Walang buhay na sabi ko.

"How could a mighty Arson fall for a slow, exam cheater, trouble maker like you." Pailing iling na sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya ng masama.

"What is wrong with him falling in love with me?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.

"You can ask that to yourself, paano naging kayo ni Arson when he was like the God in our school back then. He has the brain, looks, stamina, logical skill, money, and everything." Tanong niya sa akin na parang nilalait niya ang buong pagkatao ko.

"Ano bang problema mo sa aming dalawa ha?" Inis na tanong ko sa kanya.

He leans himself sa table as he rest his chins sa kamay niya staring at me, "Hindi maimagine ng utak, masyadong magkalayo ang mundo nyo-"

Natigilan siya sa pagsasalita niya when I throw the knife that I'm holding directly inches away from him. "I didn't bother to imagine kung anong kahihiyan ang binigay mo sa heneral mong ama ng mag drop ka sa military school, tapos ikaw? Masyadong invested sa buhay ko?" Malamig na tanong ko sa kaniya.

Mariin siyang napatawa dahil sa sinabi ko bago kapain ang pisngi niya na bahagyang nag dugo dahil na tapyasan ito ng kutsilyong binato ko, "Now, I get it kung bakit." Nakangising sabi nito bago tingnan ang unting dugo na nakapa niya mula sa pisngi.

Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil don, "Cause, Arson loves feisty woman." He commented.

Hindi na siya muling nag salita pag katapos nun at itinungo ang sarili niyang ulo sa lamesa. Pakiramdam ko ay nakatulog na rin yun dahil na rin siguro sa pagod dahil sa matinding habulan na nangyari sa amin sa araw na ito.

Bumalik na lang ako sa pag tingin sa bintana pero ngayon ay nakaupo na ako, wala akong maramdaman na pagod pero nasaktan ako sa mga salitang binitawan ni Yohan.

That is what everyone thinks sa amin ni Lexus. Una palang ay gulat na gulat na ang lahat na ang isang katulad kong habulin ng gulo ay napabalitang girlfriend ng pinaka iniingatang estudyante sa eskwelahan namin.

Alexus was accelerated dahil sa angking talino niya, he took medicine in field of military advancement back in our school days habang ako ay nasa first year. Kahit ako ay nagulat na lang ng maging kami, ang naalala ko lang ay tinulak ko lang naman siya sa 4th floor dahil natapunan niya ng tubig ang polo ko. He didn't die as he land perfectly in cue, kala ko nga si spiderman siya that time dahil ni isang galos ay wala siyang natamo.

It was just a snap for us being together, isang taon lang naman ang tanda niya sa akin pero mas maaga siyang naka graduate dahil nga ilang baitang ang hinakbang niya dahil sa katalinuhan. We are happy together, at ang perfect na ng relationship hanggang sa nabuntis niya ako...

Akala ko ay iiwan niya ako dahil doon but I was wrong, he was the most happiest man in universe ng nalaman niyang buntis ako kahit pa nag aaral pa ako. Grabe ang natanggap naming salita sa lahat ng tao lalo na sa sa mga magulang namin, lalo na kay papa ko which is also a general that time. Ang akala nila ay masisira ang buhay ko but they are wrong.

Pinatunayan ni Lexus that he will be the best father that my daughter could had. He was the best person that happen to me, at kung kaya ko lang bumalik sa oras ay babalik at babalik ako sa araw na tinulak ko siya, dahil doon lahat ng simula.

As I graduated from military school ay agad na nagkaroon ako ng posisyon sa campo not because I'm the daughter of the general but because napatunayan ko ang sarili ko. I was the youngest team leader that the special task force ha, kasama ang mga kaibigan ko. Everything was perfect, I had friends who were as strong as me, a wonderful husband, a loving daughter, and my supportive father not until...I received the news that my husband died.

Ayun ang pinaka madilim na parte ng buhay ko, hindi ako naniwala nung una dahil wala silang katawan na pinapakita sa akin not until they present a body in front of me. Hindi ko na mamukhaan yun but one thing makes me confirmed na wala na ang asawa ko as I saw the tattoo in his arms, it was my birthday and our daughter's.

I totally lost myself at gumuho ang mundo ko ng mga panahon nayun, I lost my man. Ilang buwan akong nawala sa sarili ko, at hindi ko makita na babalik ako sa mga panahon na yun. Buti na lang nandyan ang mga kaibigan ko, si papa, at lalong lalo na anak ko na laging pinapaalala sa akin may dahilan pa ako para lumaban.

Pero anong gagawin ko kung pati ang nag iisang dahilan para lumaban ako ay nawala at hindi ko mahanap sa mundong napupuno ng mga hindi malamang halimaw na ito?

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon