"Jusko! May sumabog na naman!" Malakas na sigaw ng isang babae sa kalayuan, agad na kinuha ko na ang mga gamit ko at nag tungo sa lugar ng pagsabog.
"Pang ilan na ito na ngayon?" Nagmamadaling sabi ko habang sinusuot ang mga waist belt ko kung nasaan ang mga gamit ko, kasabay ng bullet proof vest at pag kuha sa baril.
Itali ko na rin pataas ang buhok ko at isuot na ang bullet proof helmet na kasama ng uniform namin. Masyado ng napapadalas ang pagpapasabog dito sa lugar namin. Hindi na ako natutuwa.
"Pang lima na." Malamig na sabi ni Akiah.
Ang mga hakbang namin ay nag sisimula ng maging takbo para hindi na makapag sayang ng kahit anong oras, bawat segundo ay mahalaga dahil nasa kamay namin ang buhay at kaligtaas ng mga tao sa lugar na ito.
Hinawakan ko na rin ang baril ko as we start to search the area, hindi na bago sa akin ang nakikita ko sa paligid pero nanlulumo pa rin ako. Puno na ng mga bangkay at sira sirang mga bahay ang paligid ng dinaraan namin. Nagkalat ang dugo sa bawat sulok ng lugar na ito, kahit wala ng tao at puro putok ng baril na lang ang naririnig ko ay hindi mawawala ang mga iyak nang mga taong dating nakatira dito. Kinakabahan ako.
Kaba na dala ng takot na baka marami nanaman ang masaktan at madamay.
Sa trabaho namin ay kailangan maging malakas, at hindi dapat kami mag pakita ng kahit anong takot. Kami ang inaasahan ng mga tao at makita kaming nanginginig sa nerbyos ay hindi magiging magandang ehemplo..
I formed my hand signals to give orders to my group at dahan dahang pinasok ang lugar, as I thought meron na namang hostage ang hawak ng mga terrorista.
"We are giving you a chance na sumuko, ibaba niyo ang mga armas niyo!" Malakas pero awtoridad na bulyaw ko sa kanila para marinig ang boses ko.
Hindi kami pwede lumapit sa kanila dahil paniguradong may mga bomb trap ang nakapaligid sa amin at isang maling galaw lang ay baka kami na ang susunod na sumabog.
"Pinuno!" Malaking ngisi ng isang lalaki habang nakaharap sa direksyon namin.
I command my boys to stay alert at maging handa sa mga pwedeng mangyari. Every mission that we're having is like a death trap for us. It was a like a video game that played in real life, buhay ang kapalit ng bawat galaw namin.
"Buti nakarating kayo sa teritoryo namin." Seryoso pero malokong sabi sa akin ng isang malaking lalaki na puno ng tattoo ang katawan habang nakasuot ng isang tela sa mukha na tumatakip dito.
"They are part of Sulansa, Pinuno." Bulong sa akin ni Akiah. Tinungan ko lang siya bago itinuon pabalik ang tingin ko sa lalaki.
"Pag usapan natin to, pakawalan niyo ang mga biktima." Seryosong sabi ko habang nakatutok parin ang baril sa kanya.
"Ang boring naman nun, ano yun? Hihingiin nyo sila sa amin na para bang laruan lang tas..." napahigpit ang hawak ko sa baril ng makita kong ipinaagos ng lalaki ang kutsilyo niya sa mukha ng hostage nila, "Walang kapalit?" Pag tutuloy niya sa salita niya.
Sawa na ako sa mga ganitong senaryo, gusto ko na lang pihitin ang sintido ko pero hindi ko magawa. "Anong gusto niyong kapalit?" Tanong ko.
In negotiating with the terrorist kailangan namin silang makumbinsi na ibibigay namin lahat ng gusto nila kahit na wala kaming balak na gawin yun. It's a way for us to manipulate them at makuha ang tiwala nila, this trick ay talagang malaki ang tulong sa amin lalo na sa mga bobong to.
"Sa wakas! Ayan ang pinaka inaantay kong tanong galing sayo pinuno!" Malaking ngiti nito, hindi niya parin binibitawan ang leeg ng hostage niya habang naka tutok dito ang kutsilyo.
Pinaikot ko ang mga mata ko sa paligid at nakitang nasa sampu ang kalalakihang terrorista dito sa lugar at may tatlong tao silang hawak. May tiwala ako sa mga kasamahan ko pero kailangan pa rin naming mag ingat.
"Ano ba ang gusto nyo?" Matapang na tanong ko sa kanila.
Tumayo ang isang lalaki mula sa likod ng kaninang nagsasalita, it was a different guy mas malakas ang aura nito kaysa sa lalaki kanina. Base on the years of experience this guy might be their boss, napangisi na lang ako sa ilalim ng mask ko. It was so dumb for them na ipakita kung sino ang sinusunod nila.
"Ibibigay niyo pa ang hihilingin namin?" Kalmadong sabi ng lalaki.
"Oo, at pagkatapos nun ay ibigay niyo sa amin ang mga hostage nyo. Kaliwaan tayo." Si akiah ang nag salita.
Diretso at walang buhay na nakatingin lang ang malaking lalaki sa harapan namin. Hindi ako nag patinag sa kanila at hindi ibinaba ang postura ko.
"Si Pinuno." Sabi nito.
Hindi ako nag bigay ng kahit anong reaksyon sa kanila, "Anong ako?" Mariin na tanong ko.
"Ikaw ang gusto namin Pinuno." Seryosong sagot nila, "Lumapit ka dito at ibibigay namin itong mga hawak namin." Dagdag pa nila.
Ramdam ko ang pag tingin sa akin ni Akiah ng ibaba ko ang baril na hawak ko.
"Pinuno!" Mariin na tawag niya sa akin pero hindi ko yun pinakinggan.
Binaba ko ang mga gamit ko at naglakad ng walang kahit anong takot sa harap ng mga terrorista, ang napaka laking ngisi sa bibig nila ay lumutang.
"Ano bang kailangan nyo sa akin?" Kalmadong tanong ko bago tinggal ang safety helmet ko, pati na rin ang bonnet na suot ko dahilan para makita nila ng tuluyan ang mukha ko at ang paghampas ng maiksi pero makapal kong buhok.
"Sczekinah!" Rinig kong tawag ni Akiah.
I stretch my neck at hindi siya pinakinggan ng mas lumapit pa ako sa mga terrorista na parang tropa ko lang ang mga iyon.
"Tangina, ang sarap mo pinuno." Usal ng malaking lalaki. I smirked.
"Walang titingin kay Pinuno! Ibaling niyo ang tingin sa mga terorista!" Ma owtoridad na sambit ni Akiah sa likod ko.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...