Bago pa man ako tuluyang mawala sa balanse ko ay may nakahapit na agad sa bewang ko.
"Akiah." Tawag ko sa kanya ng makita ko siyang nasa tabi ko na, at hawak hawak ang bewang ko.
"Oh! Alpha!" Masayang bati ng sundalo sa kay Akiah gamit ang code name na ginagamit nito noon.
Tumango lang sa kanya ito bago nilapit ang mga labi niya sa tenga ko, "Are you okay?" Mahinang tanong niya sa akin.
Umiling naman ako sa kanya tska ko siya nakitang ngumiti pero bumalik ang seryosong mukha ng humarap sa sundalo.
"Continue your patrol, ayusin mo ang trabaho mo." Seryoso pero may halong hinhin naman ang boses niya.
Malawak naman na ngumiti ang sundalo bago sumaludo sa kanya, tska umalis sa harapan namin at lumayo.
Tuluyang bumigay na ang tuhod ko kahit na hawak hawak na ako ni Akiah. Mas lalo niya tuloy hinigpitan ang pagkapit sa akin, at hinawakan din ang balikat ko para sa suportahan.
"Akiah...buhay si Alexus." Mabigat na sabii ko, hinahabol ko na rin ang paghinga ko dahil doon.
"What?" Rinig ko ang malamig at seryosong tono ng pagtatanong niya.
"Isa sa mga namumuno dito ay si A-Alexus..." Nautal na ako sa pag sabi nun.
Kita ko ang pag dilim ng mga mata niya dahil sa sinabi ko, humigpit din ang hawak niya sa akin. Ramdam ko ang bigat ng kapit niya sa akin, ang laki rin ng pag lunok niya sa pagitan ng pag hinga.
"Let's get you back into the room, you need to rest." Iba ang tono ng boses niya ngayon. It was something darker than he usually uses.
Inalalayan niya ako at mahigpit na hinawakan habang pabalik kung nasaan ang kwartong tinutulugan namin. Nang makarating kami sa lugar at inalalayan akong makaupo, ay kumuha rin siya ng tubig sa kusina para sa ibigay sa akin.
"Akiah...buhay si Alexus." Pag uulit ko, walang luha ang lumalabas sa mga mata ko tanging ang gulat at bigat lang ng nararamdaman ko ang pinakikita ng mukha ko.
"H-how did you know?" Nauutal na tanong niya sa akin. I can hear how he cleared his throat after that question.
"Sinabi nung sundalo na nakausap natin kanina, she said that one of the person who run this place was Alexus." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Hindi siya nag salita at umupo lang sa gilid ko tska mahinhin na hinihimas ang likod ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung masasaktan ba ako o matutuwa?
Masasaktan kasi nalaman ko na buhay pa pala siya o matutuwa kasi buhay siya? Nalilito ako.
"We..we will figure this thing out." Mahinang bulong niya sa akin.
Kita ko ang pag aalangan ng kamay niya na hawakan ako, may kung anong kumurot sa puso ko dahil doon. He never hesitates to hold me, but I can see that he is now hesitating. Hindi ko rin maigalaw ang kamay ko, hindi ko alam kung anong galaw ang gagawin ko towards him.
"Akiah..." Tawag ko sa kanya tska tumingin sa direksyon niya.
I can see his side profile from where I am, his jaw are clenching. Kita ko rin sa mga mata niya na dumlim pero hindi niya pinapahalata. He slowly turned into my direction with a small smile in his face.
"Yes?" He answered.
"Can you stay here for moment and hindi ako sundan? I just need to confirm something..." Paghingi ko ng pabor sa kanya.
Kailangan ko malaman kung ano talaga ang nangyayari dito, I want to know kung totoo ba talaga ang sinabi nung sundalo o baka kapangalan niya lang. I need to confirm this kasi kung hindi, ito ang babaliw sa akin.
Nakita kong bumaba ang ngiti mula sa labi niya pero pilit niya pa rin itong inangat tska tumango sa akin, he then grabbed me and hugged me so tight. May mga nangingilid na luha na rin sa mga mata ko dahil doon.
"Whatever your decision is, I want you to know that I'm still here." Bulong niya sa akin sabay ng pag halik sa noo ko tska ako binitawan. "Go, find the answers to your questions." Muling sabi niya tska niya ako itinayo sa pag kakaupo, at marahang tinulak palayo.
Grabe ang pigil ng luha ko, tumango lang ako sa kanya tska ako lumabas ng kwarto. Ang bigat ng pakiramdam ko, nasasaktan ako para kay Akiah. Nasasaktan ako para sa aming dalawa.
Mabigat ang bawat hakbang ko papunta kung saan ang opisina ni Rodriguez, siya ang tanging taong makakapag kumpirma sa mga hinala ko. Wala na akong pake kung sino ang nadaraanan ko at tuloy tuloy lang ang mabilis na pag lakad na sinasabayan ng mabilis na pag kabog ng dibdib ko.
When I reach the his office, ay nanginginig pa ang mga kamay ko at hindi muna hinawakan ang knob ng pinto. If I opened this, may kung ano akong malalman na hindi ko alam kung kakayanin ko. I need to brace myself from what I could know from this.
Isang malaking buntong hininga ang binitawan ko bago tuluyang binuksan ang pinto at pumasok. Malamig na kwarto ang siyang bumungad sa akin, nilibot ko ang mga mata ko nang makita ko si Rodriguez na nakaupo sa may lamesa at may binabasang mga papel.
"Pinuno? Anong ginagawa mo dito?" Nakataas na kilay na tanong niya sa akin ng makita ang presensya ko sa opisina niya.
"Sabihin mo sa akin, nandito ba si Alexus-"
"You fucking piece of shit, make sure na importante ang dahilan mo para ipatawag mo ako dito." Natigilan ako dahil sa isang napaka lalim na boses, galit ito at halata mo na malaki ang inis sa bawat salitang binitawan niya.
I looked into that voice owner's direction, my heart drops when I saw him. Tinakasan ang katawan ko ng mainit na temperature at binalot ako sa malamig na pakiramdam. He was now standing besides me, mas lalo siyang tumangkad sa pag kakaalala ko. His body grow huge from what I remember, kita ko rin ang tattoo sa buong leeg niya.
Walang hangin na pumasok sa baga ko dahil sa presensya niya. Halos malagutan naman ako ng hininga ng tumingin sa sa direksyon ko. Diretso siyang nakatingin sa akin ni walang halong kahit anong emosyon sa mga mata niya, blako akong titingnan ni Alexus, blako akong tinitingnan ng...asawa ko.
"Who..." He mumbled habang nakatitig sa akin.
Pigil ang paghinga ko sa mga salitang lalabas bibig niya. Nanghihina ang tuhod ko, hindi ako makapaniwala na andito sa harap ko ang asawa ko. Asawa na akala ko ay pitong taong patay na, para ako ng binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaba.
"Who the fuck are you?!" Iritableng tanong niya kasabay ng pag angat niya sa kilay ko, "Putangina, kailan ka pa nag papasok ng silbayan dito?! Bobo ka ba?!" Galit na bulyaw niya kay Rodriguez.
Kahit na kinakabahan ay nangunot ang mga mata ko sa kung paano siya magsalita. This is not how he speaks, he was soft spoken and hindi siya nagmumura pero...bakit hindi niya ako kilala?
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...