CHAPTER 64

22K 351 20
                                        

Jen's POV

"Kamusta na kaya sila Sczekinah?" Tanong ko habang hinahawi ang mga talahib na nadadaanan namin.

It's been weeks since mag hiwa hiwalay kami. Wala naman kaming naging problema dito, sinundan lang din naman namin ang tinuro nina Sczekinah kung paano kami makakaligtas dito.

Kapag alam na naming lulubog na ang araw ay nag hahanap na kami ng puno o lugar kung saan kami pwede makapag tago. That routine works smoothly for us, so I hope that they are also fine down there.

"Iniisip ko rin, sana buhay pa sila..." Sabi naman ni Ate Maya.

"Tanga, buhay pa yun panigurado. Si Sczekinah pa, e kahit pa nga ata balyena ay kaya nun kalabanin lalo na kasama niya pa sila general." Natatawang sagot ni Gel sa kanya.

Natawa naman ako dahil doon, tama naman siya. Wala kaming dapat ipag alala kay Sczekinah, kasama niya ang papa niya pati na rin ang grupo niya. Hamak namang mas malakas sila kaysa sa amin, at kayang kaya nilang harapin ang lahat.

"Curious ako, kung ano ang nakita nila sa baba. Katulad kaya yun ng mga napapanood ko? Yung tipong paliit ng paliit yung tunnel habang palayo ng palayo?" Nag tatakang tanong ko.

"Kung ganon man yun, panigurado ay babalik yun sila dito sa taas. Malay mo makasalubong natin ulit sila dito, kasi lumusot sila sa panibagong drainage." Sagot naman sa akin ng girlfriend ko tska ako inakbayan.

Napalingin ako sa direksyon ni Yohan, tahimik lang siyang nag lalakad na para bang napaka lalim ng iniiisip.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig.

"Hoy! Okay ka lang ba daw tanong ng baby labs ko." Ulit ni Gel sa sinabi ko kasabay ng mahinang pag tulak sa kanya.

Sandali lang siyang lumingon sa amin at muling ibinalik ang tingin sa dinadaanan namin. Hinayaan nalang namin siya at baka bad mood lang.

Simula kasi nawala si Sczekinah, ay nabawasan ang kulit niya. Well hindi ko naman siya masisisi, halata naman na gusto niya yun at for sure na saktan siya na nawala ito.

"Iniisip mo si Sczekinah, no?" Pag tanong naman sa kanya ni Ate Maya, pero hindi pa rin ito kumibo.

We just shrugged our shoulders tska nag patuloy lang sa paglalakad. Mataas pa ang sikat ng araw kaya sa palagay ko ay tanghali palang din. Ang liwanag ng langit, pero sana umulan.

Gusto ko na ulit makaramdam ng tubig sa katawan ko. Dahil nga ibinigay namin ang mga supply namin kanila Sczekinah ay nawalan kami ng tubig pero sandali lang yun dahil may nakita kaming supply nun sa isang tent na nakita namin sa daan.

Nung una ay nag taka pa kami kasi ang daming supply doon na mukhang bago pa, sa tingin ko ay talagang para sa amin yun e at binigay ng kalawan sa amin.

Maliban sa tubig ay may mga canned goods din doon at mga ready to eat na pagkain, so we're so lucky dahil hanggang ngayon ay may supply kami kahit na ilang linggo na ang nakalipas.

Tumagal pa ang paglalakad namin hanggang sa unti unti ng bumaba ang araw. If my calculations we're right, ay nasa bandang hapon na. Unti lang ang nararamdaman naming pagod ngayon dahil sanay na rin kami sa ganitong lakaran. Sa loob ng apat na taon, ay karamihan ng galaw namin ay inaasa namin sa mga paa namin.

"Wait lang...naiihi ako." Sabi ko ng nakaramdam ng pag kaihi.

Napalingon naman sa akin si Gel dahil sa sinabi ko, "Tara, samahan kita." Seryosong sabi niya.

Agad naman na umiling ako dahil kaya ko naman, "Mabilis lang ako, wait niyo na lang ako dito." Sabi ko tska nag paalam, tumango naman siya kaya nag hanap na ako ng lugar kung saan ako pwede maka ihi.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon