T A I R I S H
M A M A R I EHabang naglalakad ako sa hallway ay rinig na rinig ko ang usapan ng mga nadadaanan ko.
"Surfer ka parin ba? Ako surfer parin."
"Oo naman. Loyal ako kay Tyler baby ko, pero si Kelly Agent na s'ya. Sabi n'ya pa naman loyal s'ya kay Mikael."
"Aw.., sabagay ang gwapo rin kaya ng mga 'yun."
"I know, lalo na 'yung vocalist nila. But i'm still a surfer no matter what."
Agent? Surfer? Ano ba 'yun?
Nung nakaraang araw ko pa 'yan naririnig. Kung tatanungin n'yo naman kung anong nangyari nung pumunta sila Rafaella sa'min kasama sila Tyler, okay naman. Nagusap-usap lang sila tungkol sa tutugtugin nila ngayong nutrition day.
Medyo excited na ako para mamaya dahil isa si Riye sa tutugtog. Hindi ko kasi akalain na ganun ka-talented ang babae na'yon. Buti nalang din at walang klase ngayon, medyo makakapahinga din sa mga academics.
Habang naglalakad ako ay may humarang sa aking babae at nakasuot ng itim na damit na may naka-print na "Clark's"
"Hi!! Ikaw si Tairish?"
Tanong n'ya kaya tumango-tango ako.
"I'm the president of Surfexcuse fans club and---"
Hindi n'ya natuloy ang sasabihin n'ya nang may bumanga naman sa kanya na babae rin.
Medyo nakakatakot ang itsura n'ya dahil ang tapang ng mukha n'ya. Kung si Ate na nakaitim ay may Clark's na nakaprint sa damit, s'ya naman nakapula at may "Axelsoned" na nakalagay sa damit n'ya.
"Hello, I'm Kelly, president of Divergent fans club--" hindi n'ya rin natuloy ang sasabihin n'ya nang hinila s'ya paharap ni ateng nakaitim.
"Bastos ka ba? Can't you see? I'm talking to her!" Ateng naka-itim.
"Sorry, i didn't notice you." Ateng naka-pula.
Inirapan naman s'ya ni ateng naka-itim at muling humarap sa'kin at ngumiti.
"Ikaw 'yung hinarana ni Kurt dati tama? So, i'm hoping that you'll be one of us. By the way, i'm Claire." Sabi n'ya na hindi ko maintindihan.
One of us? Saan naman? Anong bang sinasabi nila?
Gulong gulo na ako.
"No, sa'min s'ya. She's Ryoken's bestfriend." Sabi naman ni ateng naka-pula.
"She's Kurt's girl." Ateng naka-itim.
"She's Ryoken's Bestfriend." Ateng naka-pula.
Nagtitigan sila gamit ang matataray na tingin at kulang na lang lumipad na 'yung kilay nila dahil sa taas.
Mas maganda rin sana kung pinapaintindi nila sa'kin ang nangyayari bago nila pag-awayan. Wala kasi akong maintindihan bukod sa pangalan ni Ryoken at Kurt.
"Ahm, excuse me muna? Kasi may aatupagin pa ako sa room namin. Kayo ba? Hindi ba nutrition day ngayon?" Parehas silang tumingin sa'kin nang tanungin ko 'yon.
"Please sign this form." Sabi nung Claire.
Tinignan ko naman 'yung nakasulat sa card na inabot n'ya sa'kin.
Surfer's Info Card.
Name:
yr/section:
Bias:
contact number:
Rule: once you signed the contract your loyalty will be on Surexcuse only.
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...