T A I R I S H
M A M A R I E"Kurt, kanina ang daming tao bakit ngayon tayo nalang?" Tanong ko dito sa katabi ko na kanina ko pa kausap.
Bigla kasing nawala ang mga tao. As in lahat. Si Ella at Riye pati narin ang mga kabanda n'ya.
Actually, kanina pa kami nag-uusap ng mga walang kwenta na bagay. Tapos puro pagtatalo at asaran.
"Oy! Sumagot ka!"
Nakatitig lang s'ya sa'kin at hindi parin ako kinikibo.
"B-bakit ba ganyan ka makatingin!"
Aish, parang mas gusto ko na ulit na maraming tao kesa kaming dalawa lang. Minsan kasi iba ang takbo ng utak nito.
"Tch."
Bigla s'yang nag-iwas ng tingin.
Kita mo na, napaka-bipolar talaga.
"Akala ko busted ako kanina."
"Bakit naman?"
Hindi ko mapigilang mautal, ang awkward kasi ng topic.
"Kinabahan ako kanina! Tch... Tapos ang tagal mo pa sumagot!"
Aba't-- napaka demanding na manliligaw naman nito!
Saan naman kayo nakakita ng ganyan. Napairap nalang ako ng 360 degrees dahil sa sinabi n'ya.
"Ang demanding mo talaga ano? Busted kana ngayon palang" sabi ko at nag walk-out.
Panira talaga ng momentum 'yang Kurt na'yan.
Patuloy ako sa paglalakad nang biglang may umakbay sa'kin.
"Sorry ka nalang, you already accept my courtship. At para sabihin ko sayo, hindi ako tumatanggap ng pagka-busted. "
"Ah, ganon.." Inalis ko ang akbay n'ya sa'kin at hinarap s'ya.
"Tutal.. sabi mo hindi ka natanggap ng pagka-busted, ito nalang tanggapin mo." Tumingkayad ako at inilapit ko ang mukha ko sa kanya kaya naman medyo napaatras s'ya at halatang nagulat.
"U-uy.."
Tumatawa na ako sa isip ngayon dahil sa pula ng mukha n'ya.
"Sabi mo hindi ka natanggap ng pagka-busted kaya ito nalang."
Inilapit ko pa lalo ang mukha ko na nagpaputla sa kanya.
Pero teka..
Napalunok ako nang mapagmasdan kong maigi ang mukha n'ya.
Ang gwapo.
"Kiss lang ako ang tagal pa."
Aha! Akala mo lang 'yon!
"Tanggapin mo ha.."
Gusto kong matawa sa itsura ni Kurt ngayon dahil halos hindi ko na mabilang kung ilang lunok na ang nagawa n'ya. Nang sobrang lapit na ng mukha ko sa kanya ay hinanda ko narin ang kamao ko.
"Ugh!" daing n'ya nang sikmuraan ko s'ya.
"P-para saan 'yon!?" Nahihirapan na tanong n'ya sa'kin habang nakahawak sa tyan n'ya.
Malakas kaya ako sumuntok.
"Hahaha! Mabuti nga sa'yo!"
Dinilaan ko pa s'ya bago ako tumakbo.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Fiksi RemajaKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...