R Y O K E N
Mababaliw na yata ako dito sa rooftop.
Ang daming tumatakbo sa isip ko.
Paano kung nagtapat pala si Kurt?
Tapos, sinagot s'ya ni Tairish?
Tapos, pagbalik n'ya dito.. wala na talaga akong pag-asa?
"Ryo."
"Oy!!" Napasigaw ako sa pagsulpot ni Tairish.
Nakakahiya!
"B-bakit?" Nagtaka s'ya sa pagsigaw ko.
"W-wala.. nagulat lang ako." Sagot ko naman.
Hindi s'ya nagsalita at umupo nalang ulit sa tabi ko.
"Kumusta pala?"
Lumingon s'ya sa'kin at sumimangot lang sa tanong ko.
"Tell me."
Nagulat ako nang bigla s'yang tumayo at biglang nagwala sa inis.
"Nakakainis! 'yung Kurt na'yon! Ang yabang n'ya talaga!" Sabi n'ya na mukhang asar na asar.
"Ano ba kasi nangyari?" Tanong ko.
Bumuntong hininga lang s'ya at umupo ulit.
"Sabi n'ya liligawan n'ya ako sa ayaw at sa gusto ko." Agad na nag-init ang dugo ko dahil sa sinabi n'ya.
Anong akala nya kay Tairish? Walang karapatan mag desisyon?
"Gusto mo kausapin ko?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang s'ya.
"Hindi na, Ryo." Sagot n'ya at tumungin nalang sa kawalan.
Just by looking at her, alam kong it bothers her big time. At ayon ang nakakakaba. Knowing Tairish, hindi s'ya nabo-bother sa isang bagay na hindi s'ya interested.
I sighed.
Bakit pakiramdam ko wala na talaga akong pag-asa sa kanya.
°°°°°
T A I R I S H
M A M A R I EEwan ko pero hindi ko na talaga napigilan ang pag-iyak ko.
Naiiyak ako sa inis, sa asar, at naguguluhan din ako. Hindi ko din alam kong paano ko sisimulang sabihin kay Ryoken 'to.
Napansin n'yang naluluha na ako kaya hinarap n'ya ako sa kanya.
"Bakit? May ginawa ba s'ya sayo?" Tanong n'ya habang hawak 'yung magkabilang braso ko.
"Wala.."
Mukhang hindi s'ya naniwala sa sagot ko.
"Tairish."
Tinignan ko muna si Ryoken at huminga ng malalim.
"Ryo.."
Nagdadalawang isip talaga ako kung sasabihin ko sa kanya.
"Bakit?"
"Gusto ko na yata ang mayabang na 'yon.."
Unti-unting bumagsak ang mga kamay n'ya mula sa braso ko. Nakikita kong nasasaktan s'ya at ako ang dahilan kung bakit.
"Si Kurt ba?" Tanong n'ya pero isa lang ang nasagot ko sa kanya.
"Sorry."
Naiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...