Chapter 51: Our Counterplay Love

115 11 18
                                    

K U R T

Nandito na kami sa beach resort kung saan kami ni Mamarie tutuloy ng buong sembreak. Pansamantala ko s'yang nilayo sa kanilang lahat.

Alam kong ang selfish but i want her for myself atleast for now.

Tinitigan ko muna ang natutulog n'yang mukha dito sa tabi ko.

Parang ayoko muna tuloy s'ya gisingin at gusto ko nalang na hintayin s'ya magising bago kami bumaba dito sa kotse.

"I love you.."

Hindi ko naman intensyon na mabulong ang mga salitang 'yon pero basta nalang s'ya lumabas mula sa bibig ko.

Mahal na mahal kita, Tairish Mamarie.

Napangiti naman ako ng unti-unting nagmulat ang mata n'ya at agad na tumingin-tingin sa paligid.

"Good Morning, Microphone." Sabi ko na hindi mapigilan ang ngiti.

"Kanina pa ba tayo nandito?"

Hindi ko sinagot ang tanong n'ya at ngumiti nalang.

"Tara na, naghihintay na 'yung caretaker ng rest house namin."

Nauna na akong bumaba at tinignan ang paligid. Narinig ko rin ang pagbagsak ng pinto ng kotse ko na sa tingin ko gawa ng pagbaba ni Mamarie.

It's been years simula nung pumunta ako dito.

Matagal tagal narin pala.

Pagkarating namin sa tutuluyan namin nakaayos na ang lahat.

Sinabihan ko narin kasi 'yung caretaker na dito kami tutuloy for one week.

"Wala pala tayong pagkain dito kaya kailangan muna natin pumuntang grocery store." Sabi ko kay Mamarie habang nilalapag ang mga bag namin dito sa kwarto.

"Saan ang kwarto ko?" Tanong n'ya sa'kin.

"Dito."

"Ikaw?"

Napangisi naman ako dahil sa sunod na tanong n'ya.

"Syempre dito rin." Sagot ko.

Agad n'ya akong binato ng unan at wala naman akong nagawa kung hindi ang tumawa nalang.

"B-bakit ka ngumingisi d'yan!"

"Bakit masama?" Sabi ko na nagpipigil ng tawa.

"D-doon nalang ako sa sofa."

"Tch.. Sinadya ko talagang isa lang kwarto natin. Wala naman akong gagawin sa'yo."

Lumapit ako at itinapat ang mukha ko sa mukha n'ya.

"Gagawin lang kitang unan." Sabi ko na nataas baba pa ang kilay.

"Tch." Mahina n'yang itinulak ang mukha ko palayo.

"Bumili na tayo at nagugutom ako." Tairish.

°°°°°

T A I R I S H
M A M A R I E

Tinignan ko ang listahan na ginawa namin ni Kurt kanina kung kumpleto na ang mga nailagay ko sa cart. Siya ang pinakuha ko ng mga kailangan sa bahay at ako naman sa mga pagkain.

"So.. kailangan pa pala ng can goods.."

Lumapit ako sa section kung saan pa ang mga kulang ko at kumuha doon nang biglang may humawak sa balikat ko na nagpalingon sa'kin.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon