T A I R I S H
M A M A R I EOne week matapos nang Event, balik na sa lahat. I mean, papasok tapos minsan may practice sa Rhythm Club.
Pero matapos nung Event. Nung mismong gabing bigla nawala si Kurt doon sa party, parang may mali na sa kanya. Lalo na nung gabing 'yon. Napaka-daming nagpagulo sa isip ko dahil sa ikinilos n'ya.
°°°°°
[f l a s h b a c k]
"Tyler, Nakita mo ba si Kurt?" Tanong ko kay Tyler na katabi ni Ella.
"Wow, Tairish miss mo na agad?" Asar sa'kin ni Ella.
"Hahaha, tigilan mo ako!"
Kanina ko pa kasi s'ya hinahanap pero wala talaga s'ya dito.
Saan na ba 'yun at bigla nalang nawala.
"Nakita ko kanina kasama ni Clark lumabas sila." Tyler.
Napatango-tango nalang ako. Hindi manlang nagsabi 'yon. Sabagay, okay lang naman mukha rin kasing may problema sila ni Clark sa isa't-isa.
Saglit akong lumabas para tignan kung nanduon sila pero wala. Napatingin naman ako sa sulok nang may makilala akong pamilyar na lalaki.
Si Axelson.
Mukhang naramdaman n'ya ang presensya ko kaya ibinaling n'ya ang tingin n'ya sa'kin. Saglit n'ya akong tinitigan at halos mapaatras ako nang mabilis s'yang lumapit sa'kin.
"Tairish Mamarie Cruz."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa lalim ng titig na ibinigay nya. Para syang sinapian ni Clark. Hindi ko alam kung may problema ba sila sa'kin.
"Boyfriend mo si Kurt, tama?" Tanong n'ya.
Tumango naman ako at mas ipinagtaka ko ang pag-ngisi n'ya. Hindi pa ako nakakapagsalita nang lagpasan na n'ya ako at pumasok ulit sa loob.
Ano bang problema ng mga taong 'to?
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad kong kinuha 'yon at halos mapanganga ako nang makita ang twenty four miscalls galing kay Kurt. Bigla ulit 'yon nag-vibrate at si Kurt parin 'yung tumatawag.
"Hello--"
"Damn, bakit hindi ka sumasagot!?"
Nagulat ako sa pagsigaw n'ya sa kabilang linya.
"Maingay kasi sa---"
"Nasaan ka?" Putol n'ya ulit sa'kin.
Kahit naguguluhan ako sa kanya, sumagot nalang ako.
"S-sa party parin--"
"Wag kang aalis d'yan." Kurt.
Hindi pa ako nakakasagot nang ibaba na nya 'yung tawag.
Anong nangyari sa kanya?
Bakit ganun ang boses n'ya at parang tarantang-taranta s'ya.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...