T A I R I S H
M A M A R I EHanggang ngayon iniisip ko parin 'yung nakita ko kahapon kasama si Ryoken.
Si Kurt.
Nakakulong 'yung kaklase namin na babae sa magkabilang braso n'ya.
Bakit kasi kailangan ko pa maabutan 'yon.
Naalala ko tuloy 'yung una naming pagtatalo.
Ganun na ganun kasi 'yung scenario.
"In Newtonian physics, free fall is any motion of a body where gravity is the only force acting upon it."
I sighed.
Halo-halo ang nasa isip ko ngayon.
May gusto ba s'ya kay Gwen?
Bakit bigla na lang sila naging close?
"An object in the technical sense of free fall may not necessarily be falling down in the usual sense of the term, right Ms.Cruz?"
Tch, nakakainis.
"Ms.cruz, are you listening?"
Ang problema talaga ngayon, dumating na si Mama at gusto n'yang makausap si Kurt dahil sinabi lahat ni Kuya Sean kay mama.
Paano ko s'ya ihaharap kay Mama kung ako mismo hindi s'ya maharap?
"Ms.Cruz!"
Napapitlag ako nang marinig ko ang sigaw ni Mrs.Ruiz, teacher namin sa physics.
Agad akong tumayo at napayuko nang makita na halos nagtatawanan lahat ng kaklase ko dahil sa pagkalutang ko.
"A-ah-- Ma'am, ano po ulit?" kabado kong tanong.
"So, you are not listening?"
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Mrs. Ruiz.
Ginala n'ya ang mata n'ya sa room at halos hindi ako nakagalaw nang tawagin n'ya si---
"Mr.Javier, can you tell to Ms.Cruz what free fall means."
Halos ma-out of balance ako dahil sa pagkabigla.
Bakit sa dinami-dami ng tatawagin ni Ma'am, 'yung taong dahilan pa kung bakit ako lutang!
Napako lang ang mata ko sa board at hindi ako tumitingin sa direksyon ni Kurt.
"Free fall is any motion of a body where gravity is the only force acting upon it."
Naalala n'ya?
Ibig sabihin nakikinig nga s'ya at hindi s'ya kagaya ko na lulutang-lutang.
Ako lang yata ang apektado sa aming dalawa.
"You may seat now Mr.Javier.. can you repeat it, Ms.Cruz."
Napa-angat ang tingin ko kay Mrs.Ruiz nang marinig ko ang sinabi n'ya.
Wala akong maalala sa sinabi ni Kurt!
Ano ba kasing nangyayari sa'kin.
"F-free fall is.."
Tumaas ang isang kilay ni Ma'am nang hindi ko na maituloy ang sasabihin ko. Wala naman akong ginawa kung hindi ang yumuko nalang.
Sana lumubog nalang ako sa lupa ngayon din.
"Stay outside, Ms.Cruz." mahinahon na sabi ni Mrs.Ruiz kaya mabilis akong lumabas ng room habang nakayuko.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...