CHAPTER 4

262 10 0
                                    

Shine's POV

Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko , tulog mantika kasi ako e. Tumayo na ako at naligo, tutal anong oras palang naman e .. sabi din ni jane gisingin ko daw sya.

Tumingin ako sa orasan at 6:00 am na. Masyado pang maaga. Magpapatagal ako sa cr. 8:00 naman ang pasok e.

.
.
.
.
After 30 years este 25 minutes

Kinuha ko na yung uniform ko. Ang ganda nga e, checkerd sya tapos long sleeve na light blue. Yung palda din.

Pinatuyo ko muna yung buhok ko gamit ang blower. Tapos sinuklay ko... gisingin ko na nga si jane.. bruhilda kasi di marunong gumising sa sariling alarm clock. Pero pagexcited una pang tumilaok sa manok.

Tumayo ako galing sa kinauupuan ko. Pumunta ako sa kwarto nya at kumatok ako. Ang tagal din nya buksan infairness.

*knock *knock

"Pasok bestie!"

Oh. Gising na pala e. Akala ko pa naman tulog pa.
Pagkabukas ko ng pinto.
Literal akong napanganga.

Ang ganda nya. fit sa kanya yung uniform nya. Ang sexy nya. . .
straight yung buhok nya. Matching with her short palda.

"Oh? Bestie? Bakit? Ganda ko ba?"

Tanong nya. Bigla naman ako bumalik sa normal...

"Grabe jane! Nakka tomboy ka! Ang ganda mo oo na!"

Totoo naman e. Kung lalaki lang ako. Matagal ko ng niligawan to. Sino bang lalaki ang hindi ma iinlove dito? Pero ah. Ah. Ah. Dadaan muna sakin ang manliligaw dito. I will never let my bestfriend hurt by other person.

"E? Anong tawag mo sa sarili mo? Pangit. E mas sexy ka nga saakin e. Tignan mo, kahit hindi fit yang uniform mo maganda ka padin. Sayang nga lang may sal-- ALAM KO NA! tutal maaga pa, halika dali!"

Hinatak nya ako papuntang kwarto ko, kinuha nya yung bag ko then sinakay nya ako sa kotse
dalawa man yung susi kaya sya yung nag drive.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.. wala naman akong idea e.

"Yang salamin mo papa-palitan natin!" Nag smile sya, yung bang may binabalak then nag tanong ulit ako

"Huh? E wala pa ngang 1 week e."

Sayang naman din sa pera no. magastos talaga to.

"Basta ako bahala sa gastos, gusto ko maging maganda ka. Di bagay sayo naka salamin. alam ko din na may naaalala ka kapag naka salamin ka, gagawin nating Eye Contac Lence yang salamin mo!"

Wow. Nga nga nalang ako. Tutal maaga pa naman. Pinapili nya ako ng kulay. namili ako ng maigi kasi may mga kulay na hindi babagay sakin-- although sabi ni lahat naman daw bumabagay sakin dahil maputi ako pero di ko lang feel.

Naagaw ang pansin ko ng kulay blue, dark blue sya at siguro naman di ganon kahalata? Yun ang pinili ko at nag hintay kami ng ilang oras bago namin makuha

Dumiretso na kami sa school after namin pumunta don. Sobrang laki pala ng school na 'to.. halatang private na private kasi complete sa lahat.
Balita ko eh may open field din dito, malaking canteen, library, etc.

Pumunta na agad kami sa bulletin board. Doon kasi nakalagay yung pangalan ng students and kung saan sila naka room.

habang papunta kami doon, nag tataka ako kasi may mga taong nag kukumpulan i mean mga studyanteng babae, nag titilian, sigawan..

'Ang gwapo nyaaa!!!"

"Akin ka nalang prince!!"

"Omaygoddd!!"

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon