CHAPTER 41

78 6 0
                                    

Sky's POV

"Pre. Bakit ba ayaw mo syang pansinin?" Tanong nya saakin.

"Ayokong masaktan sya. Galit ako sakanya."

"Bakit ka ba nagagalit sa kanya!? At di mo naman sya masasaktan e!"

"Alam mo kung bakit!? Mag dodonate na ako! Kaya kahit di ko sya makita masasaktan sya! Gusto ko sumaya sya kahit wala ako!"

" pre naman. Pinapahirapan mo ang sarili mo!"

"Ayus lang mahirapan ako. Pero ang makita ko sya na bulag.. doble doble yung sakit."

*************

Shine's POV

Pabalik na ako galing cr. Medyo natagalan kasi nag ayus pa ako. Nakita kong walang tao sa table namin.

Di parin tapos ang pag lalagay ng chlorine kaya di pa pwede maligo si jane.

hinanap ko lang sya ng hinanap. Paikot ikot ako sa swimming pool. May natatamaan na nga ako e. Medyo madami ng tao kaya mahirap mag hanap

Habang nag lalakad ako may tumulak saakin sa pool.
sobrang white ng pool dahil isang sako ng chlorine ang natapon.

Di ko nakita yung nagtulak saakin. Nung nasa ilalim na ako ng tubig naidilat ko ang mata ko.

Pumasok sa mata ko ang maraming chlorine. Hindi ako marunong lumangoy at 9 feet to.

Sumakit ang mata ko. Hanggang sa dilim nalang ang nakikita ko at nawalan na ako ng malay. .

kuya .. mama. Jane.. sky. Lorene mark rain.. kung ano man ang mangyari saakin mahal na mahal ko kayong lahat.

*****

Sky's POV

Matapos namin makapg usap ni retlaw. Nag lakad lakad lang ako.
Nakita ko si shine na palakad lakad at may natatamaan na tao.

Binaliwala ko lang sya. Oo galit ako sa kanya. Kasi bakit di nya saakin sinabi? Bakit nila nilihim saalin yung tungkol sa sakit nya?

Na mabubulag sya anytime. Walang araw na hindi ako umiyak.

Nalalaman ko to nung may pinainom si jane kay shine na gamot.

Nakita ko yung lalagyan at tama nga ako. Gamot sa mata yun. yung nasa garden kami. Di lang nila alam na kasama ako at umalis ako doon.

bakit ako umiiyak? kasi mahal ko na sya e. Hindi ako sanay na walang tumatawag saaling coton candy boy. hindi ako sanay na wala akong tinatawag na butiki.

Hindi ako sanay na walang inaasar. hindi ako sanay ng walang kaaway na ang pangalan ay shine maddie villa fuente.

Nahulog na ako. Nasasaktan ako, kapag naalala kong hindi sya makakakita kaya kailangan ko tong gawin.

Biglang may nag kagulo. Medyo kinutuban ako pero di ako pwede mag kamali dahil kanina lang nakita ko si shine.

'Sya ba yan?'

'Grabee'

'Huy tulungan nyo!'

Natakot na ako kaya pumunta ako doon. Halos mapaupo ako ng makita ko na si shine nga.

Tumalon ako sa swimming pool. Wala akong paki kung puro chlorine to.

Pumikit nalang ako. Ayoko mabulag. Mag dodonate na pa ako.

Hinatak ko sya pataas. Hiniga ko sya sa gilid ng pool. marunong ako mag bigay ng first aid lalo na kapag nalunod.

nag pump ako ng 15 times. Ayaw parin nya magising. Jusko, walang arte arte kailangan ko to gawin.

nag mouth to mouth kami. Ginawa ko yun para mag kahangin ang baga nya.

dumating si jane. Iyak sya ng iyak kala ko ba kasama nya si mark. Asan na?

naka 3 times kong inulit yun. At umubo sya ng umubo. May lumabas ding tubig sa bibig nya.

"Ayos ka lang?"
Tanong ni jane. Tumayo ako at di pa ako nakakalayo....

"Jane! Wala akong makita.."
hindi pwede! Hindi pwede!!!! Agad akong bumalik habang sya iyak parin ng iyak.

Sa sobrang pagiyak nya.. nawalan nanaman sya ng malay. Anong nangyari? Binuhat ko sya at dinala sa sasakyan ko kasama si jane.

Dinala namin sya sa ospital. Dinala agad sya sa emergency room. Umalis na ako doon. Ayoko malaman ang resulta.

Umuwi ako saamin. Kailangan ko na umalis.

"Mama aalis na po muna ako"

"Sige anak. Mag ingat ka ha?"

Inampake ko na ang lahat ng gamit ko. mahal ko si shine kaya gagawin ko to para sa kanya.

Ayus lang ako ang hindi maka kita.. basta maging masaya lang sya, masaya na din ako.

Gagawin ko to.. para sayo.. shine..



A/n: ano kayang i dodomate ni sky kay shine. Grabehan na to... sino kaya ang nag tulak kay shine.. abangers..

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon