CHAPTER 42

75 4 0
                                    

Jane's POV


Hinihintay ko nalang ang resulta. Sobra akong natatakot ngayon dahil wala ng makita si shine.

Andito din si kuya tyrone at si tita. Si mark, umuwi sya dahil may emergency about sa papa nya.

Lumabas ang doktor.
"Dok kamusta sya!!?" Sabi ni luya tyrone. Halatang alalang alala sya sa kapatid nya.

"Sorry .. kasi comatose sya ngayon. May naputol sa ugat sa brain nya. Nauntog sya sa ilalim ng pool. At wala na syang makita. Kailangan na natin syang operahan. It's now or never"

"Jusko. Doc. May donor na po ba?"

"Oo meron na. sya parin. Ayaw nyang ipasabi kung sino sya. Pero malapit daw sya sainyo"

"Sige po doc. Pag uusapan po namin yan" sabi ni tita.

sumilip ako sa bintana ng pinto ni shine. Ang daming kung anong naka tusok sa braso nya. May dextrose..

Hindi ko maiwasan na marinig ang sagutan ni tita at ni kuya tyrone.

"Anak. Alam mong ayaw ni shine diba!?" Sigaw ni tita.

"Pero ma hindi sa lahat ng oras sya ang masusunod, ma sayang yung donor. Ma this is our chace para maka kita pa si shine. It's now or never kaya kahit anong mangyari.. mag papaopera Sya. Sa ayaw at sa gusto nya."

Umalis na si kuya tyrone at si tita. Ako muna ang mag babantay sa kanya tutal sabado pa naman.

Pumasok ako sa loob. Naawa ako sa bestfriend ko.

"Huy bestie! Gumising ka na dyan oh. Mag lalaro pa tayo e! Mag ma-mall pa tayo tapos bibili pa tayo ng mcfloat."

Para akong t@nga na nag sasalita mag isa. Pero alam kong naririnig nya ako

"Alam mo bestie. Napaka swerte ko at ikaw ang bestfriend ko. Isang bitter na babae. Isang maingay na babae. Yung mabait at di ka iiwan. Yung bestfriend kong nakikita yung kagandahan ko. Pano nalang shine kung mabulag ka... shine hindi ko kaya!"

Iyak lang ako ng iyak. Wala naman akong magawa e. humanda talaga saakin lung sino man ang nag tulak sa kanya.

Sisiguraduhin kong hindi sya makakauwi sa bahay nya ng buhay.

Gusto ko din malaman kung sino yung donor. Napaka bait naman nya. Hulog sya ng langit.


Biglang kumulo yung tyan ko. Nagugutom na ako. Lumabasuna ako sa ospital at nag hanap ng makakainan. Medyo malayo ang mga bilihan dito kaya mukhang mapapatagal ako.


***********

Rain's POV

Nakita kong umalis si jane sa ospital. Agad akong pumunta sa kwarto ni shine.

Gusto ko mag sorry sa lahat ng ginawa ko sa kanya..

binuksan ko agad ang pinto ng kwarto nya. Nakita ko syang walng malay at maraming naka tusok sa kamay nya.

"Kambal... sorry ha? Sana pinatawad na kita para hindi ka nag ka ganito"

umiyak ako sa harap nya. Ang sama sama kong kapatid. Sorry shine.

Naupo ako saglit sa sofa sa room ni shine... muntik na akong malaglag dahil biglang nagsalita si shine. Gising na sya. ..

Kailangan kong mag pakita sa kanya . Wala akong pake sa reaction nya. Kailangn kong maka hingi ng sorry.

Lumapit agad ako s kama nya at hinawakan ko agad yung kamay nya. umiiyak nanaman ako.

"Jane ikaw ba yan? Paki bukas nga ang ilaw. Anh dilim e"

nagtataka ako sa mga sinasabi nya. naka bukas na nga ang bintana at ilaw.. anong sinasabi nya?

Hindi ko maintindihan "jane.. wala akong makita.. kuya .. mama.."

Lalo akong naiyak. Kaya pala may iniinom syang gamot. Dahil sa mata nya. Hindi ako nag salita. Ang higpit ng hawak nya sa kamay ko.

Alam ko na. Bulag sya, dahil sa pumasok yung chlorine sa mga mata nya lalong nag palala yun.

:Sorry kambal ko. Sorry babawi ako sayo promise.' Sabi ko sa isip ko. Dahil ayokong malaman nya na ako yung andito.

Bumitaw ako sa pag kakahawak ko sa kanya. Kahit sobrang higpit ng hawak nya ayus lang.

Basta kailangan ko ng maka alis. babawi ako sayo. Itaga mo yan sa puso't isipan mo.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon