CHAPTER 44

77 4 0
                                    

Tyrone's POV

"She's on stable now. Success ang operation na ginawa namin. But wag tayong magpakasigurado. She's comatose for now. pero malaki ang pag asang magising sya, malakas ang kapatid mo kaya kinaya nya ang operasyon"

Tila ba nabunutan ako ng tinik sa mga narinig ko. Isang malaking tinik na naka tusok sa puso ko habang hinihintay ang resulta.

"Eh, paano po yung donor? Kamusta po sya?" Hindi ko maiwasan na tanungin. Bakit kasi ayaw pa nyang sabihin kung sino sya, gusto ko syang pasLamatan sa personal.

"Okey na din naman sya. naka alis na sya kaninang 8:30 pm. Amindo ako na mas malakas ang donor kesa sa kaptid mo dahil nagawa nyang ma survive yun. Mas delikado kasi ang lagay ng mga donor kesa sa nangangailangan. Bilib din ako sa kanya."

Gustong gusto ko sya makilala.
feeling ko talaga malapit sya saamin. Bakit ganun? Mag ka mach pa sila ng mata. salamat talaga sa kanya

"pumunta ka nalang sa office kapag may mga tanong ka pa. Except kung sino ang donor. Ayaw nyang ipasabi kung sino sya, nangako din kasi kami na walang makaka alam kaya hindi namin sabihin. Sige, marami pa kaming gagawin excuse me"

tumango nalang ako. Sino nga ba kasi talaga sya? Ayokong mag hinala na si sky yun, kaso kinukutuban ako.

Una, umalis sya ng walang paalam. Walang nakaka alam kung saan sya nag punta. Sunod sabi ng doctor malapit sya saamin.

Hinabol ko ang doctor. Kinausap ko sya sa office nya. Pwede na akong mag kasakit sa puso nung nalaman ko kung sino yung donor.

Parang nadurog yung puso ko. sabi ng doctor wag na wag kong sabihin kung sino sya.

Kundi baka madamay ang ospital. Patuloy kong iniisip na bakit sya pa?

Bumalik ako sa room ni shine. May benda ang mukha nya.. mula noo hanggang ilong lang. Sana magising na sya para makakita na din agad sya.

may kumatok sa labas. Binuksan ko agad yung pinto. Si mama pala, nung nakita nya si shine. Agad syang naiyak.

Hindi nga nya alam kung ano ang magiging reaction nya. Kung matutuwa o malulungkot
Ganun din sila mark at jane.

Ako ang nag babantay ngayon kay shine. Si mama kailangan nya asikasuhin ang bussiness namin dahil hindi pa tapos ang bayaran namin dito sa ospital.

1.5 million ang bill namin dahil mga professional ang mga doctor na nirequest ni mama. Nakakatuwa dahil talagang bati na sila.

Nabayaran na namin ang kalahati 500,000 nalang ang utang namin. Sure naman agad ako na mababayaran na namin agad yun after 1 week.

Malakas naman ang kita ng mga malls namin, at magaling mag patakbo ng bussiness si mom.

Wala pa akong tulog ngayon. 2;30 am na pero hindi ako makatulog. Hinhintay kong magising si shine.

May kumatok sa pinto. Ganitong oras may dadalaw pa saamin? Tumayo agad ako para buksan yung pinto.

Muntik na akong matumba nung makita ko si sophia.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman sa pinapaalis ko sya or ayoko sya andito. Gabi na kasi at galing pa syang U.S

"Bakit ayaw mo ba akong andito?"

"Hindi naman sa ganon. Gabi na kasi at pagod ka"

"dinalhan kita ng pagkain. Kumain ka ha? Ako nag luto nyan. Gusto ko din nakita yung kapatid mo. Kamusta sya?"

Pumasok kami sa loob na umupo sya sa sofa. Halata mong nag aalala din sya.

"Ayus na sya. Comatose nga lang. Pero sabi ng doctor malaki ang pag asang magising sya"

"Sana magising na sya. Gusto ko sya makilala e"

Nakakatuwa dahil nag effort pa syang pumunta dito. Pinag luto nya pa ako ng makakain.

"Sophia, salamat at sinamahan mo ako ngayon. Salamat din sa pagkain. ang sarap, di ko alam marunong ka pala mag luto"
Sabi ko sa kanya. Adobo kasi ang niluto nya. Anak mayaman sya at marami silang maids kaya di mo iisipin na marunong syang magluto.

"Tinuro saakin ng kuya ko yan. Nung nabubuhay pa sya. Sayang nga e, hindi mo sya makikilala"
Parang nalungkot sya sa sinabi nya. kahit ako naawa e, naiisip ko pano kaya kung ako yung nasa kalagayan nya? Makakaya ko kaya?

"Alam mo sophia, for sure proud sayo ang kuya mo." Ngumiti sya at alam kong totoong ngiti yun.

"Oo alam ko yun. Matagal na din yun kaya kailangan ng kalimutan, kasi alam mo kapag hindi mo pinakawalan ang sarili mo sa lungkot, mahihirapan ka. Life is short, walang pinipiling oras at araw ang kamatayan. Pwedeng ngayon, mamaya, bukas o nextweek. Kaya ako, sinusulit ko na ang bawat segundong masaya ako."

Tama sya, life is short so that's we need to be happy. Deserve natin yun. Hindi mo kailangan magkulong sa lungkot.

Hanga ako sa kanya dahil kahit babae sya, nagawa nyang maging masaya. Nagawa nyang maging matatag.

"Dito ka na matulog. Gabi na, may extrang kama dun oh. Dun ka na sa sofa nalang ako"
Special room ang kinuha namin. May isang sobrang kama para sa mag babantay , may sala at kichen dito. Parang condo lang pero iba parin.

Nung una nahihiya pa sya pero pinilit ko sya. Tatlong babae na ang mahalaga saakin. Si mama,si shine at si sophia.

nagmamahal na ba ako? Ngayon ko lang naramdaman to. Sa dinami daming napaglaruang babae. Ngayon ko lang naramdaman at kay sophia pa.

Ang amo ng mukha nya na parang angel pero kapag masama ka sa kanya. Nagiging dinasour sya.

Hayyst. kupido.. kung sino sino ang pinapana mo, natamaan tuloy ako. Sana panain mo din ang puso nya. Hindi lang ako .

Nag pahinga na ako. Aasikasuhin ko pa yung school ko, gagawa ako ng excuse para mabantayan ko si shine. malapit na din yung semi final ng exam namin.

Pag di ako naka pasa tuition fee nanaman. Sayang din ang pera, maraming nagugutom.

Lumapit ako sa kama kung nasaan si sophia. Umupo ako sa tabi nito habang naka tingin sa kanya.

Hinalikan ko ang noo nya. "Good night, sweet dreams. Sana mahalin mo din ako pero di ko na hinahangad yun."

Tumayo ako at lumapit sa kama ni shine. tumayo akp sa gilid nito at hinalikan ang noo. Kahit naka benda ang mukha nya, kita ko parin ang napaka ganda nyang mukha.

"Good night bunso. Sana gumising ka na. Mahal na mahal ka ni kuya"

Bumalik na ako sa sofa. Sobra kong pinapahalagahan ang mga tao sa paligid ko. Wala akong paki kung nakakaumay na sa sobrang ka sweetan ko.

Ganon lang talaga ako mag mahal. Wala akong paki kung masktan ako basta wag lang silang masaktan. Makita ko lang silang masaya masaya na din ako.

thankful ako kay god dahil sila shine ang naging pamilya ko. Di man kami kompleto, masaya naman kami.

Family is the best tresure you have. It's just like 'time is gold' mas papahalagahan mo ang pamilya mo. Sa oras na kasama mo sila, andyan lang sila. Handang sandalan mo.

Bestfriends... mawawala din yan. Mag kaka sariling pamilya. Pero ang pamilya mo. Hanggang sa huling hininga nila, nakagabay parin sayo, minamahal ka parin. At hinding hindi ka iiwan at pababayaan.

Yan ang napatunayan ko sa sarili ko. Masaya ako ngayong araw.. kaso nalulungkot sa donor. Sorry and thank you. Tunay mo syang mahal.

A/n: sana may natutunan kayo about sa family. Sorry sa wrong grammars. relate po ako sa sinabi ni tyrone. Broken family po. Hehehe.
Comment lang po kayo, wag lang bad comments.

Pwede manghusga pero wag yung sobra ^_^ salamat. Malapit na din matapos. Pinag iisipan ko pa kung may book 2 e. Gusto nyo pa ba ng book 2? Comment nga please. Salamat sa inyo..

Sino kaya si donor?

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon