Sky's POV
Jusko saan ba ako hahanap ng kamias ng ganitong oras?? Si shine naman kasi e -___- abnormal na buntis.
Inis-start ko na yung sasakyan ko sabay huminga ng malalim."Bahala na----- oo nga no!" Bigla kong napasabi .. tama! Sa bahay nila mama naalala ko may tanim syang kamias doon..
Whoaa! Di na ako mahihirapan. Akala ko magiging brgy. Tanod ang peg ko e. Paikot ikot sa buong lugar makahanap lang ng kamias.
Pumunta na ako sa bahay nila mama at pinagbuksan ako ng gate ng guard.
"Sir? Ang aga nyo po ah. Madaling araw palang po." Sabi manong.
"E yung asawa ko po kasi. Nagpapahanap ng kamias."
Mukang nagulat si manong."Ano!? Ganito kaaga?"
"Oho. Pasalamat nga po sya mahal na mahal ko sya kundi nako"
"Buti nalang iho may tanim ang mama mo. Kaso medyo mataas ang puno at walang panungkit" parang nanhina ako sa sinabi ni manong. Baka maging brgy. Tanod slash monkey na ko neto. Ang gwapo ko kaya.
Ano yun aakyatin ko yung puno? Hindi nga ako naging mukang brgy. Tanod. Nagmuka naman akong unggoy. Shine naman kaiyak ka. Huhuhu.
Nag pasalamat na ako kay manong at pumasok na sa loob dumiretso ako sa likod kung saan yung garden at nakita ko ang puno ng kamias.
"Para sayo gagawin ko" bulong ko sa hangin na para kay shine.
Sinimulan ko ang pag akyat ... nakarami din ako ng kuha kaya ayus na din yun.
Nakauwi na ako lahat lahat pero umiiyak parin si shine.
"O baby.. ito na dont cry na." Sabi ko. Niyakap naman nya ako agad.
"Sorry.." sabi nya. Napangiti naman ako. At hinimas himas ang ulo nya. At hinalikan sya sa noo.
"No.. its ok. Mahal kita kaya gagawin ko ang laha--"
"Sorry kung masyado kitang napahirapan. Sorry.. baka nag sasawa ka na sakin.. baka nakahanap ka ng nas sexy sakin kasi ako ang taba taba ko na!" Sabi nya. Napaluhod naman ako para mapantayan sya. Medyo natatawa pa ko sa sinabi nya. Oo mataba na sya pero ang cute nya kaya..
Muka syang butanding pfft. Hahaha
"No.. hindi ako mag hahanap ng iba at never akong mapapagod sayo.. nag mahal ako hindi para may maipagmalaki na may maganda akong kasama. Nag mahal ako kasi mahal kita. Kahit muka ka ng butanding ok lang-- aray hahaha" sabi ko at bitukan nya ako.
"Pero baka ikaw hindi ka naman masaya.."
"Alam mo .. simula nung nalaman ko na may baby sa tyan mo. Mas sumaya ako. Mas natuwa ako kasi dalawa na kayo. Feeling ko kumpleto na ang buhay ko Its because of you... and him." Sabi ko. Habang naka tingin diretso sa mga mata nya.
"Him? Babae yan!" Sabi nya.
Ito nanaman kami..."Oo nga sabi ko babae sya." Sabi ko. Ayoko muna makipag away. Inaantok na ko at nag kasugat ako.. Nalaglag kasi ako sa puno nung unang akyat ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa katangahan ko o maiiyak sa sobrang sakit.
Kinuha nya yung plastic na napaglagyan at sinimulan kumain. Nangangasim ako sa ginagawa nya.
Tumayo sya at pumuntang kusina.. pag balik nya nay dala syang mayonnaise.
"Teka. Anong gagawin mo dyan?" Tanong ko.
"Isasawsaw"
"What!? Kamias isasawsaw sa mayonnaise!?" Tumango tango sya at inumpisahan na nya. Yuckk. Eww.
Kadiriii.Ang weird talaga ng asawa ko.. Hayst -.-
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
General FictionShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...