Sky's POV
Kakalabas lang ni shine ng cr. As ussuall naka simangot tapos ayaw akong pansinin.
ano bang problema ng mga babae ha? Bakit ba kasi ang bilis uminit ng ulo nila?
"baby pansinin mo naman ako"
kanina pa kami palakad lakad, ang bilis nga nya nag lakad e tapos hahawakan ko sya sa kamay nya sabay aalisin nya.
Lakas ng sapak nito.
"Uy baby.. ano bang nagawa ko?"
Huminto sya saglit.. tinignan nya ako sa mata sabay pinaikot nya yung mata nya. Nang iirap pa talaga.
Naka rating na kami sa library. Binigay nanamin yung i.d namin. Kailangan kasi ng I.d para maka pasok ka sa loob.
Onti lang yung tao dito. Mas maraming nerds.. eww.
Mukha a akong maamong GWAPONG aso ngayon na nakasunod sa isang ANGEL na naka simangot at kumukuha ng libro sabay binibigay saakin."Huy! Ang bigat na"
Sabi ko ng pasigaw na pabulong. Nu daw? Basta. Pano ba naman kasi 8 na libro na to tapos makakapal pa.
"Wag kang maarte!"
Nakoo! Onti nalang talaga! Mapupuno na ako! Kanina pa ako naiinis e. Pero kaya mo yan sky! Mag pigil ka! wag mo na syang sabayan.
Pumunta na kami sa table. square yung shapre nung table, e konti lang yung tao kaya solo namin to.
Nag bukas na sya ng isang libro. ako din syempre, mag babasa na din ako.
Nakikita ko na nag hahanap sya sa table of contents. binalibag nya yung isang libro.. binuksan nya ulit yung isa ganun din ginawa nya sa lahat.
Nung last na nakita ko na hinagis nanaman nya sa table yung hawak nyang libro.
Ganon ba talaga ang mga babae? Walang tyaga kapag meron? ang init ng ulo..
kinuha ko yung libro na malapit saakin.. tinignan ko yung table of contents.
"Oh, eto oh.. tsk"
Inirapan nanaman nya ako. Ako na nga yung nag hanap e, ako pa yung napasama.
sinulat naman nya yung mga nakita nya doon. Pinag patuloy ko lang yung pag babasa ko.
Nakita ko nanaman si shine na inaalog yung ballpen nya dahil walang tinta.. pinopokpok pa nya sa lamesa ..
Kinuha ko yun at binigay ko sakanya yung ballpen ko. Naka simangot nanaman sya tapos inirapan nya ako.
Ano ba talagang problema nito? Grabe naman...
*******
Nakauwi na si shine. Hinatid ko sya sa bahay nila ng hindi manlang kami nakakapag usap. Pano kanina pa mainit ulo nya saakin.
andito ako ngayon sa bahay nila mark. Andito din si tyrone,retlaw at syempre si mark. Bahay nya to e.
"Oh pre bakit mo ba kami pinatawag?" tanong ni retlaw.
"E kasi mga pre. Kailangan ko ng advice"
"Advice!? hahaha! Kala ko ba expert ka sa mga babae tapos advice?"
Sabi ni mark.
Loko loko talaga to."Leche ka!"
"e anong advice ba?" Tanobg ni tyrone.
"E yung kapatid mo kasi e. Ang init ng ulo. Meron kasi sya ngayon.. ano ba dapat kong gawin? Ako lagi yung pinag bubuntungan nya ng galit e"
"Ganito kasi yan... si shine, di yan marunong mag pigil ng galit. Kapag tinago nya yung inis nya, di yan nakakatulog at di yan comportable.. kaya ayun.. kung sino yung makita nya dun nya binubuhos yung galit nya"
"Ako naman pre.. advice ko lang sayo, kapag galit yung mga babae.. wag mong sabayan.. intindihin mo.. lambing lang yan.. " sabi ni mark. Pano laging may kasamang babae nung wala pa sa buhay nya si jane..
"Ako naman, advice ko lang.. tutal parehas kayong expert ni shine sa music.. kantahan mo lang.. haranahin mo.."
Sabi naman ni retlaw.. sabagay tama naman silang lahat.
"E kasi.. alam nyo namang wala akong pasensya e!"
"Yun na nga pre e.. kapag mahal mo yung tao, lahat gagawin mo.. basta yung ikakagaan ng loob nya"
Sabi ni mark. Lahat na nga ng pasensya ko sinagad ko na.
hayy.. hirap siguro maging babae?"Basta pre ganito. Kapag hinampas ka ng kapatid ko, yakapin mo. Kapag nasabihan ka nya ng di maganda .. sabihan mo ng i love you.. promise gagana yun"
hmm. Pwede rin. Buti nalang may mga kaibigan akong maasahan.
"Sige mga pre! Kahit pala mga ugok kayo may maitutulong pala kayo.. sige na aalis na ko. May report pa ko bukas"
"Teka ! Mag rereport ka?"
Gulat na sabi ni mark. Anong problema e mag rereport naman talaga ako."oo"
"WOW PARE! Sumisipag ang gago oh! aabangan ko bukas yan. Nako. For the first time!"
"May inspiration kaya ganyan e" singit ni retlaw tapos nag tawanan sila.
Umalis na ako doon. grabe tong araw na to.Umuwi na ako saamin. Mag rereport pa ako tungkol sa mga planets and asteroids e.
Pagdating ko sa bahay namin sinalubong ako ni mom.
"good evening mom""Good evening din anak.. o bakit? May problema?"
"E ksi mom. Bakit kapag meron kayong mga babae , ang iinit ng ulo"
"Ganito kasi yan.. iba iba ang mga babae kapag may menstration, yung iba.. kayang kontrolin yung sarili at yung uba hindi"
"So, si shine hindi marunong mag kontrol sa sarili nya"
"Mukhang ganon na nga.. pero anak, wag mo syang sasabayan.. baka mag away pa kayo ng girlfriend mo"
"Ma! Di ko pa po girlfriend yun"
"Hahaha. Joke lang pero nak, bagay kayo. Ayieee"
"Hindi po kayo tutol?"
"Ako? Hindi ah! Gustong gusto ko sya para sayo anak.."
talaga? Gusto ni mom sakin si shine.. yess whoaaaa!
"Nak, gusto ko sanang makausap si cyndee at si jane. Papuntahin mo sila dito"
"Po? Ah.. s-sige bukas ma"
"Osya sige na.. mag pahinga ka na.. mag ipon ka ng mahabang pasensya"
"Ma!"
"Haha joke lang, sige na "
thankful ako kasi andyan palagi si mom para saakin. Para sabihan ako, at paalalahanan.
Kahit na wala na si dad. Si mom ang nag bibigay ng pagmamahal na kailangan ko.
Sobra akong nagulat nung sinabi ni mom na kakausapin nya si jane at cyndee.
Hayysstt! Maka tulog na nga
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
General FictionShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...