CHAPTER 61

108 2 0
                                    

Shine's POV

"bestie, sana maging ok na sya no?" Sabi sakin ni jane. Andito kami ngayon sa kwarto nya.

Maya maya din papasok na kami sa school. nag tataka nga ako dahil hindi sya sinundo ni mark ngayon.

War kaya sila? Yun ang hirap kapag may boyfriend e.

"oo nga e. Basta magiging ok din sya"
Sabi ko naman kinuha na nya yung gamit nya.

"Teka, ang aga pa ah. Aalis ka na? Sabay ka na sakin"

"Hindi na. May gagawin pa ko sa school e. Sige na bye"

"Sige. Ingat"

Lumabas na ako sa kwarto nya. Pumunta ako sa sala. naupo muna ako doon, na i-stress na talaga ako kakaisip kay rain. Sana talaga ayus na sya.

Gising naman na sya kaso di pa sya pwede lumabas. May naka benda pa sa ulo nya kaya hindi parin sya makakakita

Biglang tumunog yung cellphone ko. Tumatawag pala si sky.
Sinagot ko naman yun.

"Hello?"

[Labas ka na baby girl]

"K. Fine"

Tumayo ako at kinuha ko yung bag ko. Kinuha ko din yung susi para sa bahay . Duplicate key to yung isa na kay jane.

Lumabas na ako at nakita ko si sky naka sandal sa sports car nya na blue. Tapos naka pamulsa at naka yuko.

binuksan ko na yung gate tumunog yun kaya napatingin si sky. Yung pagtingin nya sakin biglang nag slow motion.

Ano yun? Bakit ang bagal? Sya lang yung nakikita ko? Aba nung mga naka raang araw may ground sa kamay nya ...

Tapos ngayon slow motion. Love na ba talaga tong nararamdaman ko? Ang alam ko kasi paghanga.

Sabi nga nila crush is paghanga, minsan nawawala madalas lumalala.

Nako. Baka lumala na nga!

"Huy! Butuki!"

"Ay butiki!"

"Ano ka ba? Kanina pa kita tinatawag e. Nag papantasya ka nanaman sa gwapo kong mukha"

"Ha? Hi-hindi ah! Kasi ano.. ewan tara na nga!"

Binuksan na nya yung pinto at pumasok na ako sa loob. Ang bango ng loob ng sasakyan nya. Amoy sky.

Siguro may pabango syang ginagamit dito. Bumukas na yung pinto sa driver seat at pumasok na sya.

"Kumain ka na ba?"

Tanong nya saakin.

"Oo eh ikaw?"

"Oo naman."

_*_*_*_*_*_*_*_*_*_

"Good morning class"

Sabi ni sir zeron. Yung MAPEH teacher namin.

"Good morning din sir"

Sabi naming lahat. Acctually, sya yung pinaka favorite ko sa lahat. Kasi puro sports sya e. mahilig kasi ako dun

"Okey class, lalabas tayo pupunta tayo dun sa garden nitong school natin..."

"May activity nanaman po ba sir?" Sabi ni gap classmate ko.

"Yes. ang gagawin natin ay running. Tutal pantay naman ang bilang ng babae sa lalaki kaya.. boys Vs. Girls.. mukhang excited na ang lahat ah.. osige. You only have 10 minutes para i handa ang dapat i handa sumunod nalang kayo sa garden ok? See you"

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon