CHAPTER 35

78 5 0
                                    

Shine's POV

Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko. Andito na ako sa bahay namin nila jane. nagkausap na din kami at sabi nya susuportahan din nya ako sa desisyon ko.

Naligo agad ako. Gusto kong humingi ng tawad sa mga classmates ko. Hindi ko alam kung anong dapat na una kong gawin.

si kuya tyrone, lumipat sya ng school. Kaya ayun, hindi kami mag ka school mate.

"Bestie, tara na?" Yaya sakin ni jane. halata mo sa mata nya na sobrang lungkot nya.

°°°°°

Naka rating agad kami sa school. Mabilis ang lakad namin. Maaga pa naman pero gusto ko talagang makahingi ng tawad.

Habang nag lalakad ako sa hallway, nag bubulungan yung mga estudyante.

"Nice one shine. May tinatago ka palang kalandian!" Sabi saalin nung lalaking mukang rapist.

Anong pinag sasabi nito? Nilagpasan lang namim sya. Nasa harap na kami ng pintuan ngayon. Wala daw si ma'am dahil may sakit.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto. Maingay sila pero pag pasok ko sa loob..

Bigla silang tumahimik at nakita ko si sky doon. Nagtama ang mata namin kaso bakit parang galit sya?

pumunta ako sa upuan ko. Nilapag ko yung bag ko.
Sabay nag lakad ako sa aile papunta sa harapan.

Gumitna ako at huminga ng malalim. Nag bubulungan sila.
Parang mga bubuyog.

"Guyss. First of all. I want to say sorry. Because.. wala ako sa muse and escort show. Gu--"

Di ko natuloy yung sasabihin ko nung biglang tumayo si angelo yung baklang nag nominate saamin.

"anong wala ka dyan?! E ikaw nga tong nag patalo e!! at malandi ka din pala! Sana si hanna nalang yung ni-nominate namin. Maganda na mabait pa at higit sa lahat hindi MALANDI!!"

bigla nalang akong hinatak ni sky at sumunod si jane at lorene. naiiyak ako, ano bang sinasabi nilang andun ako?

"Ano bang sinasabi nila? Wala nga ako doon e!"

Sabi ko habang hinihimas ni jane yung likod ko.

"Oo nga. Ano ba yun?"

"Guyyss.. kasii.. ahm tignan mo tong video na to"

May pinakita saamin si lorene na video. Nakita ko ang buong storya..

Sky's POV

**FLASH BACK**

"Nasan naba si shine? Mag uumpisa na at si jane? President pa naman sya" sigaw saamin ng vp namin (vice president)

15 minutes nalang mag uumpisa na e.

"Oh. Andyan ka na pala" nagtaka ako bakit bigla biglang sumusulpot tong si shine.

At bakit sya naka pink dress? Akala ko ba blue?

"Shine. Bakit pink suot mo? At hindi blue?"

"Ahh.. lecheng hanna kasi yun e! Sinira yung damit ko!"

Sabi nya. May iba talaga kay shine ngayon. Di naman sya ganyan mag salita.

Di ko na pinansin yun. Since number 3 kami out of 10 students 5 lang ang makakapasok.

Napag usapan na din naman namin ang kakantahin. Yun e yung all of me.

"Okey ladies and gentlemen. We start today with a prayer. Who wants to lead?"

Sabi nung emcee. Nasa back stage lang kami.

Nakapag perform na sila number 1 and 2 so kami na susunod.
excited ako dahil muna ko nanamang maririnig ang napaka ganda nyang boses.

"Thank you contestant number 2. And next number 3 from section room - A "

Nagpalakpakan na sa labas. Ibang iba si shine ngayon. Parang ang tamlay nya.

Nag umpisa na ang tugtog. Nung una ang ayos ng kanta namin. Kaso nung nag chorus na pumiyok piyok sya. Anong nangyayari sa kanya?

Ang gagaling nung mga kalaban tapos ganito sya? Hindi lang saakin magagalit ang buong room-a pati sa kanya.

Natapos ang lahat sa loob ng 2 oras at ngayon ay i-aanounce na ang makakapasok sa top 5

"Okey. Are you excited? Okey.. our fifth runner up is.... room- 8 congratulation. And our fourth runner up is room- 4 congrats. Our third runner up is room -7
Congrats again. And our second runner up is... room- 2 and last but not the least... our champion is..."

Habang sinasabi nya yun. Nakawak saakin si shine, ano bang nangyayari sa babaeng to? Ayaw nya nga akong kausapin rapos hinahawakan nya ako.

"Room number ..3 congrats.. "

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi manlang kami naka pasok sa top 5!

"Okey lang yan sky. Eto nalang ang prize mo" kinabahan ako sa sinabi nyang yun.

Bigla nalang nya ako hinalikan sa labi. Hindi si shine to. Alam ko kung ano ang labi nya, tinulak ko agad sya.

May isang tao ang pumasok sa isip ko ngayon.

Si rain.....

a/n; yung picture po si sky po yun. Black nga lang yung hair..

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon