Sky's POV
biglang kumulog ng napaka lakas. Biglang napa yakap saakin si shine. Takot ba to sa kulog ? Naramdaman ko nalang na nababasa na yung damit ko kasabay ng paghikbi nya.
Umiiyak nga.. naramdaman ko yung ulan na unti unting bumabagsak..
Napa bitaw sya saakin sabay tumalikod ulit. May topak tobg babaeng to. Matapos akong iyakan magagalit ulit.
Kukuha ako ng payong sa kubo na tinatawag naming resthouse. Ginawa gawa lang namin to.
Pag bukas ko. Walang kahit na isang payong. Nakoo! Nakaka stress nababasa na si shine e.
Lumabas ako ulit at ngayon nakita ko syang nakatayo at hindi gumagalaw. Wala naman ng kulog at kidlat pero patuloy parin ang pag ulan.
Pinuntahan ko sya sa lugar kung nasaan sya. Hinawakan ko yung kamay nya at hinatak ko sya... kaso lumalaban sya, ayaw nya umalis sa pwesto nya.
"Gusto mo ba mag kasakit? tara na!"
Sabi ko ng pasigaw dahil maingay ang ulan.
Kahit anong hatak ko lumalaban sya"Ayoko ! Baka mamaya rapin mo ko!"
"Wow ha! Tara na! Di kita rarapin... halik lang"
Biniro ko sya. Ang amazona nito, hinampas nya ako sa braso ko.
Ah ganon..Binuhat ko sya na parang isang sako. Pinag hahampas nya lang yung likod ko.
"Ibaba mo ako!!!"
Sigaw sya. Habang patuloy parin sa pag hampas sa likod ko
"Ibaba mo ko! Yari ka sakin!"
"Bakit? Rarapin mo din ako shine? Aba ahh" biro ko sa kanya .. mukha na kaming basang sisiw ngayon.
Binuksan ko agad yung resthouse. Ayoko sa baba, baka mahawa pa kami ng mga patient doon.
Binaba ko sya sa may sofa. Walang kama dito e, pang pahingahan lang talaga.
Isang buong sala lang to at may tv, yun lang ang ginawa namin e.
Basang basa na ako, pero mas basa si shine. Ang arte kasi e!
Hinubad ko yung t-shirt ko."Ahh!! Virgin eyes!!!" Sigaw nya. Anong problema nito? Ang ganda ganda ng katawan ko e.
"Wag ka nga maingay!"
"Mag bihis ka nga! Alam mong may babae dito e!"
"Ano? Gusto mo akong magkasakit?"
"*cough *cough AHH!"
Pagubo nya. Bigla nalang kumulog kasabay ng kidlat. Lumapit agad ako sa kanya. Umiiyak sya at nakayakap sa sarili nya.
Babae sya kaya hindi sya pwede mag hubas.. common sense.
Baka mamaya lagnatin to. Ako pa may kasalanan.Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. Pinatong nya yung ulo nya sa dibdib ko.
"*sob natatakot ako sky *sniff"
"Shuush.. andito lang ako. Di kita iiwan. "
Patuloy parin ang kidlat at malalakas na kulog. Niyakap ko sya ng sobrang higpit dahil baka magkasakit sya.
Unti unting humina ang ulan at hanggang sa tumila na. Nakayakap parin sakin si shine.
Hokage? Tss. kinakalabit ko sya kaso hindi umiimik.Inupo ko sya. nakita ko yung mukha nya na mukhang angel. Nakatulog na sya.
Bumaba ako ng ospital at kumuha ng towel para saamin. Binigyan naman ako nung nurse
Bumalik ako sa rooftop. Tulog parin si shine. Kinuha ko yung towel na kinuha ko sa baba.
"Hayy shine..." yan nalang ang nasabi ko. Binalot ko yung towel sa katawan nya.
Naglagay na din ako ng towel. Naka upo ako sa gilid ng sofa dahil baka malaglag tong si shine. Walang sasalo sa kanya kaya ako nalang.
"Sky?" Sabi ni shine. Napalingon agad ako. "Ayus ka na ba? Malamig ba?" Tanong ko.
"Oo ayos lang ako.. pwede na ba tayong umuwi? Ayoko na dito baka kumulog at kumidlat nanaman" sabi nya.
Tumayo naman ako agad. Dun nalang kami lalabas sa fire exit para di kami makita nung mga nurses dunInalalayan ko sya sa pag tayo "ang init mo ah" pagsabi ko nun na out of balance sya kaya sinalo ko sya
nagkatitigan kami. Siguro 5 seconds, bakit may slow motion? totoo pala yun.
"Kaya mo ba?" Tinulungan ko syang tumayo. Hindi pa naman kami nakakalayo, nag co-cross yung paa nya kaya ako... todo alalay naman.
"Kaya mo ba talaga?"
"Oo kaya ko." Ang taas ng lagnat nito. Dadalhin ko muna to sa bahay.
"Dun tayo bababa sa hagdan. Hindi tayo pwede sa loob baka mahawa ka"
Sabi ko. Naalala ko, nagihilo pala tong babae na to. No choice.
Umupo ako sa harap nya."Anong ginagawa mo?"
"Sakay"
"Ha?"
"Sakay na dali. Hindi mo kayang bumaba kaya ipapasan nalang kita"
Wala naman syang magawa kaya ayun, sumakay sya sa likod ko. Yung ulo nya naka patong sa right shoulder ko.
kumakain ba talaga to? ang gaan e. O baka naman sanay na ako.. sa kanya lang naman ako natuto mag pasan e.
Nakarating kami sa parking lot. Kilala naman ako lahat dito kaya tinulungan ako ng guard. .
Dahil tuyo na kami. Baka magkasakit sya. Ako nalang sakit wag lang sya.
binaba ko sya sa passenger seat at hiniga. Tulog nanaman?
"Ang hirap manligaw sayo!" Realtalk lang ah. Di pa kasi ako nanliligaw e.Ang lalim ng tulog nya kaya pumunta na ako sa driver seat. ilalagay ko palang sana yung susi sa ilalim ng manibela para istart biglang nag salita si shine.
"Sky... please mag ingat ka.... please wag mo ko iwan" nakapikit nyang sabi.
"Oo shine. Mag iingat ako para sayo. Di kita iiwan"
Tatanungin ko nalang jane kung bakit takot sya sa kulog at kidlat. Basta shine, pangako aalagaan kita, po-protectahan kita at di iiwan.
Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito sayo. May ginamit ka bang gayuma?
Nakita ko sa rear mirror na umupo sya. "Mahiga ka muna, nahihilo ka pa diba?" Sabi ko sa kanya.
"Ok lang ako."
"Tsk. Gusto mo ba dito sa tabi ko ..." tumango sya, tinabi ko yung sasakyan para maka punta sya sa harap.
binuksan ko yung pinto at inalalayan ko sya. Sobrang init nya.
"Sure ka ok ka lang?" Sabi ko. Nakaupo na sya ngayon sa harap. kinuha ko yung bimpo sa maliit na drawer sa harap. Pang reserba ko talaga yun incase.
Binasa ko yun at piniga. Nilagay ko sa ulo nya "hawakan mo, baka malaglag. Iuuwi muna kita sa bahay namin."
Sabi ko "salamat sky"
Sabi nya na parang nanghihina pa. Nag paulan pa kasi e."Basta ikaw" sabay kindat. Tumawa naman sya ng mahina.
Pinikit nya ang mata nya, bumalik ako sa driver seat. Kailangan ko syang alagaan yari ako kay tyrone......
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
Aktuelle LiteraturShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...