Cyne's POV
Nagulat ako nung biglang may pumasok sa pinto namin. Bigla akong niyakap ni baby jasper.
"Annyeong uncle! Manaso banggawoyo! (Hello tito! Its nice to meet you again!) "
"Hello jasjas. Ops! Your ate shine is in her room you dont need to ask ok?" Alam ko naman ang itatanong ng batang ito e. Every time na pupunta sya dito ang itatanong nya 'where's auntie shine? I want to see her. I really miss her!'
Ang gwapo nga ng batang to e. Kamukang kamuka ng ama nya.
Nag kwentuhan lang kami ni tyrone at mark. As usuall nanghihingi ng advice.
"Nako pre. Ngayon ko lang nakita na ganyan yan e" sabi ni tyrone.
"Baka naman may nararamdam lang talaga tapos sinasabayan mo pa" sabi naman ni mark.
"Ang babae kasi abnormal talaga yan. Minsan may sapak minsan wala. Kaya nga ang lalaki mas ginawang matalino para umintindi sa mga babae." Sabi ulit ni mark.
"Naks! Mark! Saan naman galing yang mga sinasabi mo ngayon ha?" Tanong ni tyrone.
"E...... sermon sakin ni taba-jane yun e"
aba loko talaga tong lalaking to. Tawagin ba naman yung asawa nya na mataba. Ang lakas pamandin ng pagkakasabi. Biglang may kumakalabog sa hagdan na parang tumatakbo. Tumayo ako at tinignan yun.. nakita ko si shine na pababa at hingal na hingal. Napatingin pa sya saakin sabay biglang hinimatay... buti nalang at natakbo ko sya kundi bagsak sya sa semento."Shine!" Sigaw namin lahat kasama si taba-jane ay-- jane lang pala.
"Kuya ano nangyari?" Tanong ni jane sakin.
"Ewan ko pero... tumawag ka na ng ambulansya" mahinahon kong sagot dahil kung pati ako matataranta e patay na. Lahat ng tao dito na tataranta na e.
Dumating agad yung ambulansya at sinakay si shine sa may kama na may gulong. Nako. Ito nanaman tayo sa mga doctor.
"Bilisan nyo kuya!" Sigaw ng buntis dito.
Naisakay agad si shine sa loob."Ako na sasama.. sino pa?" Tanong ko. Nagtaas naman si mark ng kamay. Pasakay na sana si mark kaso hinatak ni jane yung kwelyo nya kaya muntik na sya malaglag. Buti nalang napahawak sya kay tyrone.
"Di ka pwede sumama! Di pa tayo tapos!" Sabi ni jane!
"Saan babe? Sa kama-- aray!" Loko talaga to. Nabatukan tuloy.
"Tanga hindi! Yung sinabi mo kaninang mataba ako! Leche kang hinayupak ka!"
"Tama na nga yan! Ikaw na ang sumama tyrone!" Sabi ko. Sumakay naman agad sya.
Binilisan nung driver ang pag papatakbo kasama ang maingay na serena.
"Ok lang ba sya?" Tanong ko sa babaeng nurse sa loob."Muka ba syang ok?" Ang sungit naman nito. Araw ba ng babae ngayon at halos lahat. Ang susungit -_______-
"Sabi sayo e.. abno. Talaga mga babae" bulong ni tyrone na nasa tabi ko.
"Ano? May sinasabi kayo?"
"Ah. Wala. Sabi ko asikasuhin mo na yung asawa ko"
Nilagyan nya ng oxygen si shine para makahinga.Maya maya nasa ospital na kami. Ayos na ang lahat. Na check up na din sya. Nasa private room na din sya.
Naka upo nalang ako dito. Si tyrone bumalik na dahil baka hinahanap na sya ni baby jasper.Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ni shine habang hawak ko yung kamay nya. Naalala ko dati. Yung natamaan ko sya ng bola sa ulo at nasa clinic kami.
Napangiti nalang ako mag isa."Ano nginingiti ngiti mo dyan?" Sabi ni ..
"Shine! Gising ka na.."
Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko sabay halik sa noo nya."Bakit ka ba nahimatay? Nakita mo lang yung gwapo kong muka nahimtay ka na..." sa di ko inaasahang pag kakataon. Nasampal ako ni shine.
"Ouch! What was that for?" Napa english tuloy ako.
"Kapal ah.." sabi nya. Hinawakan naman nya agad yung pisngi ko sabay hinatak yung kwelyo ko at hinalikan nya yung pisngi ko na sinampal nya.
"O ayan.. di na masakit?" Sabi nya. Kita mo nga naman, kanina mainit ulo sabay ang sweet.. hayyy babae talaga. Nag pipigil ako ng kilig dahil nakakabakla yun pero alangya! Pag si shine ang gumawa nito talagang maiihi ka sa pantalon mo kaya napa ngiti nalang ako hanggang langit.
"Ahm. Excuse me mr. And mrs. May i talk to you sir?" Sabi ni doc. Tumango naman ako at tumayo ng diretso.
"You dont have to worry sir sky.. cause everything is normal"
"Ano-pano pong normal?" Tanong ko.
"Buntis po ang asawa nyo. Congrats."
"Sus. Buntis lang pala e--- teka.. ano? Buntis? As in yung may baby sa tyan? Buntis? Talaga? WHOAAAAA!! Magiging daddy na ako! Shine! Buntis ka! whoaaaa-- aray!" Sabi ko ng malakas. Kaso nga lang si shine hinagisan ako ng unan.
"Wala na yung doctor dahil sa kaingayan mo!" Sabi nya sabay naiiyak sya.
"Akala ko nahimatay ka dahil gwapo ako.. buntis ka na pala!" Sabi ko.
"Oo.. gawa mo to e!" Sabi nya.
"Natin baby... natin.." sabi ko.. naiiyak si shine dahil siguro hindi din sya maka paniwala na may fetus na sa tyan nya.
Ang sarap ng feeling... na malalaman mong magiging isang tatay ka na.
Hayaan mo shine.. gagawa ako ng isang basket ball team-- ay sorry. Ayoko maging masipag.. Magiging sundalo nalang ako. Maraming bala pero pag tumira sapul 😝
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
General FictionShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...