CHAPTER 17

129 6 0
                                    

Shine's POV

hindi ko maiwasan na maiyak. Tumawag saakin si kuya kanina pagkabalik ko sa kwarto galing rooftop

[Shine, pasensya na kay mama ah? stressed lang kasi.. balita ko babalik ka dito sa bahay?]

Sabi saakin ni kuya. Buti pa si kuya, naiintindihan ako. Pero sarili kong nanay? Hindi e..

"Ok lang kuya. Oo, nag aalala nga ako e. Una sa lahat, iiwan ko si jane, pamgalawa baka awayin nanaman ako ni mama"

Naiiyak na ako. Hindi ko matangap na ganyan si mama.

[Ako bahala, hindi ka na aawayin na mama ha? Ingat ka dyan! Nga pala, kela ang uwi nyo?]

"Bukas na kuya, tapos na din kami dito. Sige na kuya matutulog na ako, salamat. Take care, goodnight"

Inend ko na yung call. Naramdaman ko nalag yung tubig sa mukha ko. Umiiyak nanaman ako.

Lumabas ako at pinilit kong maka lalad. Pumunta ako sa 7/11 kumuha ako ng hard na alak.
Gusto ko uminom, since birth hindi ko to ginawa. Kaso masakit isipin na sarili mong nanaya hindi ibinibigay sayo yung pagmamahal at pag unawa na kailangan mo.

Bumalik ako sa kwarto namin. binuksan ko agad yung alak, nag babakasakali akong baka mawala Kahit sandali lang yung sakit na nararamdaman ko.

Dirediretso kong ininom yun, nakaramdaman ako ng pagkahilo. Nahirapan akong maglakad dahil namamaga parin yung paa ko.

Naka punta ako sa toilet at doon sumuka ako. Nahihilo ako, ang sakit ng ulo ko.

"Shine? May dala akong soup--- SHINE!?? saglit tatawagin ko lang sila!"

Sigaw ni lorene. Pipigilan ko sana sya kaso nasusuka parin ako.

Bigla nalang dumating si sky. Ang dami dami nyang tanong, natatawa nga ako e. Yung isang tulad nya, nag aalala saakin.

Naalala ko nanaman yung kanina. Naiyak nanaman ako, naiinis ako sa sarili ko. Sana hindi nalang ako pinanganak.

Narinig kong bumulong si sky

'Pinanganak ka para saakin at hindi para sa iba',

" ha!? Anong sinasabi mo!?"
"Wala, tumayo ka nga dyan! Halika dun tayo sa kama. Bilis, ang bagal!"

tumayo na ako kaso bigla nanaman akong nahilo.. nasapo ako ni sky, ang kaso...

We're kissed again!? Nakakarami na to ah! alam kong nawawala ako sa sarili ko.

"Hoy ikaw! Sky! Alam mo ba? Mahal kita e! Kaso nga lang, para kang dinasour!"

"Alam mo shine, lasing ka lang. Matulog ka na." Sabi nya.
"Sige, sabihin na natin na lasing ako! pero seryoso ako!"

Hiniga nya ako sa kama, inaantok na din ako kaya mas pinili ko na matulog na lang.

------

Sky's POV

simula nung sabihin ni shine na mahal nya ako, ang weird ng nararamdaman ko.

Nung gabi na tinanong ako ni mark, hindi ko talaga alam ang isasagot ko.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko yung tanong ni mark kagabi.

Pinagmamasdan ko si shine ngayon habang natutulog sya. Maganda nga sya pero may dating.

Bigla syang gumalaw at mapahawak sa ulo nya. Hang over pa yan. Tatlong hard na alak ba naman ang naubos e.

"ahh, anong nagyari?!" Tanong nya saakin.
"gusto mo ba talaga malamn butiki? Baka hindi mo magustuhan!" Sabi ko. Parang natigilan sya sa sinabi ko.

"May sinabi ba akong di maganda?" Sabi nya. Alam kong kinakabahan sya..

"Hmm.. oo!" Sabi ko sabay ngisi. Namula sya bigla kaya ako natawa."anong nakakatawa ha!?" Tanong nya

"Sabi mo kasi kagabi, alam mo ba mahal kita ha!?" patuloy lang ang tawa ko habang sya nanlalaki ang mata, di siguro sya maka paniwala na nasabi nya yun.

"Ah-am. Ano... kasi... hindi.. kalimutan mo na yun. Kasi wala ako sa sarili ko kagabi!"

Sabi nya, ang cute nito kapag namumula. Hahaha .
Nag ayus na kami ng gamit namin, tutal ngayon ang uwi namin. Namiss ko ang alak. whoaaa..

Nasa van na kami ngayon, tahimik lang kami habang si lorene ang nag da-drive. Katabi ni shine si jake, oo sumama sya tutal naman daw andun daw yung relatives nila. Sus! Di ako naniniwala, ang sabihin nya gusto nyang makasama si shine.

Pero bakit ba ako nag kakaganito? Ewan ko ba sa sarili ko. Huminto kami sa gas station, nag pagas si lorene.

"Ahm, wait guys. Cr lang ako"
Sabi ni shine. Pagkabukas ng pinto ng van, naka tingin sa kanya yung tatlong mukhang ugok na mga lalaki. Kitang kita ko dito kasi yung salamin.

"Ako din, saglit" sabi ko. Authomatic ba bibig ko? Bigla bigla nag sasalita? Ang totoo nyan, gusto ko syang sundan baka mamaya kung ano gawin sa kanya ng mga ugok na to!

Naka bantay lang ako sa labas ng cr ng girl. Narinig kong tumunog cellphone nya, siguro may tumatawag.

Sinagot naman nya ito.
"Hello?" Sabi nya.
"Ano!? Sige sige pauwi na kami!" Bumalik agad ako para hindi halata na sinundan ko sya.
tulog si jake, si lorene, mark,jane,at zayen naman nasa 7/11 sinamantala ko na.

Hiniga ko si jake. Para hindi maka upo si shine sa tabi nya. Pero bakit ba ayaw ko katabi ni jake si shine? Taena naman oh! Lecheng puso at isip na to.

"Oh, andyan ka na pala. Nahiga si jake eh, napagod!" Sabi ko, bigla kasi dumating si shine. Kunwari nalng andito ako kanina pa. May tumutulong tubig galing sa mata nya. Umiiyak ba sya?

Parang may kung ano bagay ang nagtulak saakin para i comfort sya. Nilagay nya yung kamay nya sa mukha nya, oo nga umiiyak nga sya. Hinawakan ko yung ulo nya. Isinandal ko yung ulo nya sa dibdib ko.

"Shushh.. tahan na, kung ano man yang problema mo .. pwede mo sabihin saakin" sabi ko sa kanya. Inangat nya yung ulo nya. May hinahanap sya sa bag nya.
Alam ko na hinahanap nito.

"Eto oh, panyo. " kinuha nya agad yung panyo ko. Pinaka favorite ko yung panyo na yun ah.

"Wag na sky, di ko sasabihin problema ko sayo! Mamaya ipagkalat mo pa!" aba! Sya na nga yung kino-comfort sya pa may ganang magalit.

"Aba! Ako na nga nagmamagandang loob ikaw pa tong galit!?" Sabi ko. Kahit kelan talaga napaka ano nito!

Bigla syang tumawa. "Ganyan ka ba talaga pag umiiyak? Bigla biglang tumatawa?" Tanong ko, agad naman nya sinagot

"Hindi, narealize ko lang. Sa lahat ng katarantaduhan na ginagawa mo saakin. may puso ka pala" natigilan ako sa sinabi nya. Bigla syang sumandal sa sandalan, pumikit sya pero may luha paring tumutulo.

Ewan ko ba, nahuli ko bigla yung sarili ko na nakatingin sa kanya tapos naka ngiti. Ano ba talagang nagyayari saakin? Naguguluhan na ako, kailngan ko na talaga sabihin to kay mark.

"Iiyak mo lang yan butiki. Para gumaan ang loob mo" sabi ko. minulat nya ang mata nya, sabay tingin saakin.

Bigla nagtama yung mga mata namin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ano ba ? Tatangalin kitang puso ka e!

"Bakit ganyan ka makatingin?" Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Maganda pala mata mo."
Pinag sasabi nito. Sinandal ko yung ulo at pumikit. Gusto ko muna matulog. Wala akong tulog e.




Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon