CHAPTER 19

117 7 0
                                    

Tyrone's POV

nagulat ako nung makita ko si sky sa ospital. na miss ko tong mokong nato ah.

Oo, may group kami DATI hindi ko na papahabain pa... isang fraternity. Kung saan tuwing gabi kami nakikipag rambulan sa ibang grupo.

Kapag wala ako sa bahay nasa gang fight kami. Si Sky ang namuno, dahil sa trained at may alam sya sa larangan na to.

Buwan lang ang agwat naming lahat pare pareho na kaming 17 .. DMC- DEVIL MAY CRY.

Devil may cry yung pangalan in short DMC, kinakatakutan, pinagkakaguluhan. Kaso hininto nanamin yun simula nung makapatay kami sa gangster fight.

Si walter. Namatay sya kakabugbog namin. Hindi nga namin alam ang gagawin nung mga oras na yun pero tinapon namin ang katawan nya sa ilog malapit sa abandoned house.

Wala na kaming balita mula noon.
Nanahimik kami hanggang ngayon dahil ibang usapan na iyon.

Andito ako ngayon sa kwarto ni mama. Sa ospital pa din, si shine, pinauwi ko muna. Alam kong masama ang loob nya kay mama pero di nya magawang magalit dahil na rin pilit nyang iniintindi si mama.

"Tyrone, kumain ka na ba?" Tanong sakin ni mama. Makikita mo sa mata nya ang pag aalala. Nakikita din ba ni shine to kay mama?

"Ah, yes mom."
Tipid kong sagot. Kahit ako masama ang loob ko sa kanya dahil sa pinag gagawa nya kay shine.

"Ah, excuse po muna ma" paumanhin ko. "Saan ka pupunta? Pupuntahan mo nanaman ba yang walang kwenta mong kapatid?" Nag pantig ang dalawang tenga ko ng marinig ko iyon.

"Really ma? Anak nyo din po sya.  Hindi po porket nawalan kayo ng isang anak, Ganyan na ang turing nyo sa kanya."

Hindi ko maiwasan na itaas ang boses ko. Medyo nanginginig pa ako dahil unang beses ito. Lumabas ako ng kwarto ni mom dahil ayoko ng may masabi pang iba.. naabutan ko si sky sa waiting area,  Andun pa din pala sya.

"Bro, long time no see ah." Sabi nya. Halata mong malungkot sya.

"Oo, may bussiness kasi akong inasikaso sa hongkong kaya eto. Busy"

Nag kwentuhan lang kami ni sky. Nasabi na din nya saakin yung tungkol kela jane. oo, alam ko yun pero di ko alam yung buong storya. Ayaw ko din syang i judge kahit bestfriend ko sila.

Since grade 5 naging magkakakilala na kami . Sa denly academy. Masaya ang alala namin doon.

Siguro nag tataka kayo kung bakit sabay kami ng school year ni shine.

Maagang pinag aral ni dad si shine, matalinong bata kasi sya, naka pasa sya at nung grade 2 sya nag jump sya ng grade. Pinakuha sya ng exelaration
Exam. Kaya ayun, naabutan nya ako.

Umuwi muna ako para kamustahin si shine. Nasa bahay na sya. Andun lang sya sa kwarto nya hindi ko naman inaasahan na aalis sya

"Kuya? Andyan ka na pala. Kamusta si mama?"

kahit galit sya. Gusto parin nya maka sigurado na maganda ang lagay ni mama. Ang bait talaga ng batang to. Bilib ako sa lakas ng loob ng kapatid ko.

"Ah, ayus lang sya. Ikaw? Kumain ka na ba? Lil' sis?"

Tumango sya. Umupo lang ako sa tabi nya. Tinignan ko sya at binasa ang ekspresyon ng muka nyam

"anong problema?" Tanong ko. Sobrang close kami nito. Kahit na konting problema sa crush nito alam ko.

Nung wala pa si jane, ako ang kuya/tatay/bestfriend ng kapatid ko. Kahit minsan nagtatalo kami, mahal ko to.

"Wala kuya, wala to" sabi nya ...

"Hindi ako naniniwala. Ano nga yun? Kapag hindi mo sinabi hahagisan kita ulit ng butiki!"

"kuyaaaa!! Wag kasii!!"

"HAHAHA! ano nga kasi yun?"

"E kasi, kuya... wag ka magagalit ha?"

"Ano !!!?? Di pa ko handa maging uncle! Ano ba shine!? Ang bata bata mo pa? Sino ang ama!? Ha!? Papatayin ko ya--"

"Kuya ang o.a grabe! Mas matino naman ang pagiisip ko sayo no! Hindi ko gagawin yang iniisip mo! At may itatanong lang ako"

"Ah, e.. yung tono kasi ng boses mo e!"

"Ganito.. kuya, ano ba pakiramdam ng inlove?"

Napaubo ako sa sinabi nya! Inlove? E di ko pa nga nararamdaman ang mainlove.

"Inlove? Ahm, alam mo naman na... never pa akong nainlove diba? I'm just playing with the girls, and i'm happy for that!"

Hindi maipinta mukha ni shine. Hahaha, yeah true. tatlo kaming player, pero ang pinaka player saamin..

Si sky, sobrang player nyan. Walang babae ang hindi pa napapaiyak nyan. Lahat pinapatulan.

Ako, pinipili ko sila. Yung mas hot and sexy.

Si mark, baduy nun! Tatlo palang naging girlfriends na pinaglaruan.

"Sus. Kahit kilala ko crush mo?"

Crush? Biglang pumasok sa isip ko si cyndee.
Ano ba to!! Sya lang ang kaisa isang babae na para saakin kakaiba.

Mabait, mataray, ubod ng sungit, pilosopo. Bigla ko tuloy namis yun.

"HOY!!"

"AY CYNDEE!!!"

" nakoo.. cyndee pala ah.. kaya ba, gusto mong makipag close kay jane... para makita mo si ate cyndee.. ayiee kuya.."

Tignan mo to.. parang sira! Yari sakin to. Timitigan ko sya ng patalim kaya napausod sya dahil alam na nya ang gagawin ko.

Kiniliti ko sya ng kiniliti.

"HAHAHA!! KUYAAAA!! HAHAHA!! PL-- HAHAHA PLEASE HAHAHA STOP!"

" in one condition!"

"What is it?"

"Stop teasing me! I dont wanna hear her name anymore!"

"Oh bakit? May butterflies ba dyan sa tyan mo? Hahahaha!"

"W-wala ah! Kuleeeet mo talagaaa!!"

Kiniliti ko pa sya ng kiniliti.
Malakas ang kiliti nya sa bewang, hanggang sa bumalot na sya sa kumot nya.

Tumakbo sya papuntang kwarto ko. Nag harutan lang kami ng nag harutan hanggang sa natamaan nya yung isang frame.

Picture namin to ah? Si sky, ako, si liam.

Biglang may tumulong dugo sa picture. Nakita kong dumudugo yung kanang kamay ni shine. malaki at mahaba yung sugat nya.

Agad kong kinuha yung panyo ko at kinuha ko yung kamay nya.

Bumaba kami sa sala dahil dun nakalagy yung first aid kit namin.

"OUCH!! Dahan daha kuya.. masakit! Ayan, ang kulit mo kasi e. pano ako makakapag sulat nyan!?" Sigaw saakin ni shine.

"Oo na bunso! Sorry na. Jusko. Para yan lang, ako nga buong katawan e!" Pabulong kong sinabi yun.

"ARAYYY!!" Sinasadya ko talalagang idiin yung bulak na may betadine.

Bahala sya. Tumawa lang ako ng tumawa. .
Hinanap ko yung bandaid kaso wala.

Umakyat ako sa kwarto ko. Para kuhain yung bandaid ko sa bag, nakita ko yung picture namin na nalglag.

May dugo pa si shine yun, pero nakakapag taka, bakit sakto sa mukha ni liam!?

Agad akong pumunta sa baba. Nakita kong umiiyak si shine.

"Oh, bakit ka umiiyak"

"E, ang sakit e!"

"Sus! Iyakin ka talagang butiki ka! Malayo sa bituka yan."

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon