CHAPTER 11

156 8 0
                                    

shine's POV

mamaya na ang alis namin papuntang bundok ng maria makiling. chini-check lang muna ni jane yung mga gamit namin sa loob. Ako naman nasa labas ng bahay at inaabangan yung sasakyan na gagamitin. Kami kasi ang pinaka huling susunduin sa grupo.

Maraming kwento kwento dyan, kaya ayoko pumunta. I have a fear.. nakakatakot kaya sa dilim. Jusme. Tapos biglang may hahawak sa paa mo.. grrr.

 na palingon ako ng biglang bumukas ang gate ng bahay lumabas si jane dala ang gamit namin.

"Ready ka na bestie!?"

Tanong sakin ni jane. kahit nahihirapan mag dala ng gamit halatang excited na sya.

"Oo bestie ready na ako. pero kasi---"

"shhh! Hindi nga nakakatakot dun!"

Hinihintay nalang namin yung van na gagamitin namin. medyo napatagal kaya binalak namin pumasaok ng gate at umupo doon sa may batong upuan sa loob. Nang matanaw na namin ang van ay kinawayan namin to. 

Bumusina yung van at lumabas na kami ng gate, kompleto na sila doon.

Si mark, sky, lorene, zayen.
ang may ari ng van ay sila lorene. Yun nalang daw ang gamitin namin..  si lorene yung katabi ni jane . Baka pagkamalan nyong sya si lorena ah? Hindi.

Sya din ang nag drive. Yung mga gamit nasa likod ng van. Dahil sa marami yung gamit.. 3 upuan nalang yung natira

Tumabi si mark kay jane, i smell something sweet. Hahah. nakooo. Lumalablayp ang dalawang mokong. halata mo naman pero nag de-deny pa.

Ang katabi ko naman si zayen.
"Shine wait lang ah, dun lang ako!na sususka ako dito may aircon eh. sky! alis dyan dali!"

Lumipat si zayen sa isang upuan at sabay umalis si sky. teka, eh kanina a nga sya dito eh! wala pa kami dito na sya kasi pag sakay ko nakita ko dito sya naka upo.

lumapit si sky sa tabi ko. bago pa sya maupu tumingin sya sakin. nag earphone ako dahil ayoko marinig ang boses nya! nakakairita. nakita ko namang naka iling sya pagka upo.

7 hours ang byahe kaya mahaba pa ang itutulog ko. napagdsisyunan ko nalang na matulog kea makausap tong lalaking katabi ko.

Pinikit ko lang yung mata ko.
hindi ako maka tulog kasi di ako maka sandal ng maayos. Minsan dumudulas pakanan minsan pakaliwa. Tapos nauntog pa ako sa bintana. medyo magalaw kasi nga umaandar tas minsan lubak pa yata yung daan.

Lahat sila tulog na except kay lorene kasi sya yung nag da-drive. Magulat ka pag natulog yan jusme. Ayoko pa mamatay.

"Di ka makatulog?" Sabi saakin ni sky nang hindi naman tumitingin saakin. Nakapikit lang sya .. kaya nag karoon ako ng pagkakataon tignan ang kanyang muka. ANONG SILBI NG EARPHONE!? KUNG NARIRINIG KO PA DIN SYA -__-

"Malamig kasi, at di ako makasandal ng maayos!" Sabi ko pero nakaiwas na ng tingin kasi bigla syang dumilat. naalala ko nga pala na may dala akong jacket. kinuha ko yung bag ko at hinanap iyon. kaso wala akong makitang jacket!

Nakalimutan ko pa tuloy dalhin yung jacket. nakalimutan ko nga ba? aba ewan! binalibag ko yung bag kodahil naiinis ako. bumalik ako sa inuupuan ko at nag cross arm. 
nagulat ako nung biglang Hinubad ni sky yung jacket nya.

"Oh. Suotin mo, para di ka lamigin" medyo natagalan pa kong kuhain sa kanya dahil nahiiya ako at hindi ko yata kayang lunukin pride ko para sa kanya. pero parang mas hindi ko kayang tisin yung lamig kasi parang mas lumamig pa.

Sinuot ko naman na  yun agad, kahit medyo malaki saakin. Magiging chossy pa ba ako e ang lamig na sobra.

tumayo si sky at may kinuha sa bag nya. hindi ko na tinignan kung ano yun dahil baka may extra pa syang jacket kaya binigay nya saakin to. papikit na sana ako nang bigla  syang may inabot.

"Oh, yakapin mo yan. " bigay nya saakin ng unan. 

Ang cute ng unan kasi maliit lang. And superman yung design. tulad kanina natagalan nanaman ako ng pagkuha, pero kinuha ko na din naman iyon.

Niyakap ko yun sabay pumikit, hindi pa ako nakakatulog. Naramdaman kong hinawakan ni sky yung pisngi ko para maipatong nya yung ulo ko sa balikat nya. 

"Matulog ka na.." bulong nya saakin. At ayun nga nakatulog na ako. May time naman pala na mabait tong si sky e. Hindi lang halata

.
.
.
.
.

"Oh, hindi pa kayo baba? Malayo pa ang byahe. Gisingin mo na yan si shine. Kain muna tayo dito sa resto. Namin" kakagising ko lang, nag salita si lorene. kanila ba yung pinuntahan namin?

"Hindi, sige na. Ayoko maistorbo tulog nito. Mauna na kayo, bili nyo nalang si shine.".

Sabi ni sky. Nanatili parin na nakapikit ang mata ko, narinig kong sinara ni lorene yung van.
Binuksan naman ni sky ng konti yung bintana.

"Ang ganda mo pala..." cold nyang sabi. Hindi ako pwede ngumiti. pigilll pigill!!!

gumalaw ako ng konti. para si halatang gising na ako kaya kunwari kakagising lang. Sabay Minulat ko na yung mata ko, kaso sobrang liwanag kaya napapikit pikit pa ako.

"Matulog ka pa," sabi nya.

"Teka, nauuhaw na ako e. Kuha lang ako ng tubig sa bag."

Kinuha ko yung bagpack ko. Kinalkal ko pero wala. Wag mong sabihin wala din akong tubig..

"Oh, eto nalang." Binigay saakin ni sky yung tubigan nya.

Sure sya, e nainuman na nya to e. Edi parang nag kiss kami..

Kiss??

Ugh. Bigla ko naalala !

"Wag ka na maarte. Nahalikan mo na nga ako. para yan lang ah"

Sabi nya. Alam ko hindi ako first kiss nya. Pano? Halata naman babaero sya, womanizer, playboy. Bigla naginit yung mga pisngi ko.

Uminom na ako dahil tuyong tyo ng lalamunan ko, ibinigay ko na din sa kanya yung tubigan nya.
Dumating si jane sabay binuksan ang pinto.

"Ahmm. B-bestie, kain ka muna oh. Dito nalang daw kayo. Oh, eto sayo ku-- sk-- prince pala."

Umalis na sya, may binigay na pagkain si lorene saamin. Halatang gusto nyang tawagin si sky na kuya e.

"Bakit sa school, tawag nila sayo prince? Pero mga kaibigan mo sky?"

Tanong ko. Nakakapag taka lang. Binuksan nya muna yung pagkain ko, tapos binigay nya saakin. Binuksan na din nya yung kanya.

"Pinapayagan ko lng na tawagin akong sky kung importanteng tao"

Sabi nya. Natahimik naman ako bigla. Habang kumakain sya naka tingin lang ako sa kanya.

"Why are you staring at me?"

"H-ha? Tinitignan lang kita pero di kita tinititigan." Pagangmaangan ko.

Nakakahiya naman nahuli nya pa akong naka tingin sa kanya. Kinain ko na yung bigay si lorene.

maya maya nakaramdam ako ng hilo, ang sakit ng ulo ko. Gusto kong iuntog. Sobrang sakit.

"Ahh!!" Napasigaw ako. Tapos ko na kainin yung pagkain ko, si sky naman nag i-ipod.

Napalingon saakin si sky.

"Ayus ka lang? Anong masakit!?"

Hindi ako makapag salita. Lumabas si sky ng van at tinawag sila mark.

Agad naman sila bumalik pero bago ko sila makita sa loob. Nawalan na ako ng malay...










Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon