Shine's POV
Kakagising ko lang nung mag text si sky saakin
From: coton candy boy
Good morning baby :*
Napangiti ako nung mabasa ko ang text nya. Oo, simple lang pero ang lakas ng dating saakin.
Tumayo na ako at nag punta sa cr. Tumapat ako sa salamin, omayyjjjji! may eyebags ako...
Napairap nalang ako sa sarili ko sabay nag hilamos ng muka. Para medyo magising ako sa katotohanan at mabawasbawasan ang kilig na kanina ko pa nararamdaman.
Nang matapos ko ang paghihilamos ay agad akong lumabas ng cr para kuhain ang towel ko.
Pinunasan ko yung mukha ko at biglang tumunog yung cellphone ko. Senyales na may tumatawag.
Calling --> coton candy boy
Halos maihagis ko ang cellphone sa gulat. Di kaya OA na ko? Sya lang naman ang tumatawag ah. Pero
Bakit kaya tumatawag to? Sinagot ko agad yun kasi baka magalit pa saakin yun. Ang aga aga e. 5:30 palang kaya at saka baka importante din. Uhmm, dagdag mo na yung gusto kong marinig yung boses nya."Hello?" Pabebe kong sabi.
(Good morning baby.. kumain ka na?)
"Hindi pa.. kakagising ko lang baby e"
Nagulat ako sa sinabi ko. Bigla tuloy ako lalong nagising. Ano ba tong mga pinag sasabi ko! Anak ng tipaklong naman.
(paki ulit nga BABY) pinagdiinan pa nya yung salitang BABY.
"ha? Ahh.. ehh. Ano sabi ko di pa"
(hayys.. ok, kumain ka na.. baka mamaya magutom ka sa school.)
"Sige. Kakain na ako"
[Bye baby.. i love you]
"I love you to-- bye!"
Inend ko agad yung call. Ilang beses na akong nadudulas ah!
Onti nalang maiinis na ako. Sure ako naka ngisi yun sa kwarto nya. Aisshhh!! Tanga tanga ka talaga shineee!Dahil sa tinatamad pa ko bumaba naupo muna ako sa kama. Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ko at kinikilos ko.
Biglang tumawag ulit si sky. Sinagot ko naman agad.
"Bakit?"
(Anong sabi ko? Sabi ko kumain ka na.. paupo upo ka pa dyan. Iniisip mo pa ko. Wag ka mag alala magkikita pa tayo.) Sabi nya sabay ngisi.
"Teka, Pano mo nalaman?"
(Tumingin ka sa bintana. Makikita mo si the one mo.) Sabi nya sabay tawa.
sumilip ako sa bintana at nagulat ako. Ang aga aga andito agad to? Oo, andito sya naka tayo sa labas ng bahay namin. Naka pamulsa at naka lingon saakin habang hawak ng kaliwang kamay nya ang cellphone nya.
"Huy! Bakit andyan ka!"
(Gusto kasi kita makita)
"Tsk. Wait lang."
(Okeyyy)
Inend ko na yung call. Bumaba ako para puntahan si sky. tulog pa naman si jane at si rain e. Kaya dahan dahan lang ako maglakad pababa ng hagdan. Nung makarating agad ako don Binuksan ko yung pinto. Sinilip ko sya ulit para maniguradong nakita ko nga sya. Kasi baka mamaya antok lang yun. Pero hindi, Nakita ko sya sa may gate. Naka pamulsa sabay ang laki ng ngiti.
lumabas ako ng bahay wala akong paki kung naka pajama pa ako. No choice naman ako kasi.... inaamin kong gusto ko din sya makita.
"Kanina ka pa ba dyan? Tara pasok ka."
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
General FictionShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...