CHAPTER 47

82 5 0
                                    

Shine's POV

Nakarating agad kami sa park. Sa park kung saan kami nagkita, sa park kung saan kami nag usap, sa park kung saan kami nag away.

Sa park na kung saan naintindihan ko sya kung bakit sya galit na galit saakin.

Nagpaiwan si sky. Sabi nya gusto daw nya muna kaming magusap dalawa. Parang hindi ko yata kayang lumabas sa sasaktan na 'to.

"Sige na, bumaba kana."

"Sky, *sob parang di ko kaya"

"Kayanin mo, dahil kinaya nya."

Huminga ako ng sobrang lalim. Tumingin ako kay sky. Sabay bumaba na ako.

"Kaya mo yan shine" sabi ko sa sarili ko. Naglakad ako papunta sa park na yun.

Sa di kalayuan nakita ko sya. May hawak syang malaking stick. Sabay may aso sa tabi nya.

May binato sya sa malayo na sinundan agad ng aso. Hindi ako makahinga dahil sa iyak ako ng Iyak.

Lumapit ako sa harap nya. Naka shades sya,pero alam kong hindi na to biro.

May nilipad na picture. Napunta sya sa paanan ko. Yumuko ako para kuhain yun. Lalo akong naiyak.

Picture naming dalawa. Edited sya. Hindi ko napigilan yung sarili ko. Niyakap ko sya, sobrang higpit.

Nagulat sya sa ginawa ko. Hindi nya ako kilala dahil di pa nya ako nakikita

"Rain... salamat ha? Salamat" iyak parin ako ng iyak. bakit hindi maubos ubos ang luha ko? Gusto ko na matapos to.

"Shuusshh.. shine alam mo, kulang pa yun."

"Hindi yun kulang rain... sobra sobra nga e. *sob sorry ha? Rain, mahal kita"

"Shine, ako dapat yung magsorry. Sorry kasi, hindi kita kinausap ng maayos. Sorry kasi ako yung nagtulak sayo sa pool. Hindi ko alam na may sakit ka. Sorry kasi ako yung kumuha sa libro mo.
Shine sana hindi pa huli ang lahat.. "

Bumalik yung aso kanina. Kagat kagat nya yung buto.

"Arff. Arrf"

"Bogchi, dun ka muna"

"Bogchi ang pangalan? bakit?"

naalala ko noon. Sabi ko kay kuya, bogchi ang itatawag ko sa aso ko kapag binilhan nya ako.

"Kasi na ikwento saakin ni kuya tyrone na bogchi yung gusto mong pangalan sa aso. Kaya bogchi. Maganda ba?"

"Oo.. maganda. Sobra.. rain, ano man yung naumpisahan natin na di maganda. Pwede nating burahin yun. Gagawa tayo ng bago"

"Shine, salamat."

Ganon pala sya kabait. Sadyang ang ingit ang humahandalang sa kabaitan nya.

Tumayo kami at inalalayan ko sya papunta sa kotse ni sky.
Naka ngiti naman si sky dahil alam nyang nagka ayos na kami.

Si bogchi nasa tabi namin. Ang bait nga nyang aso e. Parang amo nya lang.

Andito kami ngayon sa bahay namin ni jane. "Wait. Omaygahhad. Rain?" Sigaw ni jane. Agad nyang niyakap to.

"Wag ka na mabigla. Nakausap na namin lahat si rain. dapat nga hindi namin sasabihin sayo e" sabi ni sky. Umupo kami sa sofa.

"Ahmm, rain. magiging reporter muna ako ngayon ah. Hmm. Kunwari isa kang sikat na model sa U.S" sabi ni jane. Tumawa naman ng mahina si rain.

"Hindi na kailangan pang mag kunwari. Isa talaga akong sikat na model, hindi nga lang sa u.s . Sa london. isa ako sa pinaka sikat na modelo doon"

Lahat kami nagulat. Talaga? Pero paano sya ngayon?

"E paano ka ngayon?" Tanong ko.

"Nag quit ako , para sayo." Naiiyak nanaman ako. Sayang yung opportunity na yun ah

"So, anong itatanong mo ms. Reporter.?" Tanong ni rain.

"Hmm. Saan po kayo naka tira at sino po ang kasama nyo?"

"Acctually, i leave at london. But i want to see my real family here kaya may condo ako sa manila. Si mama lang ang kasama ko. Sya yung umampon saakin."

Tumango tango lang naman kami. Nakakamangha sya.

"Anong buo mong pangalan?"

"Rain maggie villa fuente - guevarra. Yung villa fuente tunay kong apilyido. Hindi naman saakin yun pinag kait. Yung guevarra kay mama kath yun."

"Bakit mo pinili maging donor ?"

"Kasi, gusto kong bumawi sa lahat ng kasalan ko kay shine. Wala akong maisip na paraan e."

"Hmmm, gaano mo sya kamahal?"

"Sobra pa sa sarili ko"

Pagkasabi nya nun. May nag tulak saakin para yakapin sya. Sobrang thankful ko dahil sya ang kapatid ko

"Hayaan mo . Babawi ako sayo rain. Promise. Itaga mo yan sa puso't isipan mo" hinimas himas nya lang yung likod ko

Oo, may naisip na ako.
isang paraan na hindi nila nagawa nung ako yung nabulag.

Tinawagan ko yung driver namin. Pinakuha ko lahat bg gamit ni rain. Dahil papatirahin na namin sya dito. Kumuha ako ng 4 na maids. para mag bantay at mag alaga sakanya.

Kumuha ako ng 2 teacher na mag tuturo kay rain dito sa bahay. 1 driver para kay rain.

Medyo nag seselos nga si jane e. Pero bumawi ako sa kanya.
Yung ipon ko binili ko ng kotse. kulay pula. Yun ang gusto ni jane e.

At isa pa yun talga yung purpose ng ipon ko. tuwang tuwa naman sya.

At ngayon..

Isa nalang ang mision ko..

Mag hahanap ako ng donor ni rain. Nakausap ko si doc. Milson pwede daw yun dahil hindi pa patay ang ugat sa mata nya.

Basta ang kailangan yung sobrang ka match nya. Oo gagawin kO yun. para sa kapatid ko.

wala akong paki kung mapagod ako. Wala akong paki kung maubos ang ipon ko.

yun ang regalo ko dahil malapit na ang birthday namin. 6 months from now.

Malapit na yun para saakin. basta, gagawa ako ng paraan.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon