CHAPTER 28

105 7 0
                                    

Sky's POV

Liam.. liam.. liam..
Isang kaibigan na hindi mo na mahahanapan pa ng kaparehas.

isang kaibigan na badboy na naniniwala sa shooting star.

Kaibigan na sobrang masiyahin.
Kaibigan na lagi kang papayuhan.
Kaibigan na kasama mo lagi sa lahat ng kalokohan mo.
Kaibigan na nandyan lang.. para sayo.
Kaibigan na kasama mo sa tawanan.
Kaibigan na kasama mo mag cutting classes.
Kaibigan na isip bata.
Kaibigan na kapatid na ang turingan nyo sa isat isa.

Oo.. sya yan lahat. Ewan ko, sobrang sakit ng nararamdman ko. Para akong nawalan ng kapatid, para akong isa bata dito na naagawan ng candy sabihan nyo na ako ng bakla dahil sa pag iyak ko! Pero wag nyong iinsultuhin ang kaibigan ko.

Andito ako ngayon sa burol nya. Si tyrone nasa condo inaayus na yung gamit namin. hindi na kami makakasama pa sa libing dahil may pasok.

Paano ba pigilan ang pag patak ng luha? Parang gripo na e. Buti nalang kaya ko magpigil.

Biglang nag ring ang phone ko at agad ko naman yun sinagot.

"Hello?"

[Kuya asan kayo? Balita ko hindi ka daw pumasok at si kuya tyrone]

Sasabihin ko pa ba talaga na namatay na si liam. Yah, EX boyfriend nya kasi to. Si jane din mismo ang nakipag brake

"Ahm. Si liam kasi."

[hayy nakoo. Ahm.. kasama mo ba sya ngayon? Pwede paka usap. Gusto ko lang mag sorry]

"A-ano. Kas-kasi..wala na sya jane"

[Haha. Kuua naman e, seryoso ako. Anong wala ka dyan?]

"Seryoso din ako. Jane namatay na sya, stage 4 cancer."

[*sob kuya sabihin mong hindi totoo yan *sob diba andyan sya? Diba tumatawa pa sya.. diba!? Kuya! Sabihin mo!!]

"Wala na sya jane.... wala na"

Pinatay na nya ang cellphone. Kailangan na talaga naming umuwi. Baka kung ano ang gawim sa sarili nung babaeng yun.

"Ahm, sky.. kailangan na nating umuwi.. si mama kasi e, tinakbo sa ospital"
Sabi saakin ni tyrone na nagmamadali. Nag nod nalang ako at sandaling sumilip sa kabaong ni liam.

'Paalam kaibigan'


Jane's PO

Andito lang ako ngayon sa kwarto ko. Si shine babalik na dito bukas, kailangan pa kasi nyang bantayan si tita.

Siguro ngayon magang maga na ang mata ko kakaiyak. Bakit kinakain ako ng konsensya ko? Mark asan ka na ba...

Biglang nag vibrate yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung nag text.

From: kuya sky

'Pauwi na kami dyan. Maghintay ka lang'

Hinagis ko ng mahina yung phone ko sa kama ko. Ang sakit... sobrang sakit.

Siguro kung hindi ako nakipag brake sa kanya.. baka ngayon ako pa ang nag aalaga sa kanya. Ang tanga mo jane! Ang tanga tanga mo.

Nakipag brake ako sa kanya.. dahil nanlamig ako. Oo alam kong seryoso sya. Kaso ako, hindi ko alam.. siguro hindi ko lang talaga maintindihan yung sarili ko.

Hawak hawak ko yung necklace na binigay nya saakin.. may naka lagay pa na 'jane'.

Feeling ko wala akong kwenta. ayoko na mabuhay... liam susunod na ako sayo. Tumayo ako at pumuntang cr.

tumapat ako sa salamin. tama nga ako magang maga na mata ko. Almost 2 hours na akong nag iiiyak dito. Hinawakan ko yung blade.

tinaas ko yung kaliwang kamay ko. Ayoko na mabuhay , wala akong ibang iniisip na ang sama kong tao.

"JANE WAG!!"
Biglang dumating si mark. Lalo akong naiyak dahil mas nagising ako sa katotohanan. Nakita kong may nag mamahal pa saakin.

May sugat na ang kamay ko pero hindi ko nalaslasan ang braso ko.
"ano bang ginagawa mo babae ka ha!? Oo alam ko na namatay si liam.. hindi lang ikaw nag luluksa jane!"

"Hindi lang ako? E ako nga yubg pinaka makokonsensya dito eh!?"

"Bakit jane. Kapag ba nag pakamatay ka mabubuhay si liam !? E ako di ko naisip yun!"

"Hindi mo sya kilala mark!"

"Kilala ko sya jane. Kilalang kilala! Dahil PINSAN ko sya! Yun ang hindi alam ni sky at tyrone. Sa lahat ng pinsan ko sya ang pinaka close ko!"

"Ano *sniff"

"Halika nga. Tsk. Tignan mo oh, maupo ka dyan sa sofa. Nawala lang ako bigla nagka ganyan ka na"

Hindi na ako umimik. Tumigil na din ako sa pag iyak. Nakatulala lang ako ngayon sa kawalan.
Kinuha ni mark yung first aid.

"OUCH! Dahan dahan lang mark"

Sigaw ko. Kung maka diin naman kasi ng bulak grabe!

"Masakit diba? Anong mas masakit ngayon? Yang puso mo o sugat mo?"

"Ano pu-- su-- parehas!"

"Ganito kasi yan. Kailangan mo muna masaktan bago mo matutunan"

"Ewan ko sayo. Gamutin mo na yan"

tinuloy nya yung pang gagamot sa kamay ko. Pero mahinhin na.
Habang abala sya sa pang gagamot. Tinitigan ko yung mukha nya.

Ang cute talaga nito. Bakit parang di sya affected?

"Bakit parang wala lang sayo yung pagkamatay ni liam"

Nagulat sya aa tanong ko kaya sobrang nadiinan nya.
"OUCH!! HUHUHU -_-"
Naiyak tuloy ako.

"Kaya nga ako wala diba in 2 hours. Nasa bahay ako, nagwawala. Ayoko makita mo"

Ahh. Kaya pala.
nilagyan na nya ng bandaid yung kamay ko.

"Mag pinsan pala kayo"

"Oo. Pero aminin mas gwapo ako don!"

Pagkasabi nya. Biglang parang may hangin sa gilid namin na dumaan. Lahat ng balahibo ko tumayo. Nanlaki mata namin.

"NARAMDAMAN MO YUN!!?" Sigaw namin. Sabay din kaming tumungo...

"MOMMY!!!"
Sigaw ko. Agad kaming tumakbo sa kama at nag talukbong ng kumot.

"MOMMY!! KUYA!"sigaw ko.
Biglang tawa si mark.

"Anong nakaka tawa ha!?"
"Ang cute mo kasi. Para kang bata na naagawan ng candy"

Biglang parang may hunahatak sa kumot namin. Shett.. ayoko na.. liam... wag naman please? Kung galit ka sorry na.

Biglang sumigaw si mark.. sumigaw na din ako. hanggang sa yung kumot hanggang sa tyan nalang namin at patuloy pang nahahatak.

Umiiyak na talaga ako ng biglang..

"HAHAHAHAHAHAHA" lumabas si kuya tyrone sa pinto at si kuya sky sa kama

Edi ibig sabihin si kuya sky yung naghahatak. Tinignan lang namin sila ng masama.

bigla naming sinugod si kuya sky. Si mark naman kay kuya tyrone.

YARI KA SAKEN KUYAAAAA!!!!


Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon