Shine's POV
umuwi agad ako matapos marinig lahat ng sinabi ni sky. Libro ang naging bestfriend ko, sa libro ako natuto bumasa.
Never akong tinuruan ng nanay ko.
Habang tumatakbo ako pauwi may natamaan akong teacher. Mukhang 24 years old at wala pang anak. Teacher to sa school namin kasi dahil sa suot nya. .parang pamilyar sya sakin.
"I'm really sorry ma'am"
"No. It's ok. What's wrong ija?"
"Nagalit po ako kay sky."
"Oh, sya again"
"Po? Ano pong ibig nyong sabihin? Ay oo nga po pala, bully yun dito"
"Hahaha, yeah, i know. I'm his aunt. Ma'am clara, halika"
"Shine po. Saan po tayo pupunta?"
Wee? Tita ni sky? Di nga? Di halata
Dinala nya ako sa isang building. Siguro kanila to. Umakyat kami sa pinaka rooftop.
15 floor din to ah.
"O, andito na tayo. Dito, kapag may galit ako. Dito ako pumupunta. Tignan mo, dito mo makikita ang buong city. Mas maganda sa gabi. Makikita mo ang bawat star."
"Oo nga po. Nakakagaan ng loob. Salamat po."
"Tinatawag ko din tong "FTS" means Free To Shout. dahil kapag sumigaw ka, walang makaka rinig sayo"
Nakita ko sa mga mata nya na sobrang bait nya. Siguro nga marami din syang problema.
"Sige. Alam kong marami kang problema, nakikita ko sa mata mo. isigaw mo lang yan."
gustong gusto ko na talagang sumigaw. Ngayon ko lang nalaman dito.
"BAKIT AYAW SAAKIN NG MAMA KO!! MAMA!! SANA MAG BAGO KA NA! alam mong mahal na mahal kita!!"
Sa last line ko. Ng hina na ako dahil naiiyak na ako. Niyakap ako ni ma'am clara.
"Shuush. Ayus lang yan."
Hinamas himas nya ang likod ko para i comfort ako.
"Salamat po ma'am clara."
"Don't call me ma'am. Nag seseminar palang ako sa school kaya call me aunt na din"
Huh? Aunt pero sige
"Okey po, aunt clara"
Nag smile sya saakin at nag smile back din ako sa kanya.
mahaba haba din ang nagpag kwentuhan namin. Nasabi nya saakin na 24 years old palang sya. May asawa na din sya.
Inalok pa nga nya ako na kung gusto ko daw, ituring ko sya na mama kasi wala pa silang anak dahil 1 year palang silang kasal.
Pumunta lang din daw ako dito kapag galit ako at sumigaw. Private naman daw yun at walang ibang nakaka alam.Tinangap ko naman yun. Umuwi na ako at nag pahinga. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinawagan ko si kuya kaso nakapatay cellphone nya.
Hindi ko maalis sa isip ko si sky. galit na galit ako sa kanya. gusto ko syang saktan. Hindi naman sa patayin kasi hindi ako masama.
Sky's POV
"Ano pre!? Dito nalang tayo mag usap usap"
Andito kami ngayon sa park. Wala naman ganong masyadong tao kaya dito nalang.
Mag uusap kami tungkol sa mga napapansin namin kay shine.
"Okey, una kong napansin sa kanya lagi syang tulala"
Sabi ni jane, hindi naman yun ang pag uusapan e.
"Hindi! Yung napapansin mo na parang alam mo na"
"Ganito, nakita ko si shine nung nasa hall way ako. Tumatakbo pa nga at naka suot na pink na jacket. Pero nung dumaan ako sa locker room, nakita ko sya duon walang suot ba jacket" -ako
"Oo nga, ako nanamn napansin ko yung nag cr sya. Tapos wala pag 10 sec. Bumalik sya naka wear nanaman sya na jacket na pink at kinuha yung mga libro. Tapos nung bumalik si shine walang jacket. Hinahanap yung libro nya, e sabi pa nga nya pupunta sya ng old gym. Ang gulo naman" - mark
"Guys, nung mga naka raang araw. Kapag nag papaalam sya sinusundan ko sya. Pumupunta sya ng old gym. Napansin ko, nung hinubad nya yung hood nya nakita kong may tatoo sya na pangalan. 'Rain' oo tama. Pero nung natutulog si shine sa clinic nakita kong wala syang tatoo. Pero kamukha nya yung babae sa old gym at si pinky girl na may letter r sa jacket may hawak na piraso ng picture. At nung binuksan nya libro ni shine. May kinuha syang family pic. pinag dugtong nya yun, at akala mo puzzle na muling nabuo"-ako
"Kaya pala tuwing gabi sa bahay namin ni shine. Nakikita ko yung pic. Sa study table nya. May sunog sa kabilang part ng mama nya."-Jane
Parang puzzle na unti unting na bubuo sa mga isipan namin ang lahat ng pangyayari
"Hindi kaya..."
"MAY KAKAMBAL SI SHINE!!" Sigaw naming tatlo. Wala ng tao dahil gabi na.
"Sa tingin ko, nasa panganib si shine ngayon"
Sabi ni jane, hindi ako maka paniwala. Kailangan pa naming mag imbistiga.
Agad akong umalis doon. gusto kong puntahan si shine. Gusto kong maka siguradong nasa mabuting lagay sya.
Malapit na ako sa bahay nila shine pero may nakita akong babae. Naka tingin sya sa bintana . Teka, sya yung babae na nasa old gym ah.
Pinag mamasdan ko at sinusuri ang bawat galaw nya. Naka masid lang ako habang sya naka masid kay shine.
Nakita ko ng bahagya ang mukha nya. Nagulat talaga ako sa nakita ko. Kamukhang kamuka nya su shine.
Sa sobrang gulat ko. Natamaan ko yung busina. Napalingon sya saakin. Agad syang tumakbo at umalis.
Nag doorbell ako sa bahay nila.
Lumabas yung mama nya."Anong kailangan mo"
"Ahm, andyan po ba si shine"
"Oo, hindi sya pwedeng lumabas. At kung sino ka man o kung ano ka man nya. Pwede ba? Umalis ka na."..
Ganyan ba talaga ugali ng mama ni shine? Siguro kaya laging may problema si shine.
"Ahm, sige po. Mauuna na po ako. Pasensya na po"
Agad akong umalis pero bago pa man ako maka pasok ng pinto ng sasakyan ko, lumingon muna ako sa bintana si shine at nakita ko syang naka silip. Agad syang pumasok sa loob.
Tinataguan ba nya ako? Para lang sa libro nag kakaganyan sya.
A/n: hulaan nyo po kung sino yung babae na nasa picture ^_^
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
General FictionShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...